Two days ago since I got back from the Empress Palace, natutuyot na ko sa malaking palasyo na to. That's why I decided to go somewhere today. Kanina ko pa kinukulit itong si Sofia na samahan ako sa Marquiss Town.
"Sige na kasi Sofia, hindi naman nila malalaman," I look like a child who's desperate to buy a toy.
"Lady hindi nga pupuwede, mapapagalitan ako at lalo ka na pag nalaman ni Prince Lucci," sabi niya.
"Saglit lang naman, di naman magtataka mga yon, please!" pangungulit ko.
In the end, pumayag din naman siya. But sad news kailangan kaming samahan ni Sir Aceso and Sir Zeus. Di naman na ko tumanggi kesa naman hindi ako makaalis.
"Can we wear something na hindi ganong revealing?" I ask.
"Like what lady?" its Zeus.
"Something that you won't easily recognize, I mean kilala kayo rito I'm sure that some people will ask or curious kung sino ako," tuloy-tuloy na paliwanag ko.
"We can introduce you as the fiancee of Lucci, Lady." Mukha bang gusto ko yon?!
"No thanks," sabi ko sa sarkastikong tono, bahagya naman siyang tumawa.
"Sige we will wear something-" pinutol ko ang dapat niyang sabihin sana.
"A wig will do, and medyo wag sana formal masyado ang damit niyo? Also, makikilala pa rin kayo sa coat niyo na yan," sabay turo ko sa crest ng guild nila na naka burda.
Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko. In just 20 minutes tapos na sila magbihis, they look hunk, may mga ibubuga. Inabot ng one and a half hour ang byahe namin, dahil nga kabayo ang nagpapagana nito may kabagalan pa rin hindi tulad ng bus na saglit lang makakarating ka na sa pupuntahan mo.
"Sofia may alam ka ba na kilalang boutique dito?" tanong ko habang naglalakad na kami para maglibot-libot. Nakasunod naman sa amin sila Sir Zeus and Sir Aceso.
"Puwede ka namang magpasukat na lang sa palasyo," its Zeus.
May kadaldalan ding taglay ang bunganga ng isang to.
"Gusto ko yung gawa na, tsaka mas nakakatuwang pumunta sa mga boutique nagkakaroon ka ng ideas sa mga gowns, madaming pagpipilian." Tumahimik na lang si Zeus.
Then Sofia lead the way to a boutique named "Raisy Boutique." Her designs are full of inspiration, yung parang laging may pinaghuhugutan, ang pulido rin ng bawal butil ng alahas na nilalagay niya rito.
"May I help you Miss?" The lady ask, she's gorgeous, kung nasa Pilipinas ito, pagkakamalan tong tsinita.
"Uhm, wala naman, ang gaganda kasi ng bawat detalye ng gowns," sabi ko ng medyo nag-aalangan.
"Want to try Miss?" tumango ako saka ngumiti.
When I was a kid, I dream on wearing so many gowns, dahil siguro sa kakabasa ko ng mga fairytales noon. I tried all that I think will fit on me. Madami kaming pinag-usapan ni Raisy, the owner of this boutique. Ang daming chika ni Raisy hindi na nga ata natapos.
"Safia let's go to the market, I think you would like the street dessert there," she's talking to me. Hindi muna ko magpapakilala sa ngayon, saka na siguro.
"Sige ba, maaga pa naman," sabi ko.
Maigsing lakaran lang ang ginawa namin para makarating sa market, sobrang daming stalls sa bawat gilid, ang dami ring iba't ibang street foodams, may mga mukhang biko pero hindi raw biko yon its "comida" ang sosyal. Marami-rami rin kaming nakain. Nakikisama na rin sa kuwentuhan sila Sofia, Sir Zeus and Sir Aceso. Namiss ko tuloy si Mirai ganito rin kami tuwing maaga ang uwian bibili muna ng street foods sa labas ng school.
After 2 hours bumalik na kami sa Boutique ni Raisy. Naglalakad pa lang kami ay may naaninaw na kong malaking lalaki na kayang padilimin ang buong kalangitan dahil sa itim na itim na mata niya. Mukhang sasabog sa galit.
"Masyado naman ata kayong nasayahan at wala na kayong balak umuwi," umihip ang malakas na hangin kasabay ng malamig na tonong pagkakabigkas ni Lucci, I hate this.
Hindi ako nakapag salita, naiinis pa rin ako sa kaniya, bwiset!
"We're about to go back Lucc-" pagsasalita ni Sir Zeus.
"When? Mamaya? Kapag pasinag na ulit yung araw?" etsosera naman nito.
"Eksahirada mo naman," pagkasabi ko ng hindi nag-iisip.
"What did you just say?" Okay, medyo tumaas na ang boses niya.
"Uhm, Safia diba he's the Crown Prince? Pano mo siya nakilala?" singit ni Raisy.
"Wow! What a nice name you have, Safia." The hell! Pati ba naman yon narinig niya.
"Raisy, yaya kasi talaga ko ni Prince Lucci pasensya ka na ha, rest day ko kasi talaga dapat kaso kinulang ng tao sa palasyo kaya galit ngayon iyan. Yung mga damit papakuha ko na lang kay Sofia bukas no, para kasi yon sa prinsesa ako na alng pinapunta niya rito para magsukat, thank you ha," pagkasabi ko non may agad na pumasong na sa kaniyang boutique ni Raisy.
"And now your a maid?" sarkastikong pagkakasabi niya.
"Bakit ka ba nandito?" pagalit pero malumanay kong tanong, ngayon ko lang napansin na kasama pala niya si Miss Athena.
"Wala ba kong karapatan, Safia?" sabay ngisi ng bwiset.
"Tara na Sir Zeus mauna na tayo," pagkasabi ko non ay nagsimula na akong maglakad.
Bago ko siya lagpasan ay hinawakan niya ang kanang braso ko, huminto naman ako at tiningnan siya. Hindi ako magpupumiglas dahil ayokong masaktan.
Tinaasan niya ko ng kilay,"And where do you think your going?"
"Hindi mo ba ko narinig? Ang sabi ko babalik na kasi sa palasyo," pagsabi ko ng may diin.
"Your coming with me lady," sabay hila sakin ng bugok.
Pinauna muna niya ko bago siya pumasok sa loob, umupo siya sa tapat ko saka ipinatong ang kaliwang binti sa kanan. Agad na umandar ang karwahe, I wish meron ng kotse sa panahon na to para saglit lang ang byahe.
Tahimik ang kapaligiran at tanging yapak lang ng kabayo ang maingay kung hindi lang niya sinira.
"So Safia," he started.
"Can you stop calling me that," medyo inis na ko.
"Why? You use that name to introduce yourself to a mere commoner," Lucci said.
"She's not a mere commoner, she's a princess from Xin," sabay irap ko sa kaniya pagkasabi, kairita.
"Like I care," at may gana pa siyang sabihin yon.
"Just wow huh, ewan ko sayo ang hirap mo kausap," mas okay na to para tumahimik na rin siya.
Akala ko di na dadada ang bakulaw, "You came to the Empress Palace two days ago," pagsisimula niya.
"Ano pinag-usapan niyo?" he ask in a serious tone.
"May pagka stalker ka pala, next time isasama na lang kita," kinuyom niya nag kaniyang kamay.
"If you think na nagpaplano kami kung pano ka patalsikin o patayin, you got the wrong idea sir. Hindi ako ganong tao," then I look at him.
"Kung ganoon, bakit ka pumayag sa engagement proposal niya na to?" he ask again.
Tumigil na ang karwahe hudyat na nandito na kami, binuksan na ni Zeus ang pinto ngunit alam ko na naghahantay ng sagot si Lucci.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito sa totoo lang, bakit kasama kita, kung bakit may pamilya ako rito, at kung bakit ako nadrag sa engagement proposal na yan. Kung gusto mo, pwede pa namang hindi matuloy yon tutal hindi pa naman alam ng lahat ang tungkol dito. Kung yan ang pinuputok ng kalamnan mo edi sige huwag na ituloy, let's stop this nonsense."
Pagkasabi ko niyo ay agad na rin akong lumabas ng sinasakyan namin at dumeretso sa loob. Nakakawala sa mood, aakyat na sana ko para dumeretso sa kwarto pero may kung sino mang humila ng baywang ko gamit ang lasong nakatali sa likod ng suot ko.
"Let's talk," sabi niya sa tapat ng tainga ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)