Chapter 9: Missed

644 36 0
                                    

Kaba, gulat, at pagka-irita ang nararamdaman ko sa ngayon. Nandito kami sa reading section ng library sa palasyong tinutuluyan ko. Niyakap kami ng katahimikan, mula ng sinabi niya na mag-usap daw kami ay hinila na niya ako papasok sa library, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita samin at pareho lang na nakatitig sa isa't isa. Medyo nababagot at binabalot na rin ng awkwardness ang itsura namin dalawa kaya ako na lang nag simulang mag salita.

"Kung wala ka naman pa lang sasabihin baka naman pwedeng mauna na ako," hindi ito patanong pero paniguradong narinig niya ang pagiging sarcastic ng tono ko.

Agad siyang umayos ng pagkaka upo at umubo ng pahagya,"Why wouldn't you tell me that your going to the capital?"

Medyo tumaas ang kilay ko,"Papayagan mo ba ko?"

He didn't answer, he remain staring at me with his sincere eyes, ewan ko lang kung totoo ba.

"Sa palagay mo ba I will not give you permission to explore Marquis?" sabay ngisi.

Hindi naman talaga yon ang punto ko, siguro nga ay dapat na mas maging okay kung mas inuuna niya ang kailangan niyang gawin. Addition to that kahit di naman niya ko payagan wala akong pake, I'll still go.

"Do I need your permission? Does my parents says na i-baby sit mo ako?" sabay bitaw ko ng isang mapang inis na tawa. Nang dahil don ay bumalik sa simangot na mukha ang itsura niya.

Pero saglit lang yon dahil humirit siya agad na nakapag painis na sakin, "They don't tell me that, but I think you should know your going to be my wife soon kaya you should obey me, asking permission is also a part of it."

Bwiset ko siyang tiningnan, so that's what he like? Na mag mukha akong tuta niya? The hell, it will never going to happen.

"Edi dapat ikaw din pala honey? Your going to be my husband soon kaya dapat nagsasabi ka rin sakin, like your schedule for today, para naman alam ko and also para di ako maka istorbo," pinilit kong ngumiti kahit naiinis na ko sa kaniya.

Medyo kumunot na yung noo niya, magsasalita na sana siya ng may biglang kumatok at magbukas ng pintuan nitong library, its Zeus. Dahan-dahan siyang naglakad papasok I take this chance para mas lalo pang mabwiset si Lucci.

"Oh right, nabanggit mo na malapit na yung kasal and because of that I should ask your permission lalo na kung may mga gusto akong puntahan," biglang lumingon si Lucci sa side ko and I see in his eyes that he want me to stop, nakita ko naman ang paghinto ni Zeus sa gilid ko.

"Then I should ask a permission kung pwede naman dumalaw ako minsan sa palace mo, you know honey nakakabagot din naman dito I want to see you often, I missed you so very much," sabay ngiti ko nang mapang-asar.

Paglingon ko kay Zeus ay nakita ko siyang gulat habang nagpipigil ng kaniyang tawa, then I look back to Lucci na namumula na ang tenga, angry huh. Maya-maya ay kumalma na siya at nagsimula magsalita na mas lalong nakapag pakulo sa nagbabaga kong galit.

"Sure darling, I can re-schedule my meetings for you, alam mo naman yon, I missed you too," ngumiti siya na halos mapikit na ang mata.

Napukaw naman ng napalakas na pagtawa ni Zeus ang mainit na tensyon sa pagitan namin. Sabay namin siyang tinignan gamit pa rin ang matatalim na titig na para bang gustong makisali sa away namin.

"You two don't need to act like your a good couple in my eyes, like hell I didn't know", sabay tawa niya ulit.

"Pagsabihan mo yung amo mo Sir Zeus, masyadong mabait," tumitig muna ako kay Lucci bago tuluyang tumayo para umalis na roon.

Paglabas ko ay narinig ko ang malakas na pag hagalpak ni Zeus, he's teasing his majesty.

That was a long day, tapos na kong kumain at maligo, matutulog na sana ko nang nakita kong bukas ang bintana ng kwarto ko, there was a big man their looking at me entering the room, bad mood.

"What do you want this time?" sabi ko habang naglalakad, umupo ako sa kanang gilid ng kama upang nakaharap pa rin ako sa kaniya.

"I just want to apologize," sabi ni Lucci.

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon