Chapter 23

272 10 0
                                    



"Where are you going to live?" tanong niya.

"Ipapaalaga ko si Mire kay Lester" sagot ko

"At doon ka rin sakanya titira?" taas kilay niyang tanong.

"Hindi. Maghahanap ako ng apartment." sagot ko.

Unti-unti siyang tumango. Ngumiti naman ako ng pilit.


Pasensya na Dwight, kung nandito kami at nakapagpaalala sayo ng masamang nangyari.

Kinaumagahan ay nag empake na ako. Sabi ni Dwight, ipapahatid niya kami sakanyang driver. Habang nilalagay ko na ang mga gamit sa suv ay natanaw ko si Dwight na nakahalukipkip sa may pinto.

"Salamat sa pagpapatira mo samin dito," panimula ko nang lumapit sakanya.

"Sana, makalimutan mo na ang mga nangyari sayo sa tribo."

Umiwas siya ng tingin sakin.

"Aalis na kami." Lumapit samin si Mire na nag iingay.

"Paalam ka na sa pangalawang amo mo." sabi ko.

Nag iingay naman si Mire.

"Salamat daw, sabi niya." sabi ko.

"Do you understand what he said?" taas kilay niyang tanong.

"Hindi, pero parang naiintindihan ko lang ang sinasabi niya." sabi ko.

Sumakay na kami ni Mire ng sasakyan, kumaway ako kay Dwight. Tumango siya sakin.

Parang hinaplos ang puso ko nang sandaling umandar na ang sasakyan. Para akong nalulungkot.

Natanaw ko na si Lester sa labas ng isang restaurant, dito kase ang tagpuan namin.

Lumabas ako ng sasakyan at sumabay sakin si Mire.

"Woah! Ang cute naman ni.. ano ngang pangalan niya?" tanong ni Lester.

"Mire." sagot ko.

"Hi Mire." kumaway si Lester ngunit nagtago si Mire sa likod ko na parang natatakot.

"Wag kang matakot sakanya, siya ang pangatlong amo mo." sabi ko kay Mire na nagsusumiksik sa likuran ko.

"Wag kang matakot sakin." si Lester na lumalapit na kay Mire. Nag ikutan sila sakin. Iniiwasan talaga ni Mire si Lester.

Pansin ko na napapaiwas ang mga taong naglalakad, ang iba natatakot.

"Kain sana tayo dyan, kaso parang bawal ang hayop." turo ni Lester sa isang restaurant.

"Tara, doon na tayo sa bahay." anyaya ni Lester at tumango ako.

Nagpasalamat naman ako sa driver ni Dwight at umalis na ito. Sumakay na kami sa sasakyan ni Lester. Sa likuran si Mire at ako naman sa front seat.

"Behave ka dyan, Mire." saway ko dahil naglilikot ito sa likuran.

Malaki naman ang bahay ni Lester. May alaga siyang aso na tahol ng tahol samin. Sinaway naman ito ni Lester at tumahimik naman ang aso.

Ipinakilala niya ako sakanyang kapatid na babae, at mukhang natakot kay Mire.

"Siya si Andrea, kapatid ko." Ngumiti naman sakin ang kapatid niya.

"Yan na ba kuya?" tanong nito kay Lester sabay turo kay Mire.

"Oo, mabait naman yan, hindi ka nyan sasaktan." sabi ni Lester.

May nakahanda ng shelter para kay Mire sa likuran ng bahay nila. Ayaw naman bumitaw ni Mire sakin.

"Shh, Mire, behave ka dito ah, wag kang mag iingay, dadalaw naman ako rito tuwing hapon." sabi ko kay Mire. As if naman na maintindihan niya ang sinasabi ko.

Ipinasok ko na siya sa shelter. Medyo naawa naman ako kay Mire, parang ayaw niya dito.

Sinamahan naman ako ni Lester na maghanap ng apartment at nakahanap din naman kami agad. Mas mahal ang apartment na nakuha ko ngayon. Medyo malaki kase.








Dumating na ang fashion week, nakasuot ako ng skater dress. Ito ang suot na imo-model namin. Nang matapos ang event ay nagkayayaan sa bar. Hindi naman ako makatanggi kay Lester. Narinig ko kay Rica na niyayaya niya si Dwight. Para akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Mahigit isang oras na kami rito sa bar nang dumating si Dwight. Lumakas ang tibok ng puso ko. Tumabi siya kay Rica sabay sulyap sakin at kay Lester.

"Sayaw tayo, Thalia." anyaya sakin ni Lester. Tumango naman ako.

Habang nasa dance floor ay parang mabigat ang katawan ko na sumayaw. Pakiramdan ko ay may nakatitig sakin. Pumalit ang musika na pang español. Naging wild tuloy ang sayaw ng iba. Nilagay ni Lester ang kamay ko sa kanyang balikat at siya naman sa baywang ko.

"Ang ganda mo talaga Thalia, hindi ako magsasawa sa kagandahan mo." sabi ni Lester habang nakatitig sakin. Kahit alam kong binobola niya lang ako ay uminit ang pisngi ko.

"Pwede bang maging tayo na? I will do everything to make you happy and inlove with me."

Nag isip naman ako ng mabuti. Kung sasagutin ko siya, siya ang kauna-unahan kong naging nobyo. Gusto ko ng maranasan ang magkaroon ng boyfriend. At sa tingin ko naman, mabuti siyang tao. Tinanggap niya nga si Mire eh.

I will give him a chance.

"Sige." sagot ko.

"Sinasagot mo na ako?" hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango naman ako ng nakangiti.

"Woah, sinasagot mo na ako, wooh." natutuwang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o nasisiyahan.

Bumalik kami sa couch kung nasaan ang mga kasama namin at masayang sinabi ni Lester sa kanila na kami na.

"We're official.."

"Congrats bro." sabi ng mga kaibigan niyang mga lalake at nagbro fist sila. Nagtaasan naman ang mga kilay ng mga babae.

Ewan ko ba at bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtitig ni Dwight sakin. Mabilis akong umiwas nang magtama ang mga mata namin.

I fell like I'm melting of his intense gaze.




***

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now