Mahigit isang linggo na mula ng umalis kami papuntang Olvia. Naka-usap ko na rin sila Tita Leticia at Tito Edgar, pumayag na silang babalik na ako sa totoo kong pamilya at ipakikilala na si Kuya Noah bilang totoong anak nila.
Si Lana naman ay iiwan ko rito para makapag-trabaho siya sa palasyo, pero syempre hindi na bilang isang maid, magiging personal assistant na siya ni Kuya Noah. Si Athena naman ay sasama sa akin papuntang Miller dahil siya ang may kabisado sa daan.
Si Lucci? Hindi na siya nagpakita sa akin hanggang sa maka-alis ako ng palasyo. Si Empress Zarouhy naman ay binabaan ang paruso dahil sa kagustuhan ni Emperor Claudius, sa halip ay hindi na sila makababalik pa sa Marquis at bawal na rin siyang makalapit sa Royal Family.
Siguro nga ay malaking pagbabago na ito sa buhay namin, magandang bagong simula sa bawat isa.
Minsan nga siguro, hindi kung ano ang gusto natin makukuha natin. Baka minsan ay rason lang ito upang mas malaman natin ang mas dapat nating pagtuunan ng pansin.
Choosing your own path or choosing what others want. This two choices will change your life forever, so make a good decision on it.
"Aalis na agad kayo?" si Tito Edgar.
"Opo, halos tatlong linggo na rin kaming naglagi rito," nakangiti ko namang pagpapaliwanag sa kanila.
"Basta mag-doble ingat kayo sa byahe," sabay hawak sa kamay ko ni Tita Leticia.
Tumango naman ako at patuloy ng nag-paalam sa kanila. Kasama ko si Athena at si Laurus sa byahe papuntang Miller.
"Anong balak mo, Athena?" tanong ko sa kaniya.
"Siguro ay gagamitin ko ang perang mayroon ako para makapag-simula ng bagong buhay sa Miller. Bahay at negosyo," paliwanag niya.
Pinag-iisipan ko ring mabuti ang mga plano ko lalo na't magkaka-anak na ako. Sa totoo lang ay hindi naman ako sa palasyo titira, dadalawin ko lang ang pamilya ko roon at kukumustahin ang naging lagay nila.
Ayokong makapukaw ng maraming atensyon at pangarap ko rin naman manirahan ng isang tahimik at simpleng buhay.
"Ikaw Mor? Ano na ang plano mo?" pagbabalik naman niya sa akin ng tanong.
"Katulad lang din ng sa iyo. Isang masagana, mapayapa, at simpleng pamumuhay."
Makalipat ang ilang araw na paglalakbay namin ay narating na rin namin ang gate ng Miller country. Dahil isa silang saradong bansa ay hindi basta basta nagpapapasok.
"Ang tagal naman ata niya," sabi ni Athena.
"Pabalik na iyon," sagot ko naman.
Maya-maya lang ay dumating na si Laurus at saktong nagbukas ng isang malaking batong tarangkahan.
"Salamat, Lau."
Pina-punta ko si Laurus sa palasyo ng mga Miller para mapaalam ang pagdating namin.
Dumiretso kami agad sa palasyo at nakilala ko ang aking ama at ina, pati ang isa kong kapatid na lalaki na si Morias. Naging isang magandang pagkikita ang nangyari.
Ilang linggo lang din ay naghanap na ako ng bahay na matitirhan. Mabilis naman akong nakahanap sa isang maliit na at dulong village dito sa Miller, ang Neiger Village.
Mababait ang mga tao rito, sa lugar din namin nagmumula ang mga pagkain na dinadala sa iba't-ibang lugar sa Miller. Masaya ang pamumuhay rito pero malamig nga lang, dahil snow mountain ang lugar na ito.
Nasasanay naman na ako, dahil kailangan din.
Si Athena naman ay namumuhay na rin ng ayos sa Nix village, ito ay bago ang Neiger. Kaya minsan ay dinadalaw niya ako para makipag-kwentuhan tungkol sa kaniyang negosyo. Nagpatayo kasi siya ng isang training camp, kung saan tinuturuan niya ang mga bata o matatanda na gustong mag-aral ng mahika.
Ako naman? Ano ang ikinabubuhay ko? Isa akong doktor dito sa village namin, pero may puwesto rin ako sa sentro ng Miller at may araw na roon ako nag-sisilbi. Mayroon akong isang assistant, si Grace, isa sa scholar ni Athena.
Si Laurus naman ay madalas kong ginagawang sasakyan kapag aalis ako ng bahay at may mga kailangang gawin. Kadalasan ay masama talaga ang loob niya kapag ginagawa ko iyon, pero susunod pa rin naman siya.
Pitong buwan na akong buntis sa kasalukuyan, malaki ang aking tiyan kumpara sa normal na buntis, kaya baka raw kambal ang anak ko. Masaya ako kung ano man ang kasarian nila paglabas, ang mahalaga ay malusog sila.
Sa isang mala gulong kong buhay ay mayroon pa ring magandang naiwan ang mga taong minahal ko, ang mga taong galit na ang itinanim sa akin. Hindi ito bubunga kaya aking pababayaan na lamang.
Nagsimula ako ng bagong buhay hindi dahil kailangan, kun'di dahil gusto ko ito. Mahirap man pero ito ang paraan para matuto tayong mabuhay ng mag-isa, mag-desisyon mag-isa, at magmahal ng sarili.
Hindi man naging happy ending ang love story ko, nag-iwan naman ito ng hindi makakalimutang regalo na dadalhin habang nabubuhay ako.
End of Season 1...
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)