Chapter 18: Together

464 23 3
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata ay mukha niya agad ang bumungad sa akin. 

Tabi kaming natulog at nag-usap din ng masinsinan. 

Dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya ngunit bigla niya akong hinila dahilan para mapahiga ako sa dibdib niya. 

"Saglit lang, dito ka muna."

"Good Morning," sabi ko sabay yakap sa kaniya.

Sandali pa kaming nakapwesto ng ganoon ng napag-isipan naming tumayo na. 

Nakapagbihis na rin ako ng plain blue draping gown at flat white shoes na galing pa sa Morganite Palace.

"May gusto ka bang gawin ngayon?" tanong sa akin ni Lucci habang nag-aayos ng coat niya.

"Wala ka bang gagawin? Work?" 

"Zeus will take care of it, I'll spend my time with you lady,"  sabi niya habang papalapit na hinawakan ang kamay ko. 

Kumakain na kami habang pinag-uusapan kung ano ba ang maaari naming gawin ngayon. 

"I think we should go to that pond, hindi mo nasulit last time dahil sa incident," parang may halong panunukso ang pagsasalita niya kaya tinignan ko siya ng may diin.

"Hindi ko rin na-enjoy ang town dahil may biglang sumulpot na bakulaw na napakaitim ng aura," pang-iinis ko kaya ngumisi na siya sa akin. 

Saglit kaming nagpahinga bago nagdesisyon na tumuloy na nga sa town para masulit din. 

 Kaming dalawa lang ang magkasama at ang driver ng sinasakyan namin. Sa kahabaan ng biyahe ay nakasandal lang siya sa balikat ko habang hawak ang kamay ko.

Nang makababa na kami sa bukana ng Marquiss Town ay umalis na rin ang sasakyan namin at sinabihan na bumalik na lang ulit kapag pahapon na.

"So, saan muna tayo?" tanong niya sa akin. 

"Hindi man lang ba tayo magdidisguise?" tanong ko rin pabalik na may halong lito.

Saglit siyang tumawa, "No, we don't need that, it's normal to them to have royal guest."

Tumango naman ako dahil ngayon ko lang iyon nalaman. 

"Pwede bang sa Raisy's Boutique muna tayo? Gusto kong mamili ng damit doon saka gusto ko rin na pormal na magpakilala kay Raisy,"sabi ko.

"That's good, I want to met her also, tutal she's your friend now," sabi niya sa akin. 

Nakita ko ang sincerity sa kaniya, he wants to make sure that I'm in a good hands always.

Dahil medyo malapit lang naman sa entrance ang mga boutique madali lang makita ang kay Raisy.

"Lady Morgaile, Prince Lucci," excited na bungad ni Raisy sa amin. 

"Raisy, gusto kong humingi ng sorry about sa nangyari nung nakaraan, ayoko lang din talagang makilala ako, sorry talaga."

"Naku ayos lang, dapat nga nakilala kita agad," hinawakan niya ang kamay ko habang sinasabi niya ito.

"I'm sorry also, agad ko siyang hinila and you didn't have the chance to talk to her," mahinahon na bigkas ni Lucci galing sa likod ko. 

"Prince Lucci there's no problem with that, naiintindihan din naman kita, your just worried with your future wife," napangiti si Lucci sa sinabi niya. 

I feel like I'm so special to him.

Saglit pa kaming nagkwentuhan bago namili at nagsukat ng mga damit, halos ilang oras din ang tinagal namin.

"Lucc, we should by a similar color attire," sabi ko habang namimili ng gown na gusto kong idagdag sa bibilhin.

"What color, honey?"

Nakita ko ang pagsiwang ng ngiti kay Raisy dahil sa huling salita ni Lucci. 

"Why don't you both try a white color? For purity?"

Nagkatinginan kami ni Lucci at parehong sumang-ayon. Makalipas ang halos isang oras ay natapos na rin kami sa pamimili. Ang sabi ni Raisy ay ipadadala na lang niya ito sa palace.

"Thank you Raisy, mauuna na kami," bati ko sa kaniya bago pa kami umalis saka ako yumakap.

"Thank you for helping us," its Lucci.

"I'm grateful dahil dinalaw niyo ako and ang shop ko,"sabi ni Raisy. 

"And by the way, you look good together, ingat!" 

Nagkatinginan kami ni Lucc habing paalis, I knew it.

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon