Chapter 4

375 9 0
                                    


Hapon na nang makauwi kami sa tribo. Nag enjoy naman ako sa date namin ni Baron. Matagal kaming namasyal sa plaza at kumain sa isang kainan. Balak sana naming pumasok sa isang mall dito sa bayan kaso parang ma a-out of place kami tulad ng nangyari noon na pinagtitinginan kami ng mga tao nila Esang at Aida.

Sinalubong naman ako agad ni Mire at nagpayakap sakin na parang miss na miss na agad ako.

"Kayo na ba?" kinikilig na sabi ni Esang.

"Oo, kami na, diba?" sagot ni Baron sabay kindat sakin.

Naalala ko ang pagtanong niya sakin sa plaza kung gusto ko raw siya maging boyfriend.

"Talaga Thalia?!" takang tanong ni Aida.

"Hindi pa." sagot ko at parehong bumagsak ang kanilang mga balikat. Halatang nadismaya.

Hindi pa naman kasi ako handa sa mga ganyang relasyon at tinanggap naman ni Baron ang desisyon ko. Handa naman daw siya maghintay.


Lumingon naman ako sa bihag. Nakaupo siya sa lupa at pinagmamasdan kami.

"Hindi pa kumakain ng tanghalian si pogi." sabi ni Aida.

"Oo, hindi niya ginagalaw ang pagkain niya." sabi naman si Esang.

"Lagot siya kapag hindi pa siya kumain mamayang hapunan." si Aida.

"Tiyak, hindi na magdadalawang isip ang Ama mo na putulin ang t*ti niya." sabi ni Esang.

Umingay naman si Mire na nakasampa sa balikat ko, para siyang nagdidiwang.

Nakita ko ngang may lamang pagkain pa ang platong inabot sa kanya.


"Baka ayaw niya ng pagkain na 'yan." si Baron.

Lumapit ako sa lalaking bihag at nakitang ang pagkain niya ay pritong karne ng palaka. Mukhang ayaw niya nito kaya naman nagluto ako ng makakain niya kahit lugaw na lang na may kamote. Naabutan naman ako ni Ama at Ina na abala sa pagluluto.

"Bwiset! Sinalakay ng mga peste ang maisan!" inis na sabi ni Ina pagpasok niya ng bahay.


"Siguro, nagalit ang bathala nang hindi nakakain ang bihag na iaalay natin sa kanya." si Ama.

"Ayaw siguro ng bihag ang hinanda niyo sa kanyang pagkain." sabi ko habang nilalagyan ko na ang mangkok ng lugaw.

"Tsk! Ang arte! Buti nga may nakakain pa siya eh." iratadong sambit ni Ina.

Lumabas na ako dala ang pagkain, sumama pa sakin si Mire na sumampa agad sa balikat ko. Naabutan ko ang lalaking bihag na tulala sa loob ng kulungan.

"Kumain ka na, masarap 'to." sabi ko at nilapag na ang pagkain.

Tiningnan niya ito at kumuha ng pagkain gamit ang kubyertos at parang sinusuri ang lugaw.

"Malinis naman 'yan." sabi ko.

Tumayo na ako at umalis na.









Biglang bumuhos ang ulan kinabukasan bandang tanghali. Ayon sa banal na kasulatan ng tribo na kapag umulan ay uulan ng biyaya sa susunod na mga araw. Kaya halos lahat kaming katutubo ay nagtampisaw sa ulan. Tumitingala kami at tinataas pa namin ang aming mga kamay na parang sinasalo ang biyaya. Habang ginagawa ko iyon ay napasulyap ako sa lalaking bihag, nanonood siya samin. Sakin lang pala. Pinapasadahan ng kanyang mga mata ang kabuuan ko.


Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now