Chapter 24

264 11 0
                                    

Hindi ako makatingin kay Dwight. Ramdam ko ang mga titig niyang nakakapaso. Patuloy sa pagkabog ng dibdib ko. Hindi naman yata ito napapansin ni Lester si Dwight dahil abala siyang kausap ang mga lalaking kaibigan niya. Si Rica naman ay nakayakap sa braso ni Dwight at nakapikit, lasing na yata. Sa gilid ng aking mga mata ay nakatingin na siya sa may baywang ko kung nasaan naroon ang kamay ni Lester.

Tumayo ako.

"Restroom lang ako." paalam ko kay Lester. May naiwang bahid ng mga ngiti galing sa mga kaibigan niya nang lumingon sakin. Tumango ito.

Naglakad na ako patungong restroom. Napahawak ako saking puso na kumakalabog. Pumasok na ako ng cubicle at umihi. Napatalon ako sa gulat nang pagbukas ko ng pinto ay naroon si Dwight. Luminga ako. Girls restroom naman ang napasukan ko.

"Ah, b-bakit?" tanong ko.

Napaatras ako nang umabante siya. Nakapasok ulit ako sa cubicle at sinara niya ito nang makapasok narin siya.

Bumilis ang pintig ng puso ko na sakanya ko lang maramdaman.

Bumaba ang mga mata niya sa labi ko.

"Dwight, may b-boyfriend ako." paalala ko.

"Then cheat." tipid niyang sagot.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan niya ako ng mariin. Napasandal ang likod ko sa pader at patuloy niyang hinahalikan. I didn't kiss him back. Nalalasahan ko ang alak sa mapupusok niyang halik. Habol ko na ang aking hininga.

Kinalas niya na ang kanyang labi.

"I told you, na wag mo siyang sasagutin." mariin niyang sabi.

Bumaba ang mga mata ko sa labi niya. Parang gusto ko pa ng kanyang halik, nabitin ako.

"Once you break up with him, you're mine!" mariin niyang sinabi at tinalikuran na ako. Binuksan niya ang pinto. May narinig akong mga nagtilian na mga babae.

Napahawak ako sa dibdib kong kumakabog.

Totoo ba ang mga sinabi niya?

Hindi ako makapaniwala. May gusto siya sakin. Si Dwight Del Mundo ay may gusto sa isang babaeng tulad ko na nanggaling sa tribo at pinahirapan siya ng mga katribo ko.

Lumabas na ako. Tumingin sakin ang dalawang babae na nagme-make up.


"Ang tagal mo." sabi sakin ni Lester nang makabalik na sa kanila.

Hindi ko magawang sulyapan si Dwight.

"Gusto ko ng umuwi." sabi ko. Tumango si Lester.

"Sige. Guys ihahatid ko lang ang girlfriend ko." Tumayo na kami ni Lester at nagpaalam na sa mga kasama.

Paulit-ulit naman na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni Dwight habang palabas na kami ng bar ni Lester.

'Once you break up with him, you're mine!'

Hanggang sa nakasakay na sa sasakyan ni Lester at bumabiyahe ay tulala parin ako. Parang ramdam ko parin ang halik niya sa labi ko.

Huminto na ang sasakyan ni Lester. Nasa apartment na pala kami.

"Good night girlfriend ko." aniya. Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi.

"Good night din." sabi ko.

"I love you." aniya.

"Thank you, sige lalabas na ako." sabi ko. Bakas ang pilit niyang ngiti at lumabas na para pagbuksan ako ng pinto.

Nagsisisi na ako.

Padalus-dalos naman kase ako. Sa kagustuhan kong maranasan magkaroon ng boyfriend, heto at nagsisisi na ako sa mga desisyon ko.


Kinabukasan, nakatanggap ako ng text message galing kay Dwight. Tinatanong niya kung saan ako nakatira. Nireplayan ko naman siya.

Pupunta ba siya dito? Para ano? Halikan ulit ako?

Napailing nalang ako sa naiisip.

Kasasagot ko pa lang kay Lester ay nagche-cheat na ako.

Nag aayos na ako ng sarili nang may bumusinang sasakyan sa labas ng apartment. Lumabas ako at nakita si Dwight na nakasandal sakanyang kotse.

Kumalabog ng husto ang puso ko. Inilahad niya sakin ang isang paper bag.

"Ano ito?" tanong ko.

"Hindi pala kita nabigyan ng sweldo sa pagtrabaho mo sa bahay ko,"

"Ayos lang naman sakin, dahil pinatira mo si Mire sa bahay mo." sabi ko.

"Accept it, otherwise I will throw it away." banta niya.

Tinanggap ko ito at binuksan ang paper bar at nakitang isang kahon ito na may larawan na cellphone in Iphone ang brand. Ang mahal kaya nito.

"Ah, salamat dito." nahihiyang sabi ko.

Binilhan niya ako dahil yata napansin niya ang ginagamit kong cellphone ay di-keypad.

Ginapangan ako ng kaba nang dumating ang sasakyan ni Lester at pumarada ito sa gilid ng kalsada. Lumabas si Lester at kumunot ang noo nito nang makita kami.

"Mr. Del Mundo, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Lester nang lumapit na samin.

"I gave her a gift as a salary."

Pansin ko ang sukatan nila ng tingin. Pumagitna ako sa kanila at humarap kay Lester.

"Tara, punta na tayo sa trabaho." anyaya ko.

"Grabe, isang araw palang tayo, may nang aagaw na agad sayo."

"Lester halika na, pasok tayo sa apartment, kukunin ko ang gamit ko." Hinihigit ko na siya.

Bumitaw na si Lester ng masamang tingin kay Dwight at sumama na sakin.

Nang makapasok na ako sa apartment ay nilapag ko sa mini table ang binigay ni Dwight.

"Itapon mo yan, kaya kitang bilhan niyan." sabi ni Lester.

"Porket mayaman siya, akala niya makukuha niya ang kanyang gusto, tsk!"

Bumuntong hininga ako.

"Thalia, wag na wag kang lalapit sa lalaking yan, sex lang ang habol niya sayo." aniya.

Pumikit ako ng mariin. Ayaw ko siyang paasahin, kaya habang maaga pa ay..

"Ang mabuti pa, maghiwalay nalang tayo."

Tumalim ang tingin niya sakin.

"A-anong sabi mo?"

"Magbreak na tayo." matapang na sabi ko.

"Wow!" Napasinghap siya.

"Sorry, padalos-dalos ako sa mga desisyon ko." nakayukong sabi ko.

"Thalia, tumingin ka sakin." He cupped my face. Namumula na ang kanyang mga mata.

"Handa naman akong maghintay na mahalin mo ko,"

Napailing nalang ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan niya ako ng mariin sa labi. Gusto ko man siyang itulak ay hindi ko magawa dahil malakas siya. Bumaba ang kanyang halik sa leeg ko.

"Lester, wag.."

Napatalon ako sa gulat nang may humila sakanya palayo sakin at lumipad ang kamao ni Dwight sa mukha ni Lester.

Kita ko ang nanlilisik na mga mata ni Dwight kay Lester na napahiga sa sahig.

Mabilis na tumayo si Lester at nagpalitan sila ng suntok ni Dwight.

"Tama na!" sigaw ko.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Pareho na silang may pasa sa gilid ng labi.

Matalim ang iginawad sakin ni Lester bago kami tinalikuran. Sinipa niya pa ang pintuhan.


***

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now