Chapter 36: Birthday

171 9 0
                                    

Tanghali na akong nagising, kung hindi pa ako ginising ni Lucci ay baka hindi na ako nakapunta pa sa birthday party ko.

Pinaghanda na rin niya ako ng pagkain at pinadala sa kwarto namin. Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sariwa pa sa akin ang nangyari kagabi. 

"Eat first, maaga pa naman kaya mahaba pa ang oras mo mag-ayos," pagpapaliwanag niya sa akin.

Nang makita ko ang mga pagkain ay saka ko lang naramdaman ang gutom, kaya nawala na rin sa isip ko ang mga senaryo kagabi.

"Maliligo na muna ako," sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan na tumayo sa kama. 

Medyo matamlay pa ang aking mga binti kaya inalalayan niya ako hanggang sa kinaya ko na. 

Nagtagal ako sa paliligo at nakatulong iyon upang kumalma at maramdaman ko ang presko. Pagkalabas ko ng banyo ay nakasuot lang ako ng isang white robe, maya-maya na ako magbibihis dahil maaga pa naman.

Napansin ko tuloy ang dalawang regalo na galing kay Empress at Delice, hindi ko pa nga pala iyon nakikita.

Lumapit ako at umupo sa harap ng vanity mirror kung saan nakapatong ang dalawang kahon ng regalo.

Una kong binuksan iyong galing kay Delice. Isang maganda ngunit simpleng kulay puting bracelet ito. Gusto ko ang mga ganitong alahas, hindi masyadong agaw pansin kapag suot.

Sinukat ko ito at kita ang kabagayan nito sa isusuot kong damit mamaya, pinili ko ang isang white ball gown na may bahid ng mga rosas ang disenyo.

"What are you doing?" tanong ni Lucci na ngayon ay papasok pa lamang ng pintuan.

"Tignan mo ito," sabay taas ko ng aking kanang kamay upang mas lalong maipakita ang bracelet.

"Galing kay Del?"

"Oo, ngayon ko pa lang kasi mabubuksan ang regalo nilang dalawa ng empress," sabi ko habang binubuksan naman ang maliit na box na galing naman kay Empress Zarouhy.

Isa itong pares na hikaw naman, may kahabaan ang hikay na ito na nakapahugis rosas ang lawit, kulay puti rin.

"Looks like they pick something that suits your gown tonight," sabi ni Lucci saka ito isinuot sa akin.

"Kaya nga, parang alam nila ang isusuot ko ngayon," sabi ko naman. 

Tuwang-tuwa akong tinititigan ang hikaw at bracelet dahil bumaga ito sa akin. 

"Now's my turn giving you a present, here," binaba niya sa harap ko ang isang kulay pink na box. 

Excited naman akong binubuksan ito. Sa sobrang kinang at ganda ng binigay niya sa akin ay halos kumisap na rin pati ang mga mata ko. 

It's a necklace with 21 small diamond stones in it. It's simple but classy, just my type.

"Thank you so much," I said as I stand up and hug him.

"Give it to me, suot ko sayo."

Tumalikod ako at umupo ulit para masuot niya ito sa akin.

"Magbibihis muna ako saglit," sabi ko naman para mas maging maayos tignan ang mga alahas na nakasuot sa akin.

Tinulungan ako ni Lana na maisuot ito, medyo nahirapan pa kami nung una dahil hindi namin maayos ang cross design sa likod ng damit ko.

"Mukha kang ikakasal," sabi ni Lana.

Natawa naman kaming dalawa dahil sa isipin na iyon. Siguro ay dapat magtingin na rin ako ng mga gowns para sa kasal namin sa October.

Maya-maya lang ay kumatok na sa pinto si Lucci.

"Ready for my next gift birthday girl?" tanong niya sa akin.

Natawa naman ako, "Meron pa? Akala ko last na yung kwintas."

Ngumiti naman siya at inalalayan ako palabas ng kwarto. Sinusundan namin si Athena sa paglalakad, at dahil hindi ko pa naman kabisado ang lugar ay  medyo nalilito ako sa pinupuntahan namin. 

Nandito kami ngayon sa 3rd floor ng duke mansion at mukhang patungo kami sa dulong pinto ng palapag na 'to.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ay gumilid sa kaliwa ko si Athena para bigyan ako ng daan. Si Lucci naman ay naglakad at siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin.

Puno ako ng pagtataka habang papasok sa loob ng silid. At nasagot agad ang tanong sa aking isipan ng nakita ko na kung ano ang nasa loob.

Nandoon sila Mama at Papa kasama ang isang babaeng sing-edad ni Mama, kulay pink din ang buhok at gaya sa akin ang kulay ng mga mata. Hindi pa man nila sabihin kung sino ito ay mukhang kilala ko na, Pandora Miller.

"Maiwan muna namin kayo rito Dor," sabi ni Mama at saka naunang lumabas ng pinto.

Kinabig naman ni Lucci ang aking baywang upang mapukaw ang atensyon ko.

"I'll wait outside," tumango naman ako sa kaniya bago siya lumabas.

Dahan-dahan at maliliit na lakad ang ginawa ko palapit sa sofang nasa harap niya. Kung pagmamasdang mabuti ay halos iisa lang ang pigura ng aming mga mukha.

"Kumusta ka na?" tanong niya sa akin na kita ang bahid ng pag-aalinlangan.

"Ayos naman po," tanging nasagot ko.

Hindi ko alam kung anong emosyon ang gusto kong ipakita sa kaniya. Natutuwa ako dahil nakita ko na siya, pero may bahid ng lungkot at puno ng tanong ang aking isipan.

"Happy Birthday anak," bigkas niya.

Marahang dampi ngunit mabilis ang mga luha na umagos sa aking mga mata. Ang boses na ito, ang boses ng Mommy  ko.

"Alam kong matagal-tagal na tayong hindi nagkikita, mula pa noong huling araw mo sa kabilang dimensyon."

"B-bakit hindi mo po sinabi agad sa akin ang mga ito?" tanong ko sa kaniya.

Lumapit siya sa tabi ko at saka ako marahan na niyakap. Buong buhay kong kasama ang totoo kong ina sa kabilang mundo ng hindi ko man lang alam kung ano ba talaga ang totoong kwento ko.

"I'm sorry, that's the only way to protect you. Habang inaayos ko pa ang mga problema rito ay iyon lang ang naisip kong makabubuti sa iyo, pati ang pagbura sa mga ala-ala mo," pagpapaliwanag niya.

Hindi ko alam pero mukhang hindi ko na kailangan pa ng mas malinaw na paliwanag sa kaniya, dahil ngayon pa lang na kasama ko siya ulit ay sapat na sa akin. 

Niyakap ko siya pabalik ng sobrang higpit. Akala ko ay mangungulila ako kay Mommy dahil nandito ako, akala ko ay hindi ko na siya makikita at bubuo ako ng bagong pamilya sa mundong ito. Pero ang totoo ay lagi ko pala siyang kasama at hindi siya nawala.

"Ito siguro ang pinaka-magandang regalo sa lahat ng birthday ko," kita ko ang saya sa mga mata niya na makita ulit ako.

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon