Chapter 29: Need

230 11 0
                                    

Bumalik muna ako sa Morganite para makapagpalit ng damit. Pinili ko ang kulay violet na fitted gown. Gusto ko rin ito para elegante tignan, ayokong pumunta roon ng hindi ako nakaayos.

"Tara na Athena," sabi ko habang mabilis na naglakad palabas ng palasyo.

"Huh? Saan tayo pupunta?" pagtataka niya.

"Sa Moonstone," tipid kong sagot.

Sa dami ng iniisip ko sasabay pa ito. Akala ko ba nagkaintindihan na kaming ayoko sa babaeng iyon? Akala ko naman nahalata na niya.

Nang makarating na kami sa labas ng palasyo ay padabog akong naglakad papasok sa loob.

Kita ko pa ang mga gulat na pagsalubong at pagyuko sa akin nila Sir Zeus at ng iba pang mga mages at soldiers doon. Pati ang mga maids at butler ay nataranta ng nakita ako.

Ramdam ko naman si Athena na nakasunod sa likod ko at natataranta rin sa paglalakad.

"Madam, hindi po kayo pwede rito," pagpigil sa akin ng isang katulong doon.

"Kailan pa ako nawalan ng karapatan dito, Athena?" sarkastiko kong tanong sa kaniya pero sinadya kong lakasan ang boses ko.

Lumapit naman sila Sir Zeus at Sir Aceso sa amin.

"H-hindi naman po," sabi ni Athena habang iwinawagayway ang kamay bilang senyas na hindi nga.

Tiningnan ko ang katulong sa gilid ko at kita ko ang pagdilim at pagkapahiya niya.

"Mukhang hindi ka rito nagtratrabaho, tama ba?" tanong ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniya.

"Madam, kasama siya ni Lady Alicia L' Crusen dito," pagpapauna ni Sir Zeus.

Kaya naman pala ang lakas ng loob.

Lumingon ako sa pintuan, alam kong andito sila dahil pinigilan ako ng katulong na ito.

Padabog kong kinatok ang pinto.

"Madam!" sigaw ni Sir Zeus.

"Gusto niyo akong pigilan? Ha!" pasigaw kong tanong.

Bumukas ang pinto sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Lucci at sa likod niya si Alicia.

"Bakit ka nandito?" kita ko ang gulat at pagtataka ni Lucci habang nalilito kung ako ba ang titignan o si Alicia.

Sinigurado kong ngumiti muna bago ako tumingin sa nasa likod niya.

"Nabalitaan ko kasing may naaksidente raw pagkagaling niyo sa laban?" panimula ko.

Nilingon ko naman si Lucci pagkatapos kong titigan ang nasa likod niya.

"Hindi ko naman alam, tanggapan na pala ang palasyo mo ng mga sugatan," nakangiti at kalmado kong pagsabi.

Bumuka ang bibig niya at walang lumabas na kahit anong salita.

Binasag naman niya ang katahimikan.

"Dito na lang niya ako pinatuloy dahil para hindi na makihalo sa iba pa roon," si Alicia.

"Salamat sa pagsagot, pero hindi ikaw ang kinakausap ko," seryoso kong pagkakasabi.

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniya at ang pagsinghap ng ibang mga nandoon.

"And that also include your personal assistance? Kailan ka pa naging hands-on?" nginisian ko siya.

Kahit kailan ay wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya, maliban na lang kung pamilya niya o kaibigan... o ako.

"Si Mom ang may gusto na rito muna siya at hindi lang naman ako ang nag aalaga sa kaniya," pagpapaliwanag niya.

Mukha bang sapat iyon? Bakit wala ba siyang sariling pag-iisip? Kailangan laging kasama sa desisyon niya?

"Why? Can't you decide on your own?" now I'm frustrated.

Natahimik siya at mukhang wala na siyang balak pang sundan ang sasabihin niya kaya aalis na sana ako kung hindi lang humirit yung isa.

"Are you threatened about my existence Princess?" sabi niya.

Alam kong sarkastiko iyon at gusto niyang iparamdam sa akin na dapat akong ma-insecure sa kaniya.

"Lady Alicia," pagpigil ni Lucci sa kaniya.

Nagbitaw ako ng tawa at nilagpasan si Lucci para mas maharap siya ng maayos.

"Why would I be? Are you a worthy opponent? I don't think so. I'm just putting fences on what is mine, don't you dare cross it, baka hindi kita matansya," sabi ko sa kaniya at siniguradong hindi ako mabubuwag.

Nakita ko ang pagtikom ng bibig niya. I can destroy you but you can't sway me, never.

Tinalikuran ko na siya at nasisigurong aalis na ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya.

"Tara na Athena," pag-aaya ko sa kaniya.

Alam kong nangangamba pa rin siya sa akin kaya ngumiti ako para kumalma na siya.

"Yes, Miss."

"Pasensya na kayo Sir Zeus sa pabigla kong pagpunta, gusto ko lang malaman kung totoo ang mga narinig ko sa Tau," sabi ko naman sa kanila dahil alam kong naabala ko ang pagpapahinga nila.

Tumango naman sila sa akin at ngumiti. Ramdam siguro nila na tinatanggal ko na ang tensyon sa nangyari kanina.

Lumingon ulit ako dahil may gusto akong sabihin kay Lucci.

"Oh, I think you might need her. Bilang kapalit ni Athena, looks like you two have a good relationship naman na," sabi ko sa kaniya habang nakangiti.

Tumalikod na ako at patuloy na nagpaalam sa kanila. Alam kong gusto siyang ilapit ng mom niya kay Alicia, pero hindi ko naman alam na papayag siya.

"Morgaile! Stop right there!" pautos na sigaw ni Lucci ng nasa labas na kami ng palasyo niya.

Nilingon ko siya at nakitang nakasunod pa rin sa kaniya si Alicia, "I'm not you slave, Lucci," sabi ko ng may awtoridad.

Because you're the one who's going to obey me.

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon