Birthday pala ni Lester ngayong araw, kaya naman nang matapos ang rehearsal ng gabi ay inanyayaan niya kami sa bar. Ayaw ko man pero lahat ng modelo ay kasama, baka masabihan akong pa-importante kaya sumama na ako.
Tinext ko nalang si Dwight na matatagalan ako sa pag uwi. Kaya ko nalaman ang cellphone number niya ay dahil hiningi ko sa kanya kahapon para naman may contact kami.
'Where?'
Natanggap kong mensahe galing kay Dwight, at nireplayan ko naman kung saang bar ako.
Medyo nasasanay narin akong pumasok ng bar kaya hindi na ako naninibago sa environment nito. Malakas ang music, maraming nagsasayawan sa dance floor, nakakahilong patay sinding neon lights, amoy usok ng sigarilyo at matapang na alak.
"Cheeers!" Sabay-sabay naming pinaumpog ang mga baso naming may lamang alak. Napangiwi nalang ako sa lasa nito nang ininom ko na.
Tingin ako ng tingin sa oras sa cellphone kong di-keypad. Alas nuebe na. Dapat mga alas-diyes ay umuwi na ako.
Habang tumatagal ay maiingay na ang mga kasama ko. Si Rica ay nagkukuwento na tungkol kay Dwight.
"Pipikutin ko si Mr. Del mundo, mark my word." madiing sabi nito. Kami-kami nalang na mga babae ang naririto dahil ang mga lalake ay nasa dance floor na.
Pipikutin niya?
"Thalia, sayaw tayo." Dumating si Lester na medyo lasing na.
Tumango naman ako, at tinanggap na ang kanyang kamay. Pumunta na kami sa dagat ng mga nagsasayawan sa dance floor. Mukhang wild na ang sayaw ng iba. Ginalaw ko nalang ng konti ang baywang ko na naaayon sa musika habang kaharap si Lester na naghe-headbang. Ang kamay niya ay dumapo sa baywang ko, at ang mga kamay ko naman ay pinatong niya sa kanyang balikat.
Isang dangkal na lamang ang lapit ng aming mukha. Nagulat nalang ako nang dumampi ang kanyang labi sa labi ko.
Gusto ko sanang magpumiglas, ang kaso, yung kamay niya na nasa batok ko na ay dumidiin. Biglang may humatak sakin at napatalon ako sa gulat nang may kamaong dumapo sa mukha ni Lester. Sumalampak siya sa sahig. Nagtilian ang mga babaeng nakakita. Marahas akong hinatak ng kung sinong lalaking ito palabas ng bar.
Nanlaki ang mga mata ko nang si Dwight ito. Nanlilisik ang kanyang mga mata at umiigting ang panga.
"Don't let that fucking man kiss you." mariin niyang sabi.
Kumabog ng mabilis ang puso ko, at hindi makapagsalita. Para akong nauubusan ng mga salita sa nangyayari. Hinigit niya na ko sa kanyang kotse. Pagkapasok niya ay mabilis na pinatakbo ang sasakyan, natanaw ko si Lester na palinga-linga pagkalabas ng bar.
"Bakit mo sinuntok si Lester?" Sa wakas ay nakapagsalita na ako. Yun ang tanong saking isipan. Sinuntok niya dahil hinalikan ako? Concern siya sakin dahil lolokohin ako?
Nakatingin lang siya sa daan.
"Gusto ko lang." matigas niyang sabi.
Kumunot ang noo ko.
"Ka-birthday-birthday niya, sinuntok mo dahil trip mo lang, kawawa naman siya kung ganun." sabi ko.
Walang emosyon lang si Dwight na nakatingin sa daan.
Rinig ko ang ingay ni Mire nang makauwi na kami ni Dwight sa mansyon niya.
"Hindi pa yan kumakain." sabi ni Dwight.
"Ah, sige, papakainin ko." sabi ko at pumunta na ng kusina.
Nagpakampante ako na papakainin niya ng saging si Mire, hindi pala.
Tinext ko si Lester para humingi ng paumanhin. Nagreply naman siya agad ng 'sorry.'
"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Dwight na nanonood ng tv sa sala.
"Yes."
Tumango ako.
"Ikaw?" tanong niya.
"Oo, kumain na ako." Bago kami pumunta ng bar kanina ay pinakain muna kami ni Lester sa bahay niya.
Alas onse na ako nakatulog at nagising sa ingay sa labas. Tiningnan ko ang orasan, alas dos y media pa lamang. Bumangon ako. Pagkabukas ko palang ng pintuan ay naririnig ko na ng malinaw ang boses ni Dwight. Kabado akong pumunta sa kwarto nito.
"Wag, wag.."
Rinig kong sabi.
Kumunot ang noo ko. Mukhang binabangungot siya.
Hindi pala nakalock ang pinto at pumasok ako.
"Parang awa niyo na, wag niyo akong patayin,"
"Dwight," Niyugyog ko ang balikat niya upang magising sa bangungot niya.
Minulat niya ang kanyang mga mata. Pawis na pawis siya at mabibigat ang kanyang paghinga. Mukhang natakot pa sakin. Mabilis na bumangon at nagtataka na ang hitsura.
"Binabangungot ka." alalang sabi ko.
Napailing nalang siya.
"Go back to your room." aniya.
Tumango ako. Tiningnan ko pa siya bago ako lumabas ng kanyang kwarto.
Hindi na ako makatulog at iniisip ang mga sinabi ni Dwight habang binabangungot siya. Mukhang na-trauma na siya sa nangyari sakanya sa tribo.
Nakapagdesisyon na ako. Aalis na ako sa bahay niya. Habang naririto ako, maaalala niya lang ang mga masasamang nangyari sakanya.
Hindi kami nagkikibuan ni Dwight. Pinapakiramdaman ko naman siya. Siguro mamaya ko nalang sasabihin ang balak kong pag alis sa bahay niya kasama si Mire.
Bakas ang natamong pasa ni Lester sa gilid ng kanyang labi pagpasok ko sa building. Pinagliban muna siya dahil putok ang gilid ng labi.
"Sorry sa nangyari." sabi ko nang maiwan kami sa dressing room.
"Ako dapat ang magsorry," aniya.
"May relasyon ba kayo ni Mr. Del mundo?" tanong niya.
Agad akong umiling. Kinuwento ko nalang sakanya ang totoo, na nagtatrabaho ako sa bahay ni Dwight kapalit ng pagkupkop niya kay Mire.
"Matagal na pala kayo magkakilala?" takang tanong niya.
"Oo, doon kase ako nagtrabaho sa kompanya niya."
"Ako nalang mag aalaga sa alaga mong unggoy." presinta niya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa.
"Kawawa naman si Lester, hindi siya makakarampa this fashion week." sabi ni Janet.
"Yeah, it is because of her, siguro dalawa ang nanliligaw sakanya at nagselos yung isa, kaya ayun sinuntok nito si Lester, ang landi kase." Bulungan nila pero rinig ko naman, sadyang pinarinig sakin.
Buti nalang, hindi pinagkalat ni Lester na si Dwight ang sumuntok sakanya. Dahil kapag nalaman ni Rica na si Dwight ito, lagot na.
Nang makauwi na ako ng gabi, wala pa si Dwight at nagluto na ako ng hapunan.
Dumating na siya at sabay kaming kumain.
Nang matapos kumain ay sinabi ko na ang balak kong pag alis ng bahay niya.
"Nakapagdesisyon na ako, aalis nalang kami ni Mire."
***