"Miraiii!" Yes ang aga-aga ang ingay-ingay ko. Well kasi late na naman ako pumasok and syempre naghahanap ako ng idadamay sa hindi pagpasok sa unang subject. "Bakit na naman Aino? Hindi ka na naman papasok?!" bulyaw sakin ni Mirai, bff ko siya, bukod sa siya lang yung kaibigan ko wala na rin akong choice, HAHAHA! "Rairai 'wag na tayong pumasok sa first subject," paglalambing ko. "Alam mo ayaw mo lang na pagalitan ka ni Prof. Teach e." Totoo naman kasi yon, halos siya kasi lagi naming first subject, and as usual lagi akong late sa kaniya. "Tara na nga," wala na rin akong nagawa dahil panigurado pipilitin pa rin niya ko.
My name is Aino Nami, Grade 10 student, not so pretty but too much for being cute, hehe. Hanggang balikat ang haba ng buhok kong itim, kayumanggi ang kulay ng balat, singkit na mata na kulay tsokolate, hindi katangusang ilong, maliit na labi at just to inform you baby face ako. And ang pinaka paborito ko sa lahat ng ginagawa ko? Ang magbasa ng mga novels, mahilig kasi ako sa mga fantasy-romance and sa totoo lang naniniwala kasi ako na totoo yon. Since bata pa lang ako mahilig na kong maglaro ng may kinalaman sa pagiging prinsesa or what so ever that includes magic, kaya mahilig ako mangolekta ng mga fantasy books. Ito rin madalas ang nagiging main reason kung bakit ako nalalate, dahil magdamag ako nagbabasa.
After class na namin at nag-aya akong pumunta sa mall para bumili ng school supplies na kailangan kong gamitin sa project namin para kay Ms. Qin, at syempre para tumingin na rin ng mga libro. "Tapos ka na bang bilhin yung para sa project natin?" pagsasalita ni Mirai sa likod ko habang tumitingin ako ng mga libro, puro kasi bagong dating. "Rai? Parang maganda ito?" pagharap ko kay Mirai na tumitingin ng Math books, matalino kasi e. "Bibilin mo?" sabi niya habang hindi nakatingin. "Mukha naman ih, may filipino adoption kasi," pagkasabi ko non saka pa lang lumingon sakin si Mirai at kinuha yung libro sa kamay ko. "Alicia L' Crusen," wala sa sariling pagbigkas niya sa title ng libro, "Ang alam ko gagawing teleserye to ah," dagdag pa niya.
"Bibilin ko na to, di naman to ipapalabas sa TV kung di maganda," sabi ko habang kinukuha ang libro kay Mirai saka kami dumiretso papunta sa counter para magbayad. Pagka-uwing pagka-uwi ko, nagbihis na ko, kumuha na rin ng pagkain saka umakyat sa kwarto ko para magbasa.
Mag-aalas dos na ng madaling araw ng natulog ako, nagset na rin ako ng alarm para hindi na ko malate sa pagpasok. Pero ganon pa rin, late pa rin nga ako. Pagpasok ko ng klase ay wala pa si Prof. Teach, kaya nagkaroon pa ko ng pagkakataong magbasa. "Nagawa mo na ba yung project natin para sa subject ni Ms. Qin?" sulpot na tanong sakin ni Mirai na ngayon ay nasa tabi ko na, nginitian ko siya, at syempre alam na niya ang ibig sabihin non, HINDI KO NAGAWA! "Hay nako! Puro ka kasi basa, dapat ginawa mo muna bago ka nagbasa bukas na pasahan niyan!" pangangaral niya sakin. "Oo na sorry na, kasi naman ang ganda ng istorya nitong librong to e, di ko mapigilang hindi basahin," pagdadahilan ko. "Pero sana man lang kahit papano ginawa mo muna yung pinapagawa satin, hay nako ka."
"Rai, punta tayo sa inyo pag-uwi natin, tulungan mo kong gawin yung project natin, pleeaase?" syempre alam kong di makakatanggi sakin si Mirai, kaya nang matapos na ang klase ay dumiretso na kami sa bahay nila. "Alam mo ang ganda ng istorya nito, kaso nga lang nakakainis si Morgaile siya na nga lang yung pinagkakatiwalaan ni Alicia mamamatay pa siya sa story dahil sa Empress," tuloy-tuloy kong pagsasalita habang naggugupit ng mga pinaprint namin. "Bakit parang kasalanan pa niyang papatayin siya ng writer ng novel na yan," sabay tawa ni Mirai. Well hindi nga naman kasalanan iyon ni Morgaile kaso kasi nakakainis talaga.
Based sa novel kinasal si Morgaile kay Crown Prince Lucci, which is the male lead. Kinasal sila kasi yun yung gusto ng Empreror, pero mamamatay si Morgaile at the age of 21 sa story, dahil sa Empress, masyado naman kasing mabait itong supporting character na to, kung anong gusto ng Empress sinusunod. And that lead her to death, the Empress wants Alicia dead, pero kaibigan siya ni Morgaile kaya imbis na si Alicia L' Crusen ang lasunin niya, ginawa niya yon sa sarili niya. Ganon ang naging flow ng buhay niya. And for me ang pangit ng naging role niya sa story, sana kasi di na lang siya naging tuta ng Empress, humihinga pa sana siya. Masyado niyang cinareer yung pagiging hero niya kaya namatay tuloy siya. After non nagmeet sila Lucci at Alicia and naging love at first sight ang peg nilang dalawa, after that kinasal sila and naging Crown Prince si Lucci. Madami ring humadlang sa lovelife nilang dalawa pero syempre bida sila kaya sila pa rin hanggang dulo.
"Tapos na ba yang binabasa mo?" pagbasag niya sa katahimikan. "May Book 2 pa raw e, kaso matatagalan pa" sabi ko habang nagbubukas ng Cheese Ring. 10 pm na, and kailangan ko na ring umuwi, walking distance lang yung bahay namin ni Mirai kaya ayos lang kay Mami na medyo late na ko umuuwi. "Okay na ko rito pumasok ka na sa loob, thank you ulit," sabi ko habang kumakaway sa kaniya, "Mag-ingat ka ah, chat mo agad ako pag uwi mo!" sigaw niya sakin, kumaway na lang ulit ako bago ako tumawid. "Aino Nami," sa pagkagulat wala sa sarili akong napatigil sa gitna ng kalsada, lumingon ako sa likod ko ngunit walang tao, at pagtingin ko sa kabilang dulo ng kalsada ay may babaeng nakatayo, hindi ko makita ng maayos ang mukha niya pero sigurado akong nakangiti siya. Bigla akong nakarinig ng isang malakas na busina ng sasakyan at paglingon ko sa kanan ko ay nasinag ako sa ilaw ng sasakyan, napaibabaw ako sa sasakyan at saka na hulog sa likod nito pabagsak sa kalsada.
"AINOOO!" malinaw na malinaw na si Mirai ang sumigaw kahit hindi ko siya tingnan. Ang tanging pinagtuunan ko ng pansin ay ang babaeng nakangiti sakin kanina pa. Nanlalabo na ang mata ko, nahihirapan na rin ako makarinig, naghahabol na rin ako ng hinga, nakita kong bumuka ang bibig ng babae habang nakangiti, ngunit nagdidilim na ang paningin ko at hindi ko na nakuhang marinig ang sinabi niya.
PS. Sana magustuhan niyo ang munting kwentong naiisip ko, godbless :)
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
Aktuelle LiteraturFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)