Chapter 21: Secret

269 14 0
                                    

"Wala kasi sa mga libro yung Color Change kaya nagbabakasakali lang akong may alam ka?"

Magkasama kami ngayon ni Athena sa balcony ng palace.

"In other term Miss, hindi talaga ginagawang topic ang tungkol sa mga Miller dahil takot ang mga tao sa pwede nilang gawin," si Athena.

"Pero may alam ka di'ba? Please Athena I just need to confirm something," pagmamakaawa ko.

Nakita ko ang pagbigay niya sa akin.

"May I know why Miss?"

"Kanina kasing umaga galing kami sa Marquiss town at siguro narinig mo naman na siguro?" tanong ko.

"About the Queen, Miss?"

"Oo, nakita kasi ni Lucci na naging oval blue sapphire yung mata ko, sabi niya Color Change daw, kaso diba mga Miller lang naman daw yung mga may ganoong magic?" sabi ko.

"That's unusual, only the Millers' can do that," pagpapaliwanag niya.

"Pano kung... isa akong Miller?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Athena na madali naman ding nawala.

"That would be possible Miss, pero kailangan muna natin i-confirm ito mula kela Duke and Duchess Olvia."

Alam kong iyon lang ang posible kong magawa sa ngayon, kung gusto ko talagang malaman ang katotohanan.

"Athena? Pwede mo ba akong samahan bukas? Uuwi muna ako sa Olvia," pagtatanong ko.

Nakita ko naman ang matamis na ngiti sa kaniya.

"Yes Miss, that is possible."

Matapos ang pag-uusap namin ay inihatid ko na siya sa gate ng Morganite Palace kung saan ako nakatira ngayon.

"What are you doing here Athena?" 

"Sabi mo dalhin ko ang mensahe tungkol sa mga magulang ni Miss Morgaile," pagdedepensa ni Athena sa kaniyang sarili kay Lucci.

"Pero kanina pa 'yon," halos pasigaw na sabi ni Lucci.

"Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari kanina town saka babalik ako ng Olvia bukas isasama ko si Athena," pagpapaliwanag ko dahil kita ko na ang frustration sa mukha ni Athena.

"Why? Is there something you need? Pwede namang ipakuha na lang natin," Lucci.

"Wala, gusto ko lang kausapin sila Mama tungkol sa nangyari kanina, kasi baka hindi naman nila ako totoong anak Lucci."

Nakita ko ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko, pero alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko.

"Fine, pero hindi si Athena ang pwede mong isama. I will be out of the country for about a month, there's a lot of monster around the forest in the west and we need to handle it."

Agad akong tumabi kay Athena at niyakap ang braso niya.

"Hindi ba pwedeng sila Master Zeus na lang ang isama mo? Gusto kong kasama si Athena," pagmamakaawa ko.

"Lucci, we have an urgent matter tomorrow, it would be better if I stay with Miss."

"Okay fine, wala naman akong magagawa na."

Nagsaya ako dahil pumayag siya sa gusto ko.

Saglit lang din ay umalis na sila para bumalik sa Moonstone. Nang matapos na ang hapunan at nakapag impake na ako ng gamit ko ay pumasok na ako sa kwarto.

Mahihiga na sana ako ng napukaw ako ng painting namin ni Lucci noong bata kami. Tinitigan ko ito ng mabuti.

Ako nga ba talaga 'to? O baka si Morgaile. Ang daming bagay ang bago sa akin na wala naman sa libro ngunit mayroon dito.

Humangin ng malakas ng dumating ang isang mensahero ng Empress.

"What's this Perch?" I asked.

"An invitation for you my lady," it's Perch the talking bird.

"Thank you."

Nagising ako dahil sa katok ni Sofia sa pinto.

Nag-ayos na ako at kumain kasabay ang mga servant ko.

July ngayon kasi kainitan talaga pero sa Olvia malamig sa panahon na ito. Dalawang season lang kasi ang nararanas sa Olvia, autumn and spring.

"Miss, shall we leave?" its Athena.

Hindi na ako nakapagpaalam sa pag alis ni Lucci dahil late na ako nagising pero nag-iwan naman siya ng sulat sa kwarto ko at lavender flowers.

"May pupuntahan muna tayo bago tayo tumuloy sa Olvia," nakita ko ang pagseryoso at pagtataka sa mukha niya.

"The Empress invited me in her chamber, she want to talk about something important."

"Dito ko na ba kayo hantayin o ipapatawag mo po ako?" pagtatanong niya.

"Can you accompany me? Gusto ko lang ng kasama."

Agad kaming dumiretso para alis na rin kami agad.

"Athena, can I ask you a favor?"

"Yes Miss?"

"Is it okay if we keep it a secret?"

"Yes Miss, I'll make sure this will not reach his majesty," alam kong ang tinutukoy niya ay ang pagpunta namin sa Empress chamber.

"Okay lang na sabihin mo sa kaniya ito, ang tinutukoy ko ay ang dahilan ng pagpunta natin sa Olvia, at sa kung ano pa ang pwede kong malaman pagdating ko roon."

"Yes Miss, it will be a secret."

"Thank you, Athena." 

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon