Chapter 5: You have to know

983 35 0
                                    

"Ms. Sofia?" tawag ko sa kaniya habang halos patakbo ko na siyang hinahabol sa hallway ng palasyo, "Sofia na lang Lady Mor," nakangiting sabi niya sakin., ang cute talaga niya. "May garden ba sa loob ng palasyo?" tanong ko, gusto ko kasing mahampas ako ng fresh air, hehe. "Lady sa Zircon Palace at Empress Palace(Amethyst Palace) lang po merong personal garden," sabi ni Sofia. Medyo na sad naman ako kasi gusto ko talagang lumabas dito kasi nakaka suffocate naman, puro pintuan lang nakikita ko. Ngunit naging shining shimmering ang mata ko sa sunod na sinabi niya, "Pero meron pong public garden dito sa Loob ng Marquiss Palaces," mabilis akong lumapit at nagtanong, "Saan yon? Samahan mo ko?" sabi ko habang nakangiti. "Ahm, sa Rose Garden po, mas okay po siguro Lady kung Head Butler po ang sasama sayo," may punto naman siya roon.

Akala ko mag-aagree siya na siya ang sasama sakin, medyo nag-aalangan kasi ako noong una, na baka pinadala ni Empress Zarouhy si Sofia para bantayan din ako, pero I think hindi naman. "Alright, I'll go and ask him to join me, thank you Sofi, see you when I get back," as I said while waving my hands and walking away from her, I have to find Villan. Halos malibot ko na ang buong Morganite hindi ko pa rin siya nakikita, kainis. Saan ba kasi sumusuot yon, and then in just a second nag pop out siya mula sa likod ko, "Miss, hinahanap niyo raw po ako?" Hai sosme kanina pa. "Yup, magpapasama sana akong pumunta sa Rose Garden, busy ka ba?" ngumiti lang siya pagkasabi ko non.

Tinalikuran niya ko kaya medyo nagtaka ako, "Tara na Miss?" Ohhh, kaya naman pala, nag-aaya na pala, di kasi nagsasabi, hehe. "Ah! Sir Villan malayo ba yung Rose Garden?" biglang tanong ko sa kaniya dahil mukhang sasakay kami ngayonsa isang karwahe. "Medyo may kalayuan po Miss, from Morganite we need to pass through Moonstone, Zircon,  and Apetite, the Rose Garden is the center of the whole Marquiss Palaces," na amaze naman ako ron.

Dahil malayo iyon napagpasyahan kong mag carriage na lang. Dahil medyo tahimik sa pagitan namin ni Villan ay nagsimula na rin akong magtanong, mukha naman kasing malapit na. "Uhm, Villan?" tumingin naman siya sakin habang nakangiti, "Bakit parang ang laki naman ng Marquiss? I mean diba hindi naman ito yung capital? Diba sa Tau?" sunod-sunod na tanong ko. Biglang huminto ang sinasakyan namin at bumukas ang  pinto, naunang lumabas si Villan para maglahad ng kamay sa akin. Akala ko ay wala na siyang balak sagutin ang tanong ko, "Dating capital po ang Marquiss Miss, mga panahong si Emperor Heres pa po ang namumuno, siya po yung father ni Emperor Claudius. Pero mula nung  Namatay si Emperor Heres, parang nahati sa dalawa ang buong Crusen. Nagkaroon ng alitan ang Tau at ang Marquiss dahil pinipilit po ng Hari ng Tau na sila dapat ang capital, na ang family dapat nila ang mamumuno. Syempre hindi pumayag si Emperor Claudius kaya nagkaroon ng gyera, that war is endless until they decide that Tau and Marquiss will rule the country, Crusen."

Ang haba ng paliwanag niya pero nakukuha ko naman, naglalakad kami sa damuhan ng may biglang pumasok na tanong sa kokote ko na gusto kong maitanong kay Villan, "Ah Villan?" panimula ko, "Yes, Miss?" tugon niya. "Diba Crusen ang apelyido ng Emperor's Family sa Capital?" agad naman siyang tumigil at sumagot, "Tau po talaga ang apelyido nila, pero after the war pinapalitan na po nila ng Crusen iyon, we don't know the reason, yet."

Sa paningin ko kay Villan ay mukhang marami siyang alam sa mga nangyayari rito, di kaya galamay siya ng bakulaw? Hai nako! Nag-aya ako sa kaniyang maglakad-lakad pa lalo dahil malamig ang hampas ng hangin, parang aircon, nang may pamilyar na amoy ang dumapo sa aking ilong, lavender! Halos patakbo akong lumapit dito at saka pinagmasdan ang isang maliit na field ng lavender dito sa garden, ang totoo niyan hindi lang naman iyon ang meron dito, karamihan ay iba't ibang kulay ng rose, mukhang favorite nila 'to rito dahil ang lalaki ng mga fields non.

"Mahillig ka po ba riyan?" tanong ni Villan na kasunod ko pa lang pumunta rito. "O-Oo, puro ganto nga yung pinatanim ko sa Olvia dahil ang bango, hehe," sabi ko sa medyo nakakailang na tono, "If you may ask po, that's the only flower that Prince Lucci likes." Ay hate ko na pala yung mga lavenders, charet! Eto namang si Villan may pa trivia, parang si Kuya Kim. "G-ganun ba, ah pwede pa tayo kumuha nito? Tapos lagay natin sa mga vase ng Palace?" Tumango naman agad siya sa akin, at saka kami nagsimulang pumitas ng mga lavender.

"So sudden, may tao pala rito na mahilig sa ganiyan," mahinahon na boses ng isang batang babae mula sa likuran ko.  Biglang nagbigay galang si Villan sa bata kaya ginawa ko rin ang ginawa niya, mukhang mataas ang pwesto ng batang ito. Pag-angat ko sa aking ulo ay nakita kong nagtataka ang mukha ng batang babae habang nakatingin sa akin,  syempre bago lang naman ako rito.

Nakita kong parang ngumisi siya bago nagsallita, "Ate Gael? Is that really you? Haha, that's the first time you vowed to me,"ah eh malay ko bang hindi ugali ng character ko yon. "P-pagbibigay galang, hehe." Kahiya naman itu atiih, dagdag mo pang nakalimutan ko kung sino 'tong batang ito  sa story, sosme. "Ahh, what's with that flower Ate? It looks different, looks unique," pagsabi niya, hindi niya ba alam kung ano to? Hala, diba ang sabi ni Villan this is the only flower that Bakulaw likes? "L-lavandula Angustifolia, also known as Lavender, it has health benefits such as making your sleep better, ah can relieve asthma, reduce blood pressure and-" natigil ako ng medyo humagikgik ang batang babae, "I know that, don't you remember? First we saw each other is here, I ask you the same question, aaand you answer it just like your answer back then HAHAHA!" 

The same talaga? Pero bakit parang wala naman iyon sa libro. Buti naman at naisipan na kong bulungan ni Villan kaya medyo narecall ko na kung sino siya, "Dolce Marquiss, second children of Queen Lidell, Prince Lucci's mother." Siya yung batang kaclose ni Morgaile sa story, pero walang nabanggit don na nagmeet sila sila sa Lavender field  dito sa Rose Garden, niwala ngang gantong Garden dun sa istorya. "I heard that you have a slight amnesia?" tanong niya. "Ahmn oo, siguro dahil sa mala-sleeping beauty kong pagtulog hehe," sabay ngiti ng may ilang. "Mom wants to see you," sabi niya bago tumalikod at maglakad, sumunod din ako sa paglalakad niya. "Ahm now na?" tanong ko, tumingin muna siya sakin bago nagsalita, "Why? Busy ka ba ate?" nakakatuwa na medyo nakakailang na may nagtatawag sakin na ate, dahil nga sa only child ako ni Mama sa real world di ko rin naramdaman na magkaroon ng mas bata or aalagaang bata.

"Hehe hindi naman, tara?" pagkasabi ko non ay nagliwanag ang kulay asul na mga mata niya, bakit nga ba hindi ko napansin kay bakulaw yon, kulay blue nga rin pala yung mata niya. Habang palabas kami ay napansin ko ang mga pamilyar na mukha na galing kanina sa loob ng Palace ko, KO talaga te? 

"Lady Mor, I think we should escort you to the Opal Palace, Good Day Princess Dolce," pagtuloy-tuloy na salita ni Sir Zeus. Oo nga pala, sila nga pala ang kasama ko paglalabas ng Morganite, napatingin tuloy ako kay Villan na ngayo'y tinitingnan ng masama si Sir Aceso. Naagaw ko naman ang atensyon kaya nginitian niya ko, "Sir Villan? Baka pagalitan ka kasi inaya kitang lumabas ng palace," pabulong kong sabi. "Hindi naman po siguro Lady, alam ko naman pong susunod sila sa atin," pagsasabi niya habang nakangiti. Di ganong nagtagal ay naglakad na rin kami papuntang Opal, malapit lang naman kaya ayos lang.

At shet na malupet na onting malutong! Nakalimutan kong yung nanay nga pala niya is yung queen, Queen Lidell! Matapang kaya? Maarte? O di kaya'y kaugali ni Bakulaw? Hais, wag amans sana, sangalan ni Mommy Shark! 

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon