Chapter 41: New Beginning

272 14 6
                                    

"Hestia! Hermes!" nagkukumahog ako sa pagtakbo at pagsigaw.

"Mama! Dito po!" sigaw pabalik ni Hestia habang tumatalon sa tuwa.

Nandito kami ngayon sa maliit na bakuran sa likod bahay at naglalaro.

"Magdahan-dahan naman kayong dalawa," natatawa kong sabi.

Four years had past and changed everything in an instant, including my life. I now have a simple and peaceful life with my twins, Hestia and Hermes. And a job where I can provide for my family and can also help a lot of people.

Mahirap pala mamuhay na ikaw ang gagawa ng lahat, bawat maliliit o malalaking bagay. Kung wala lang siguro si Laurus dito ay baka hindi ko makayang pagsabayin ang pagtratrabaho at pag-aalaga sa kambal. 

Sa loob ng apat na taon naging tahimik at maayos ang buhay naming tatlo kasama si Laurus, hindi rin naman ako pinahanap ni Lucci... siguro ay wala naman ng dahilan pa. 

"Mama, play with us," pamimilit sa akin ni Hermes. 

"Later, baby. Si Laurus at Hestia muna ang kalaruin mo, magluluto lang si mama, hmm."

Madalas na eksena sa bahay kapag hindi sila puwedeng lumabas para makapag-laro dahil sa malakas na ulan o hindi naman dahil sa niyebe. 

Paminsan naman ay sinasama ko sila papunta sa Miller General Hospital kapag kailangan ni Laurus na mangaso o maghanap ng pagkain niya sa gubat. Isa na ako sa doktor sa ospital na iyon, dalawang taon na ang nakalipas noong nagsimula ako.

"May iniwan na akong pagkain niyo hanggang mamayang tanghali. Lagi niyong tatandaan na 'wag magpapasok o kahit pagbuksan ng pinto kapag hindi kilala," pagbibilin ko sa kanila dahil kinakailangan kong pumasok sa MG Hospital.

"Yes, mama."

"Laurus, ikaw muna ang bahala sa kanila," pag-aatas ko.

"They'll be alright," sagot ng lobo.

Umalis na rin ako para maagang makarating sa sentro ng Miller. Nagsimula na akong maglakad patungo sa Nix village kung saan nakatira si Athena. 

Ang maliit na training camp ni Athena ay isang kilalang eskwelahan na rito sa Miller at sa sentro na rin ito naka-lagay, kaya sumasabay ako sa kaniya kapag papunta siyang sentro. 

"Athena!" tawag ko sa kaniya.

"Mor! Tara na, baka mahuli pa tayo," aya niya sa akin habang nakaturo sa karwaheng madalas naming sinasakyan.

"Ano na ang balita sa training school mo?" tanong ko naman sa kaniya habang nasa biyahe.

"Balak gawing academy ng mga magulang mo. I don't think that's bad, mas mag-eexpand ang school and pati na rin ang knowledge ng mga bata, and the advantage of leasing the parents financial problem about their children's education," pagpapaliwanag niya.

"You do have a point, mag-aaral na rin sila Hermes at Hestia next year kaya mukhang makatutulong nga 'yan."

"This should be done within this year para maka-abot sa susunod na pasukan," kita sa mata ni Athena ang saya.

She doesn't have a plan to be a mother, kaya gusto na lang niyang ibuhos ang oras niya sa pagtuturo sa mga bata.

Matapos ang isang oras ay nasa Center na kami, nagpaalam na rin kami sa isa't-isa para makapasok na sa trabaho.

Pagkapasok ko pa lang sa double door ng ospital ay binati na ako ng mga nurse at ibang mga pasyenteng nandoon.

"Good morning, Doc Morgaile. May mga patient ka na po na nasa waiting area," si Grace, personal assistant ko.

"Okay, mag-reready lang ako sa office ko, I'll call you kapag puwede na magpapasok," sabi ko naman sa kaniya.

"Noted po, Doc."

Mabilis na lumipas ang oras sa trabaho dahil sa dami ng gawain. Hindi ko na rin namalayan na ala-singko na ng hapon.

"Grace? Madami pa akong appointment bukas?"

"Hindi naman po, ini-sked ko na rin po na pang-umaga lahat ng patient niyo  paraa maka-alis po kayo sa hapon," sagot ng aking sekretarya.

Tumango naman at nagpaalam na rin na aalis  na.

Madalas akong umuuwing mag-isa, tulad ngayon. Maaga kasi ang uwian nila Athena kaya hindi na ako nakakasabay sa kaniya pabalik.

Madali  naman akong nakahanap pa ng kalesang  masasakyan,  agad na rin naman akong umuwi  dahil  mahaba rin ang byahe.

"Mama!" 

Mga normal na boses ng  dalawang batang  naririnig ko sa tuwing uuwi ako ng bahay.

"Nagpakbait ba kayo? Baka naman nahirapan sa inyo si Laurus,"  panghuhuli ko sa mga ito.

Dali-dali naman  silang umiling senyales na naging maayos ang araw nila.

Isang normal at  simpleng buhay ang ayaw kong mawala sa aming pamilya, masaya't  kontento na ko sa kung anong mayroon kami.

"Lady Morgaile,"  isang malaking tinig ang nanggaling sa akin likod.

"Sir Zeus."


Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon