Chapter 27

266 12 0
                                    

Nang matapos ang photoshoot, nakita ko si Dwight na nakasandal sakanyang kotse pagkalabas ko ng gusali. Nakasuot parin siya ng corporate attire. Nahihiya naman akong lumapit sakanya.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko.

"Nope, kararating ko lang." aniya.

"Let's go." Pinagbuksan niya na ako ng pinto sa front seat.

"I have a business gathering tomorrow night," aniya habang nagdadrive na siya.

"and, you should be there." dagdag niya.

"Kailangan bang nandun ako?" tanong ko.

"Yes, coz, you're my girlfriend."

Naiimagine ko na ang pwedeng mangyari kapag nasa business gathering niya na ako. Parang nahihiya ako.

Parang panaginip parin ito. Pakiramdam ko ay lumulutang ako.

"Saan tayo magdidinner?" tanong niya.

Luh! Kakain kami ng magkasama?

"Sa karinderya nalang ni Ate Linda, masasarap ang pagkain doon." Kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"But I want us to have dinner at the restaurant."

"Mga mura kasi sa karinderya ang mga pagkain." rason ko.

Kita ko ang pagtaas ng kilay niya habang nagdadrive. Sa huli ay tumango siya.

Tinuro ko kay Dwight ang direksyon patungo roon. Kabig siya ng kabig ng daan hanggang sa nakapunta na kami sa paroroonan.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Dwight ng pinto, lumabas na ako.

"Ate Linda!" masiglang sabi ko. Naabutan namin siyang nagseserve ng pagkain sa customer.

"Oh, ikaw pala, Thalia." natutuwang sabi niya.

Napatingin siya sa likuran ko at kita ko na namamangha siya.

"Uhm, boyfriend ko po pala." pakilala ko sakanya.

Tumango siya, namamangha.

"Good evening po." pormal na bati ni Dwight.

"Ang guwapo naman ng boyfriend mo hija." mangha niyang sabi.

Pilit nalang akong ngumiti.

Pinaupo niya na kami sa pandalawahang mesa.

Panay ang linga ni Dwight sa paligid nitong karinderya. Para bang na-out of place siya. Pinagtitinginan siya ng ibang kumakain.

"Anong gusto niyong ulam?" tanong ni Ate Linda.

"Pakbet po sakin, ikaw?" tanong ko kay Dwight.

"Same." tipid niyang sinabi.

Nung kumakain na kami, pansin ko na sa una ay dahan-dahan lang siya kumain pero nung tumagal ay mabilis na. Nagugustuhan niya na ang pagkain.

"Kkb tayo ah." sabi ko nang matapos na kaming kumain.

Kumunot naman ang noo niya.

"What's kkb?"

"Kanya-kanyang bayad." sabi ko.

Napahalakhak naman siya ng malakas. Kaya naman ang mga customer ay nagambala at tiningnan siya.

"I never thought that this date would be so memorable."

Date na pala ito?

"Pagbibigyan kita ngayon, pero next time ng date natin, ako naman ang masusunod."

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now