Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto at halos hindi makagalaw.
"Until when, Morgale?" ulit niya na tila parang hindi ko narinig.
Pinilit kong suklian siya ng tapang na ibinibigay niya sa akin.
"Why are you here?" pilit kong tinago ang gulat sa nangyayari.
"I've been looking for you," he answered.
I chuckled a bit, "For what? As far as I know, you don't have any concern with me after that incident."
Kita ang pilit niyang tinatagong galit sa kaniyang mga mata.
"And you didn't even care to see me off that day, tapos ngayon ay sasabihin mo sa akin na hinahanap mo ako?"
Umiwas siya ng tingin bago sumagot, "I don't have a choice! Kung pinanood kitang umalis sa noon, sigurado akong pinigilan na kita! And I don't want that to happen!"
Ngayon ay mas lalong lumawak ang sarkastikong tawa sa akin, "Oh! Ayaw mo naman pala, bakit ka pa naghahanap?"
"Because I want you back! Kung pinigilan kita noon ay itinuloy na ng aking ina ang pagpapakulong sayo sa palasyo!"
Hindi ako nakakibo o nakabato man lang ng mga salita sa kaniya.
"I don't have any power back then, hindi kita maproprotektahan... dahil wala pa akong matatawag na sariling akin," he continued.
I remain speechless. Sa totoo lang, hindi ko na inaasahan na hahantong pa sa ganito ang lahat. Akala ko ay mabubuhay na kami ng tahimik at walang magiging problema.
"But after that... I keep on doing business that is mine... secretly. I want you back again... I want you mine, Mor. Especially now," sabay tingin niya sa hawak niyang picture frame namin.
Hindi ko alam kung saan sisimulan o kung ano ba ang dapat kong gawin. Agad na nanlabo ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Ngayon lang naintindihan ng sistema ko ang hirap na pinagdaanan ko simula noong umalis ako sa piling niya.
Agad siyang lumapit at dahan-dahang pinunasan ang mga takas na luha sa mata ko.
"I'm sorry for the pain I cause you," sabi niya habang pinakakalma ako.Makalipas ang ilang minuto ay nakuha ko nang maging mahinahon, andito pa rin ang mga takas na luha ngunit ngayon ay kaya ko na siyang harapin.
"Hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol sa kanila bago ako umalis," panimula ko.
Dumiretso siya sa pagkakaupo at kita ang pagiging seryoso sa kaniyang mukha.
Nagpatuloy naman ako sa aking gustong sabihin, "The day before I went back from Xin, nalaman ko na buntis ako. Sabi ko kay Athena 'wag sabihin sayo dahil gusto kong malaman ang pananaw mo sa ganoong bagay... kung tatanggapin mo ba-"
"Of course, I will. Bakit naman hindi," mahinahon niyang sabi sa akin.
"Pagkatapos ng mga nangyari tatanggapin mo pa rin ako? Kami?" tanong ko sa kaniya.
He nodded, "Yes, wala kang nagawang kasalanan. At first, naniwala ako agad sa magulang ko, that you're part of Zarouhy's plan. But later on, after you left, pati na rin si Athena... noon ko lang napagtanto na agad akong nilamon ng galit at pagdududa sa iyo."
Tinignan ko ang kaniyang mga matang puno ng pagsisi at sakit. I'm not just the only one who suffer from that incident.
"I'm really sorry, Mor."
Sa tagal ng panahon, naintindihan ko na ang kulang sa buhay ko. Ang pagpapatawad sa kung ano man ang nangyari sa akin noon. Na itigil na ang galit na naubo at totoong magsimula ng bago.
Ang paghingi pala niya ng tawad ang patuloy na makapagpapagaan ng loob ko.
"I'm sorry too, for leaving you," sabi ko.
"No, siguro ay tama lang na ginawa mo iyon sa akin. Mas lalo kong nakita ang halaga mo, and at some point I think I became more mature making my own decisions. Hindi iyong umaasa lagi ako sa desisyon ng mga magulang ko," nakangiti niyang pagpapaliwanag sa akin.
Bahagya akong ngumiti, "Siguro ay ito nga ang kailangan natin, to give each other time to grow and be mature enough to stand for ourselves."
Hinawakan niya ang kamay ko, tinignan ko iyon pagkatapos ay ibinalik sa kaniya ang tingin at atensyon.
"Mor, I want you to-" hindi niya na natuloy ang kaniyang gustong sabihin.
Bumukas ang pintuan ng opisina ko at tumambad doon si Alicia L' Crusen na ikinagulat ko naman. Tumayo agad ako at hinarap siya, pilit na itinago ang panlalaki ng aking mga mata.
"There you are, I've been looking for you," she said in her soft voice.
Lumapit siya sa tabi ni Lucci at iniyakap ang kaniyang kaliwang braso sa kanang braso ni Lucci.
"We need to go, your mother is waiting for our return in Marquis Estate," sabi niya na tila ay sa akin patama ang lahat ng iyon.
"Susunod na lang ako, mauna ka na," Lucci said without even turning to Alicia.
Alicia chuckled, "Oh my! You know they don't like seeing us being separated, even in a few hours."
Ang bawat salitang sinabi niya ay may kahulugan... ang alamin ko kung ano ang meron sa kanilang dalawa.
Sa unang pagkakataon ay nilingon ako ni Alicia na para bang ngayon niya lang napansin na nandito ako.
"Hi, Morgaile," bakas ang sarkastikong tono.
"It's Lady or Doc Morgaile for you," I said straight to her face.
Kita ang pagkagulat sa mukha niya na agad naman niyang binawi upang hindi mahalata.
She awkwardly smiled to me, "Let's go already, Lucci. Matagal na rin naman tayong nanatiling dito."
Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Lucci.
"I'll contact you again some other time. Also, I have Laurus, he can deliver my message to you," I assure him.
Kumunot ang noo ni Alicia na tila hindi marehistro sa mumunting utak niya ang nangyayari.
Lucci nodded, "Yes, please. I'll be back here soon, I'll just have to finished my left-over work."
Nagpapalit palit ang tingin ni Alicia sa amin, tila gulong gulo sa nakikita niya at hindi maintindihan ang pinag-uusapan namin.
To clarify everything, "I hope it's okay if you meet our children the next time you visit."
"Children?!" pasigaw na sabi ni Alicia.
"Yes, I want to," he smiled.
Iginaya ko na sila palabas ng aking opisina. Huling lumabas si Lucci.
"Thank you for telling me. Now I don't want you back," Lucci said.
Nagulat ako sa sinabi niya, hindi agad ako nakagalaw.
"I want the three of you for me. I'll be back two days from now to be with you and our children," he kissed me on my cheeks before he close the door of my office.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)