Mahirap nga sigurong umintindi kapag hindi mo ginusto, kapag hindi ka bukas, kapag ginusto mong sarili lang ang unahin.
Naiiyak pa rin ako ngayon. Nandito pa rin kami, nakaharap pa rin ako sa kaniya.
"I'm sorry, I came here para sunduin ka Lucci, Aunt Lidell wants us to go have some tea with her tonight," sabi ni Alicia sa mahinahon na boses.
Alam kong susunod na siya kaya kinalas ko na ang kamay niya sa aking balikat, pero hinawakan naman niya bigla ang kamay ko.
"Are you hungry?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya tiningnan ko siya na puno ng gulat at pagtataka ang mukha ko. Hindi niya pinansin si Alicia?
"Do you want to eat here? Or in my palace?" pagpapatuloy pa niya.
"Lucc," may bahid nang pagtaas ng boses ang pagkakasabi ni Alicia.
"Can you please go alone? Pakisabi na rin kay Mom that I'm busy with my fiancee," sabi ni Lucci kay Alicia.
"But-"
"Alicia! You may go now," ramdam ang awtoridad sa boses niya.
"I'll escort her Lucci," si Athena na kanina pa pala nasa gilid namin pati ang ibang mga maids at butler dito.
"Lana? Can you please tell Halima to prepare dinner for us," si Lucci.
"Opo," sabi ni Lana at agad namang umalis.
"Bakit hindi ka sumunod? Sabi ng Mom mo iyo-" pinigil niya ako sa pagsasalita.
"Ginusto ko 'to, hindi pa kita nakakasama ng ayos mula ng bumalik ka rito. Kahit nga tungkol sa nangyari sa pagpunta mo roon ay wala akong alam maliban sa sinabi ni Athena," pagpapaliwanag niya.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa nga pala kami nag-uusap tungkol doon dahil kung anong problema pa ang nangyari pagdating ko rito.
"Uhm, oo marami akong nalaman tungkol doon... at kung ano naman yung sinabi sa'yo ni Athena iyon din ang nalaman ko," sabi ko naman.
Mamaya lang tinawag na kami para kumain, kaming dalawa lang sa dining area dahil gusto rin naman namin mag-usap tungkol sa m,ga nangyayari.
"Gusto mo bang dumiretso sa Miller? O kahit ipahanap ni Pandora Miller? Ang Mami mo?" sunod-sunod na tanong niya habang kumakain kami.
"Bago ako dumiretso dito sa Estate II ng Marquis nagpunta ako sa main para kausapin si Empress Zarouhy. Ang sabi niya sa akin si Pandora daw ang kusang pupunta sa akin," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Nagkunot noo siya,"Naniwala ka sa kaniya?"
Tumango naman ako,"Pakiramdam ko walang masamang maniwala sa kaniya, kaibigan siya ng nanay ko at mas kilala niya 'yon kaysa sa akin. Ikaw ba? Naniniwala ka sa sinabi ni Athena na may kinalaman ang Mom mo?"
Nagtikom siya ng bibig at ibinaba ang mga kubyertos sa lamesa.
"Sa totoo lang ang hirap maniwala dahil una sa lahat magulang ko siya. Pero alam ko ring walang imposible sa kaniya, she will do anything to win every battle," sumeryoso lalo ang boses niya.
"Lalong-lalo na ito, alam kong hindi siya papayag na hindi ikaw ang susunod na magiging emperor... at na ako ang ipakasal sa'yo," pagpapatuloy ko.
"I will never let that happen, so please, believe in me. I'm trying to solve things lalo na kay Mom. Mas lalo siyang naging greedy at manipulative nitong nagkasama kami ni Alicia sa Forest," dagdag pa niya.
Alam kong mahirap na ang mangyayari sa mga susunod kaya kailangan ko na rin kumilos, lalo't ganito na ang mga nangyayari.
"Malapit na ang birthday mo, anong balak mo?"
"Wala naman, baka umuwi ako ng Olvia para doon na lang magcelebrate, ayoko kasi rito," tugon ko.
"Sige, we'll go there a week before your birthday," sabi niya bago sumubo muli.
"Huh? Kasama ka?" pagtataka ko.
"Yes, I want to celebrate your birthday, last year hindi naging ganoon kasaya dahil sa mga pagbabago sa iyo."
Saglit pa kami nag-usap bago umalis na sa dining area at nagtungo sa labas ng palasyo para maglakad sa maliit na garden sa tabi niyo.
"Ikaw ba ang nag-aayos ng garden?" pagtatanong niya.
Tumango naman ako, "Hindi pa ganoon kaganda dahil kasisimula pa lang naman bago ako umalis papuntang Olvia."
Malamig na ang simoy ng hangin kahit July pa lang naman.
"Don't say that again."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha.
Kahit na ilaw ng buwan at kakarampot na ilaw sa labas ng palasyo ang tumatama sa mukha niya ay kita pa rin ang kakisigan niya. Iyong klase ng kagwapuhan na hinding-hindi mo pagsasawaan.
Hindi man siya laging nakangiti pero angat pa rin ang pagiging gwapo niya.
"Na may mahal na akong iba," tipid niyang dugtong.
"Akala ko kasi iyon ang gusto mong iparati-"
Pinutol niya ang mga salita ko gamit ang matamis at marahas na halik niya, napapikit ako dahil dito.
"I'll get mad if you say that again, I love you my princess and I will stay with you, protect you and support you always," at niyakap niya ako ng kay higpit na parang ayaw na akong pakawalan.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)