Chapter 44: Family

231 8 0
                                    

"Bakit mo naman ginawa 'yon?!" 

Nandito kami ni Athena sa bakuran ng likod bahay ko.

"Gusto ko na kahit papaano ay makita niya ang anak namin," pagpapaliwanag ko.

"Alam ko naman yon, but doing that kind of action is not good. Baka nakakalimutan mo kung sino siya," seryosong sabi ni Athena.

Kinwento ko sa kaniya ang nangyari sa ospital kahapon.

"Sorry. Aaminin ko hindi ako nakapag-isip ng ayos kaya ganoon ang nangyari, kung ano na lang ang pumasok sa utak ko'y iyon ang nilabas ng bibig ko."

She's right, naging padalos dalos ako sa desisyon ko. I cannot put the twins in danger and get in touch with their father that easy. Baka mamaya ay pinapasundan na sila.

"May balita ka ba tungkol sa nangyayari sa Marquiss?" sa aming dalawa, si Athena ang madalas na lumalabas ng bansa para magturo rin sa iba't ibang lugar kapag kinakailangan.

"Wala, ang huling punta ko pa roon ay nung nakaraang taon pa."

Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong insidente sa ospital pero wala pa rin akong balita sa kaniya.

"Mama! You don't have work today?" it's Hermes.

"I took the day off, anak," nakangiti kong sabi sa kaniya.

Gusto ko naman silang mabantayan ngayon, palagi na rin akong wala sa bahay dahil sa trabaho.

"Tutal nandito ka naman sa mga bata, aalis na muna ako para dumalaw sa Xin," pagpapaalam ni Laurus.

Tumango naman ako, "Ilang linggo ka mawawala?"

"Isang linggo lang naman," paninigurado niya.

"Mag-iingat ka."

Nagpaalam ang mga bata kay Laurus bago siya tuluyang umalis. Matagal na rin ang huling bisita niya sa Xin, kaya paniguradong sabik din siyang makauwi.

"Anong gusto niyong gawin ngayon, hmm?" tanong ko sa kambal.

"Let's go out, Ma!" halos magtatalon sa galak si Hermes.

I know how excited they are, bihira lang din kasi kaming umalis sa bahay para mag bonding.

"Sige, tutal at matagal na rin naman ang huling labas niyo ng bahay at bakuran natin."

Agad silang umakyat sa taas para siguro'y magpalit ng damit. I should prepare some things bago kami umalis.

Nang paalis na ako sa sala ay biglang may kumatok sa pintuan. Inisip ko na baka si Athena lang iyon. 

But suddenly, naisip ko rin na nasa trabaho siya ng ganitong oras. Nanlalamig ang mga kamay kong pinihit ang hawakan ng pinto at dahan-dahan na sumilip sa paawang na pinto.

I saw those eyes before, same eyes as my twins.  

"Anong ginagawa mo rito?" I said without even thinking.

Kumunot noo siya, "I told you, pupuntahan ko kayo... that I'll be with you."

Siguro nga ay hindi ako naniniwala sa kaniya noong sinabi niya sakin iyon. That's why I don't feel nervous after that day. 

"I thought... you're not serious about that."

Mas lalo kong nakita ang halong inis at pagtataka sa kaniyang ekspresyon.

"Of course I'm serious. Matagal ko ng alam ang tungkol sa inyo, but I want to give some time for myself to process. Besides, ayoko ring maghimasok ng basta-basta sa buhay niyo."

Magsasalita pa sana ako pero rinig na ang yabag ng paa ng mga bata habang pababa sa hagdanan. 

Sabay silang tumingin sa lalaking nakatayo sa pintuan ng bahay namin, at ganon din ang gulat na tingin ng lalaking ito sa mga anak namin.

Natatarantang lumapit ako sa kambal ko, "Hestia, Hermes, Uhm, why don't you both go to the living room, may kukunin lang muna si Mama before tayo umalis."

Hindi agad sumunod ang kambal at deretso pa rin ang titig sa kanilang ama. Noong tinapik ko lamang sila ay saka pa lang nila ako tinignan at sumunod sa sinabi ko.

Huminga ako ng malalim bago bumaling ng tingin kay Lucci, "Hindi ka nila kilala. I don't have the chance para mapakilala ka sa kanila ng detalyado pero alam naman nila na may Papa sila."

Dahan-dahan siyang tumango at hindi pa rin makapag-salita.

"Pero base sa tingin nilang dalawa sayo, I know they have a hint about your identity."

"Yeah, the way they look at me. There's something," hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.

"Why don't you come in? Let's properly introduce you to our twins, I'm sure they've been waiting for this day to come," alam kong mahirap, pero kailangan. 

Pumasok na siya sa bahay, tahimik at maingat ang paggalaw niya habang papalapit kami sa kambal. Ang dalawa naman ay tahimik lang na naka upo sa sofa. 

Umupo ako sa gilid nila, nanatili namang nakatayo sa gilid ko si Lucci. 

"Babies? This is Lucci, your Papa," pagbungad ko.

Kita ang kumpirmasyon sa mukha nila. Ramdam na nila pero hinantay pa rin nilang kumpirmahin namin.

Lumuhod si Lucci sa harap nilang dalawa at hinawakan ang tig-isang kamay ng kambal. 

Agad na nangilid ang luha ni Lucci, "Hey, how are you? I'm sorry, I'm too late... but I hope you can still give me a chance to be your Father? Papa?"

Hestia was a crybaby ever since, kaya ito at umiiyak na rin siya. Niyakap niya si Lucci at ganoon din ang ginawa nito sa kaniya. 

Tinignan naman ako ni Hermes, kita ang lungkot sa mga mata niya. Nang ngumiti na ako ay saka pa lang niya niyakap ang Papa nila.

Seeing them together like this, makes me melt. I never imagine this day will come, na nandito siya kasama namin, sa simpleng lugar na pinangarap ko. 

My tears began to fall as I think about the hardship that I've been through. It's a tough fight but I still survive at raise my too children, it's worth it.

Tinignan ako ni Lucci bago niya ako hatakin palapit sa kanilang magaama.

"Thank you, for raising them. Salamat at hindi ka sumuko. Nandito na ako, dito na ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon