Dito sa bahay ni Dwight o mansion ng maitatawag, may ibang mga bagay na hindi ko alam kung papaano gamitin. Tulad nitong lutuan na glass top stove. Hindi ko alam kung saan ko ipipindot upang gumana ito. Magsasangag kase ako, marami pa kaseng kanin na natira kagabi.
Sa huli ay natutunan ko na kung saan ako magpipindot. Inobserbahan ko talaga ng mabuti. Namangha nalang ako habang nagluluto na ng sangag at scramble egg. Para akong naiignorante sa kakaibang pangluto.
Naririnig ko na ang mga yabag ng paa sa hagdan. Gising na siya.
"Magandang umaga." sabi ko sabay harap kay Dwight nang makalapit na sakin.
Parang nalaglag ang panga ko nang bumungad agad sakin ang abs niya. Nakapajama lang siya. Magulo ang kanyang buhok at mapupungay ang mga mata.
"Pinakain mo na si Mire?" tanong niya.
"Ah, hindi pa." sagot ko.
"Pakainin mo na, gutom na yon." aniya.
"May saging ka ba dyan?" tanong ko.
Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya.
"Of course I have, di lang nauubos." pilyo na ang mga ngiti niya.
Di nauubos?
Unti-unti ko naman naiintindihan ang sinabi niya. Iba ang iniisip niyang saging.
"Yung prutas na saging ang sinasabi ko kung meron ka." paliwanag ko.
"I don't have, mamalengke ka nalang mamaya, for now ibang pagkain na muna ang pakainin sakanya." aniya at tiningnan ang niluluto ko.
Makakalimutan ko pang nagluluto pala ako. Bumalik ako sa pagsasangag, nanlaki ang mga mata ko nang tutong na ang piniprito kong itlog. Aligaga naman ako kung ano ang pipindutin, si Dwight nalang ang pumindot sa stove.
"I don’t want to eat eggs for breakfast, you should cook ham or hotdog." aniya. Tumango nalang ako.
"Sige, kukunin ko sa ref. mo." sabi ko. Sa pagtalikod ko ay nabangga ako sa matipuno niyang dibdib. Pagtingala ko kay Dwight ay napailing nalang siya.
Nagtulungan naman kami sa pagluto. Nang nakahain na sa mahabang lamesa ang pagkain ay tiningnan niya ako na nakatayo sa gilid niya matapos kong ilapag ang kanyang kape.
"Kain na kayo sir." sabi ko.
"Come and eat." anyaya niya.
"Mauna ka na sir."
Mariin niya naman akong tiningnan.
"Okay." Tumango ako at umupo malayo sakanya.
Nagsimula na kaming kumain. Naisip ko, ganito ba siya araw-araw? Walang kasamang kumain? Ang lungkot naman yata ng buhay niya kung ganon.
"What time is your work?" tanong niya. Nabitin sa ere ang susubuin ko sanang pagkain.
"Ah, mamaya pang 1 pm." sagot ko at pinagpatuloy na ang pagsubo ng pagkain.
Tumango siya.
"Ikaw, anong oras trabaho mo?" tanong ko naman.
"When I want, maybe after this breakfast." aniya.
Tumango ako. Sabagay, walang oras ng trabaho ang mga katulad niyang may ari ng isang kompanya.
Natapos na kaming kumain. Hinatiran ko na si Mire ng pagkain niya. Umingay siya ng makita ako.
Iginala ko ang mga paningin ko sa paligid. Malawak ang bakuran, may malaki pang swimming pool. Ang linis tingnan ng paligid. May tagalinis yata siya dito sa bakuran.
Napakatahimik ng lugar na 'to. Ilang metro pa ang layo ng katabing bahay.
Natanaw ko na si Dwight na papalapit sa kinaroroonan namin, nakasuot na ng long sleeve na tinupi hanggang siko at inaayos ang kurbata.
"Before you leave later, make sure that you lock the door, do you understand?"
Tumango naman ako.
Umalis na siya. Napabuntong-hininga nalang ako.
May itinatago rin palang kabaitan ang isang Dwight Del mundo, akala ko kase ay pagmamalupitan niya ako rito, na gagawing alipin.
Pumasok na ako sa modeling agency matapos mananghalian.
"Thalia, saan ka na ngayon nakatira? Pumunta ako doon sa apartment mo para sunduin ka kaso wala ka na raw doon." si Lester na sumalubong sakin sa may lobby.
"Naglipat na ako ng bagong apartment." sagot ko.
Wala akong balak sabihin na kay Dwight ako nakatira. Iniisip ko naman si Rica, baka malaman niya dahil baka maisipan niyang pumunta sa bahay ni Dwight.
"Saan naman?" tanong niya habang nakasunod sakin.
"Wag ka ng mag abala pang sunduin ako, nakakahiya naman kase sayo."
"Nanliligaw ako diba, kaya dapat lang na hatid-sundo kita,"
Oo nga pala. Nanliligaw ang isang 'to.
Haay, ano kayang magandang palusot?
Nang makasakay sa elevator ay sinabi ko na ang palusot ko.
"Kase, ano, nagtatrabaho ako sa isang bahay sa subdivision."
"Woah, ang sipag mo naman talaga," manghang sabi niya.
Nagkibit balikat ako. "Kailangan eh."
"How about yung alaga mong monkey?" tanong niya. Bumukas na ang elevator at naglalakad na kami sa hall.
"Ano, ah, pinaalaga ko sa kaibigan ko." palusot ko na naman.
"Sakin mo nalang sana ipinaalaga."
Napatigil ako sa paglalakad. Kung alam ko lang na gusto nito mag alaga ng unggoy ay hindi na sana ako pumayag tumira kay Dwight. Napakamot nalang ako.
"May kuto ka girl? You want hair treatment?" sumalubong sakin si Jazz at nagbeso kami.
"Wala naman." ngiti ko.
"Ay diba, may alaga kang unggoy, so ipakuha mo sakanya ang kuto mo." suhesyon niya. Napatawa nalang kami.
Nabaling ang tingin ko sa ibang modelo. Nahuli ko ang pag irap sakin ni Rica.
Gabi nang matapos na ang trabaho. Photoshoot at paghahanda sa fashion week ang ginawa namin. Gusto sana akong ihatid ni Lester pero tumanggi ako.
Naabutan ko naman si Dwight na nasa sala nanonood ng palabas sa tv.
Oh my god! Ngayon ko lang napagtanto na wala pang hapunan.
"Anong gusto mo sir na ulam?" tanong ko.
"Ikaw." aniya habang hawak ang remote, naglilipat ng channel.
Napaawang ang labi ko.
"I said, ikaw ang bahala." aniya.
Unti-unti naman akong tumango. Kung anu-ano ang naiisip ko. Masyado na yatang madumi ang utak ko. Nahahawaan na niya yata ako.
Hindi pa ako nakakapagbihis at nagluto na agad ako. Aligaga na akong kumilos. May nakita akong karneng baboy sa ref kaya adobo ang niluto ko.
Makaraan ang kalahating oras ay naluto ko na ang hapunan. Naroon parin si Dwight sa sala parang inip na inip na.
"Kain na po kayo sir." anyaya ko.
"Alright, let's eat." aniya at tumayo na papuntang lamesa.
Naalala ko naman si Mire. Gutom na iyon panigurado.
"Pinakain ko na si Miire ng saging ko," aniya parang nabasa ang nasa isip ko.
Saging niya?
"Saging kong binili." dagdag niya.
***