Nang matapos ako sa pagligo at pag-aayos ay bumaba na rin naman ako agad para makadalo kay Lucci. When I saw him, mukha pa ring masama ang timpla niya.
"Okay na," sabi ko kahit medyo nag-aalangan pa ako dahil wala siya sa ayos.
"Tara," tanging sabi niya habang umaakyat sa hagdan.
Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa library. Pumasok kami roon at nakita ko ang dilim sa kaniyang mga mata habang papalapit ako sa inauupuan niya.
"May problema ba?" bigkas ko habang umuupo sa tabi niya.
Mula kasi nung pumasok kami sa loob kanina para makapag bihis ako ay ganito na ang timpla niya.
"What are you doing there?" sabi niya habang nakatagilid para makita ako, nasa tabi niya kasi ako umupo.
"Sa labas ba?" tanong ko ng dahan-dahan.
"Yes?" sabi niya sabay taas ng kilay sa akin.
"Uhm wala na kasi akong magawa rito sa loob kaya minabuti ko na maglakad-lakad na lang muna."
"That's why napadpad ka roon?" pagtaas ng tono at kilay niya.
"Oo, gusto ko lang din naman silipin ang ibang parte na malapit sa tinutuluyan ko," pagpapatuloy ng paliwanag ko.
"Bakit hindi mo ko pinatawag? I can be with you para bantayan ka, hindi yung kung sino-sino ang nakakalapit sayo," pansin ko na ang iritasyon sa kaniya.
Pero dahil mas naiirita ako ay hindi ko na napigilan pa ang mapasigaw na rin sa kaniya.
"Ayokong istorbohin ka pa kaya mag-isa na lang din akong pumunta roon, saka sumaglit lang naman ako," napatayo na ako sa inis ko sa kaniya.
"Sumaglit ka lang? You see what happened? You almost die there tapos sasabihin mo sumaglit ka lang?" padabog siyang tumayo sa upuan at hinarap ako.
"Mukha bang ginusto ko ang nangyari? Hindi ko naman alam na mangyayari sa akin iyon ah!"
"Kaya nga sana matuto kang magsama, kahit hindi ako kahit ang mga tao mo man lang. Use your common sense, hindi naman talaga natin inaasahan na may mangyari sayong ganoon!"
Pansin ko na ang pagkairita sa kaniya, pero dahil na lang din siguro sa inis at galit na namumuo sa akin ay kung ano na lang din ang nasabi ko.
"Edi sana pinabayaan mo na lang ako! May tao naman doon, may tumulong sa akin at saka buhay naman ako ngayon, hindi mas mahalaga 'yon? Bakit ba pilit mo pa rin idinidikdik na mali ako? I'm fine! I'm already fine and even without your help dahil may mga tao pa rin namang handang tumulong sa akin kahit wala ka!" Pansin ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha sa mga nasabi ko.
"Okay. Looks like your okay without me and my help," he said in a calm voice.
"Yes that's true, kaya pwede ka ng umalis, kaya ko na at hindi na ako mang-aabala pa," sabi ko at tumalikod na sa kaniya.
Masama ang loob ko sa buong araw na iyon, hindi ko na rin nakuhang lumabas pa ng kwarto dahil sa nangyaring sagutan kanina. I hate him. I hate how he blame the fault to me, kasalanan ko ba na boring na boring na ko sa lugar na ito.
Iritable pa rin akong kumakain ng hapunan, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari hanggang ngayon patuloy pa rin itong gumugulo sa akin.
"Miss Mor, pinapasabi po ni Prince Lucci na pupwede ka raw pong bumalik muna ng Olvia," si Sofia.
Habang paakyat ako sa kwarto ay iniisip ko ang iniwang mensahe ni Lucci para sa akin. May parte sa akin ang gusto ng bumalik pero may puwang sa puso ko na hindi sumasang-ayon sa ganoong desisyon.
Anong oras na pero patuloy ko pa ring iniisip ang nangyari dahil alam kong may kasalanan ako. Alam kong hindi rin naman ginusto ni Lucci ang nangyari pero hindi ko rin naman ginusto iyon. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa kalagayan ko at ayaw lang niya akong mapahamak.
Tumayo ako sa pagkakahiga, inulit-ulit ko sa isipan ang mga napagtantong palaisipan.
Maybe I do have a fault here, I admit it. I want to see him.
Agad akong tumayo sa aking higaan upang magpalit ng damit. Lumabas ako ng kwarto at pababa na sana ng hagdan ng makita ko ang guwardia na nag iikot. Agad akong bumalik sa kwarto, hindi nila pwedeng malaman na aalis ako dahil panigurado ay itatawag agad ito kay Lucci.
Naisip kong sa malaking bintana na lang ako ng silid lalabas. Dahil nasa ikalawang palapag ako ng ng palasyo ay mahihirapan akong makababa. Maingat akong tumapak sa maliit na pader upang maikapit ang aking sapatos, ngunit sa kasamaang palad ay madulas ang sapatos na suot ko dahilan kung bakit bumagsak ako sa lapag.
Mabuti na lang at puro halaman ang parteng iyon kaya hindi naman ako gaanong nasaktan.
Kaso nga lang ang sapatos na suot ko ay nasira sa pagkakadulas nito.
Hinubad ko ang suot kong sapatos at nagsimulang maglakad sa kalsada papunta sa palasyong tinutuluyan ni Lucci. Hindi naman ito kalayuan kaya kaya namang lakarin.
Napatingin ako sa paa ko na nagsimula ng sumakit, medyo namumula na rin ito. Napatingin din ako sa punit ko na ring gown dahil sa pagkakabagsak ko kanina.
Napabuntong hininga ako habang iniisip kong gugustuhin pa kaya niya akong makita pagkatapos ng mga sinabi ko sa kaniya at pati na rin sa itsura ko ngayon.
Natanaw ko sa labas ng palasyo niya si Lucci kasama si Sir Zeus parehong nakatingin sa malayo. Nakita naman sa gilid ng mga mata ko ang palapit na si Miss Athena para dalhan ata ng wine sila Lucci ngunit nabagsak niya ito habang nakatingin sa akin.
"Lady Morgaile! Anong nangyari sa iyo?" halos isigaw na ito ni Athena.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Lucci habang halos takbuhin na niya ang pagitan namin para alamin ng mas malinaw kung napaano ako.
"Anong nangyari sa'yo? Athena get a towel, a dress and a slippers," pag-uutos ni Lucci na halos ikataranta ni Miss Athena.
Lumingon ako kay Lucci at nakita ko ang pagaalala sa kaniyang mukha.
"Ano kasi, balak ko kasing pumunta rito habang hndi nagpapakita sa mga tao sa palasyo, kaya sa bintana ako ng kwarto dumaan kaso nga lang nahulog ako," pagpapaliwanag ko habang nakayuko.
Tiningnan niya muna akong mabuti bago siya nagsalita, "Bakit ka naman pupunta rito anong oras na?"
"Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa inasal ko kanina, alam kong may pagkakamali ako at huli ko ng tinanggap sa sarili ko iyon. Mali rin na pinaalis kita sa palasyo ko kanina sadyang naunahan lang ako ng inis at galit ko. I'm sorry about what happen next time magsasama na ako kapag aalis ako," pagpapatuloy ko.
Nakita kong palabas na si Miss Athena ng palasyo at may dala na siyang tsinelas na ipapagamit siguro sa akin.
"Nako Miss Athena, huwag na po aalis na rin naman ako sa palasyo ko na lang ako magpapalit, pasensya na rin po sa abala nabasag pa ang bitbit niyong wine at wine glass kanina. Sorry hindi ko naman po ginustong pagalalahanin kayo," sabi ko habang nakayuko dahil napuno ako ng hiya sa ginawa ko.
"No, you'll stay here. Tara na sa loob magpalit ka na at magamot ko na rin iyang mga sugat mo," si Lucci habang dahan-dahan akong inaalalayan.
Hindi naman na rin ako nagpumilit pa at pumayag na lang ako sa desisyon niya.
Mapatigil ako sa paglalakad dahil kumirot na ang paa ko sa sakit. Biglang umangat sa ere ang buo kong katawan saka ko napagtanto na buhat na pala ako ni Lucci.
Pagpasok namin sa loob ay dumiretso siya sa kwarto niya, ginamot na rin niya agad ang sugat ko, nakapagpalit na rin ako ng damit.
"Salamat," sabi ko sa maliit na boses.
"Don't do this again, pati iyong kaninang umaga. Please tell me if you want to do something or if your too bored, pwede naman kitang samahan," sabi niya habang namumungay ang mata.
Tango lamang ang tangin naibalik ko. Nagulat ako ng may dumamping labi sa aking noo.
"I'm sorry too, about everything that I said earlier, I was just full of anger... and jealous," he said.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
Ficción GeneralFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)