Nanlamig ang buo kong katawan sa aking narinig, higit pa ito sa aking inaasahan.
Akala ko ay sasabihin nilang isa rin silang Miller, pero hindi.
"Ibig sabihin, pamangkin niyo lang ako?" tanong ko ng makabawi na ako sa pagkatulala.
Tumango naman si Papa.
"Ginawa lang naman 'yon ni Pandora para protektahan ka kay Queen Lidell," sabi ni Mama na mukhang pinagtatanggol ang totoong nanay ko.
"Bakit anong meron sa kaniya?" pagtataka ko.
"Nakarating kasi kay Tita Pandora ang balitang papipiliin siya ni Queen Lidell kung ipalalaglag ka ni tita o pwersahan kang papatayin," pagsagot ni Noah.
"Huh? Bakit kailangang gawin 'yon?" tanong ko.
"Nang ipinanganak si Prince Lucci, tatlong taon bago ka ipananganak, nagpatawag ng mage fortune teller si Queen Lidell para ipatanong ang mangyayari bago maging emperor si Prince Lucci, kasama na rin dito ang magiging asawa niya," pagpapatuloy ni Noah.
Hindi ako nagsalita dahil interesado ako sa sasabihin niya.
"At ikaw ang nakita roon Gael, dahil ayaw ng reyna kay Pandora ay gusto niya itong pagbantaan ng malaman niyang ipinagbubuntis ka ng kapatid ko," si Papa.
"Bakit? May nangyari ba sa kanila?" tanong ko.
"Si Duke Caspian Miller, ang totoo mong tatay ay iniibig ni Queen Lidell noon. Kaso ang gusto ni Duke Miller ay ang nanay mo, si Pandora," si Mama.
Ibig sabihin may inggit siya sa totoong nanay ko.
"Ibig sabihin hindi niya talaga mahal si Emperor Cladius?" pagtatanong ko.
"Oo, ang gusto lang niya ay lumuhod ang mga magulang mo sa kaniyang anak," si Papa.
It's hard to understand at first, but when I heard the whole story, it seems very lonely. Lonely to the point that for me to survive is they have to give me away.
"Pero hindi lang 'yon," si Papa ang nagsimula ng bagong usapan.
"Mayroon pa?" tanong ko naman.
"Ang dahilan kung bakit ka ipakakasal sa prinsipe," seryosong pagkakasabi ni Papa.
Come to think of it, pwede naman na nilang baguhin ang mangyayari dahil alam na nila ang mangyayari pero hindi pa rin nila ginawa.
"Si Pandora mismo ang gustong ipakasal ka sa prinsipe, hindi ko alam kung ano ang dahilan pero ang sabi niya sa akin si Empress Zarouhy lang ang may alam ng dahilan," pagpapalawak ni Papa sa kaniyang sinabi.
"Magkaano-ano ba sila?"
"Kung hindi ako nagkakamali ay magkaibigan sila ng empress mula pa noong bago ito ikasal sa emperor, " pagsagot ni Papa.
Siguro eto ang sinasabi ng Empress na kailangan kong pumunta sa kaniya matapos kong malaman ang mga bagay rito.
"Kaya nagkakaganito ang mata ko ay dahil-" pinutol ni Noah ang sasabihin ko.
"Isa kang Miller, kayo lang ang may ganyang kakayahan. It's in your bloodline, being mage."
That is why I experienced Color Change.
"'Pero hindi mo pa kayang kontrolin iyan dahil hindi ka naman nasanay gamitin," si Mama.
Wala naman akong balak gamitin ito gusto ko lang talagang itanong, pero matapos malaman ang lahat ng ito, siguro ay dapat ko ngang gamitin para protektahan ang sarili ko.
Tumayo na ako sa pagkakaupo.
"Thank you Mama, Papa, and Kuya, for being honest to me. Mas naliwanagan na ako ngayon, but I need more answers at sa palagay ko malalaman ko 'yon sa ibang tao," ngumiti ako sa kanila at ganoon din sila.
Alam kong mabigat sa akin sa umpisa, pero nang malaman ko na ang dahilan ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Ayos ka lang ba, Miss?" si Athena.
Sumunod pala siya sa akin sa Garden.
"Oo, salamat. May mga tanong lang ako na gusto kong masagot pa."
"I'm sorry Miss, I know it's a family matter but I still stay in the room," Athena said.
"Okay lang, gusto ko rin na marinig mo 'yon. Sa palagay mo, ano ang pwede kong gawin ngayon?" panghihingi ko sa opinyon niya.
"Maganda sigurong makapagpahinga ka na muna at manatili rito sa saglit na panahon para pag-isipang mabuti ang mga susunod mong gagawin," sabi niya.
"Siguro nga makabubuti 'yon, hindi pwedeng bumalik na lang ako agad-agad ng wala man lang plano at hindi handa," pagsang-ayon ko.
Tama siya pag-iisipan ko munang mabuti ang gagawin ko.
Nabuhayan ako sa gabing ito, naisip ko na bukas na bukas ay mag-iisip ako ng mga pwede kong maging desisyon at aksyon.
Mabilis akong nag-ayos na may sigla ang katawan, ngayong alam ko na ang mga bagay na 'yon mas gumaan ang pakiramdam ko.
Ang una kong dapat na gawin ay alamin ang nakaraang mga alaala ko.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa dining area, andoon na silang apat at inaantay ako.
"Good Morning po!" sabi ko sabay ngiti.
Napawi ang lungkot sa kanilang mga mukha nang makitang okay lang ako.
Kailangan ko munang gumawa ng paraan para maalala ko ang mga nangyari bago ako mapunta sa katawan na ito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
Ficción GeneralFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)