We've been looking around the town for hour, I've seen different house designs, apartment, pastry shops, and class restaurants.
"Are you hungry?" he ask me.
"Oo medyo," sagot ko.
"Where do you want to eat? I know a fine restaurant that serves a really good steak," sabi niya habang tumitingin tingin sa paligid at parang hinahanap iyon.
"That's very usual, halos lagi na lang natin 'yon natitikman sa palace dahil sa royal chefs. Bakit 'di na lang kaya tayo sa market? Local street foods? Minsan lang naman tayo lumabas," paglilinaw ko sa kaniya.
He looked at me and smile then he nodded as a sign of approval. Medyo may kalayuan ang market dito kaya mahaba-haba rin ang nilakad namin pero hindi ako nabagot kasi nakikipag kwentuhan siya sa akin.
"Do you want sweets from the market?" pagtatanong niya habang hinahawakan ang kamay ko.
"Pwede naman, I heard they have this mini pancake that has a melted candy inside," I said.
He chuckled, "Yes, the fullcake."
Dumiretso na kami agad sa sinabi niyang isa sa pinaka masarap gumawa ng fullcake. Hindi lang kami roon pumunta, we went into different stalls try different street foods.
I also felt the looks of the people who see us, I know it's a bit different for the royals to be in this kind of place where commoners are their usual buyer.
"Parang ngayon pa lang sila nakakita ng mga royals na nandito sa local market," sabi ko bago kumagad sa dango na hawak ko.
"Yes, it's the first time lady," Lucci said.
"Totoo ba? Why? Because this is a place where commoner should be? Not for the upper class?" I ask full of curiosity.
"Yes, that's what the upper always see, putting a wall between the upper and the lower class," he explained.
"They should be treated the same, hindi naman nila ginustong ipanganak sa mababang state na buhay, saka it's not a sin to be a commoner, kung hindi nga dahil sa kanila baka wala akong allowance ngayong buwan," wala sa isip kong pagsasabi ng nilalaman ng isip ko.
I look at him and I see a smile in his lips and eyes.
"Yes that's true, do you think so Mister?" he ask the vendor in front of us.
"U-uhm, pasensya po sa panghihimasok sa usapan niyo, pero masasabi kong may punto ang prinsesa, hindi naman namin ginusto na hanggang dito lang ang kaya namin. Paminsan iniisip din namin na baka may galit ang may kapal sa amin kaya pinanganak kaming dukha, pero sa kabutihan naman at kaayusan ng Marquiss at ng pamumuno ni Emperor Claudius ay nabibigyan kami ng malaking pagkakataon na mamuhay ng maayos," nakangiti nitong pagsasabi.
"Pero kung sino pa itong mga Count o yung mga nasa mabababang estado sa upper class sila pa yung-" nahinto ako sa pagsasalita dahil tinitignan na nila ako, habang si Lucci ay natatawa sa gilid ko.
"You should train yourself," sabi niya sabay tingin sa kinakain niya.
"Huh? Saan?" pagtataka ko.
"Na hindi mo masasabi ang nasa utak mo," sabay tawa nito.
Na naging laking gulat ng mga mamimili at mga merchants.
"Mag training ka na rin na tumawa madalas," sabi ko habang sinusubo ang huling piraso ng dango.
Marami pa kaming pinag-usapan kasama ang ibang mga merchants ng lugar, mababait sila at mas lalo nilang pinatutunayan na normal silang mga tao at hindi dapat dinadaan sa estado o taas ng posisyon ang pamumuhay.
Nagpaalam na rin kami sa kanila na aalis na kami dahil pahapon na rin, kailangan pa namin maglakad papuntang entrance ng town para doon abangan ang sundong karwahe.
Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan ng biglang may tumawag sa likod namin.
"Son! What are you doing?!" it's Queen Lidell, the second wife and his mother.
"About what mother?" malamig na sagot ni Lucci bago humarap sa kaniya.
Ako rin mismo ay may pagkalito sa sinabi nito.
"Pinaguusapan ka sa buong lugar, you eat in the local market? Are you out of your mind?!" halos matanggalan na ng boses ang reyna.
"It's not a big deal mother," he said calmly.
"Not a big deal? Baka nakakalimutan mo na you're the Crown Prince, that you're next to the line and that you shouldn't stay with the commoners, they're dirty and poor and just a problem in the society!"
Agad na nag-init ang aking ulo sa sinabi niya.
"Masyado naman po atang mababa ang tingin mo sa kanila, kung wala sila wala ang society na to, wala ang Marquiss, wala ang bansa!" galit at nagdidilim ang paningin ko na tumingin sa kaniya at kita ko naman ang gulat at bawing pagkainis niya sa akin.
"How could you talk to me like that? Hindi mo ba ako nakikilala?!" pasigaw niyang bwelta sa akin.
Agad nagkuyom ang aking kamao, why do people always see themselves because of their titles?
"I know you, very well. Your the mother of my fiance and I don't think that matters," I said calmly.
"You don't think it matters? ARE YOU BLIND?!" bulyaw ng reyna sa akin.
I was about to speak but Lucci interfere.
"I think what my lady means is whatever your status is, don't look down to others. She's right mother, wala tayo kung hindi dahil sa kanila," I was shocked when he chose to stay by my side, pero alam kong naiintindihan lang niya ako.
"Ako po ang nagdala sa kaniya sa local market, ako po ang gustong magparanas sa kaniya na dapat hindi iparamdam sa mga commoners na dapat silang itrato ng kakaiba, that title shouldn't matters," I stay calm while I'm talking to her, I still have respect.
"At ang kapal ng mukha mong gawin 'yan, don't bring my son to a garbage place!" nakita ko ang galit sa mga mata niya.
Ako mismo ay nainsulto kaya gusto ko na siyang sugurin pero hindi ko ginawa, kaya tinitigan ko siya ng masama.
Sobra ang galit na mayroon ako sa oras na ito. Galit sa pang iinsulto niya sa mga taong namumuhay lang naman ng ayos at hindi ginusto na ganoon ang maging buhay.
Nakaramdam ako ng ibang klaseng lamig mula sa aking likod habang nakatitig ako sa kaniya. Napansin ko ang biglang pagkagulat sa mga mata niya. I was about to speak and contradict her when Lucci stood in front of me to block my sight.
"Calm down, we should go now, baka naghahantay na sa atin ang susundo," deretso ang tingin niya sa mga mata ko at may sulyap ng ngiti sa kaniyang labi upang mapagaan ang loob ko.
Tumango ako at tumalikod na, ngunit nagiwan pa siya ng mensahe para sa kaniyang ina.
"Don't you ever interfere in our lives again, mother."
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
Algemene fictieFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)