Lumabas kami ng kwarto ko ng puno ako ng kaba at takot. Kaba sa kung ano ang maaaring mangyari at takot sa kung ano ang pwede kong malaman.
Kailangan ko si Athena. I need someone who can help me decide after this. Alam kong andaming pwedeng posibilidad sa lahat ng problema, pero ang sa akin limitado lang kaya mas madali kong malalaman ang totoo.
Dumiretso na kami agad sa dining area. Marami ang naging tanong ni Papa at Mama tungkol sa Marquis at kung kamusta ako.
Matapos ang hapunan ay nasa living room kami, alam kong ramdam nila ang tension sa pagitan naman ngayon kumpara sa kaninang pagdating ko at sa hapunan.
Nasa harap ko ngayon sila Mama at Papa, habang si Athena naman ay nakatayo sa gilid ng sofang inuupuan ko, at si kuya Noah ay nasa harap ng bintana.
"Ano ang dahilan ng biglaan mong pagbisita?" tanong ni Papa.
"Bago ako tumuloy sa pakay ko, gusto ko muna kayong i-congratulate. Congratulation for ascending as the Duke and Duchess of Olvia," I do courtesy to pay respect to them.
Tahimik at seryoso pa rin ang mukha nilang dalawa at halatang nangangamba sa kung ano ang pwede kong sabihin.
"Pumunta ako rito para personal kayong tanungin tungkol sa isang bagay."
Biglang lumingon sa akin si kuya Noah at mukhang napukaw ang atensyon niya kaya umupo na siya sa kanang sofa malapit sa akin.
"Ano 'yon?" tanong ni Mama.
"Noong isang araw, galing kami ni Lucci sa Marquis town para makapaglibot, nagkaroon kami ng encounter ni Queen Lidell," pagkasabi ko sa dalawang huling salita ay kita ang gulat sa mga mata nila.
"Nagkasagutan kami dahil galit siya sa pagbitbit ko kay Lucci sa local market."
"Bakit mo naman siya sinagot?" si Papa na pansin ang bahid ng galit at pagaalala sa tono.
"Minaliit niya ang mga normal na tao, ang mga taong walang titulo ng pagiging marangya at pati ako, pinagsalitaan niya ng masama!" may bahid na ng pagkainis ang mga salita ko dahil naalala ko na naman ang nangyari.
"Kumalma ka muna Gael," si Mama na tumabi na sa akin at kinakalma ako.
"Hindi lang 'yon ang nangyari, nakita ni Lucci na nagiba ang kulay ng mata ko."
Kita ang pamumutla nila Mama at Papa, pati ang gulat sa mukha ni Kuya Noah.
"Nanggalit na galit na ako kay Queen Lidell, naging oval blue sapphire ang mata ko," pagpapatuloy ko.
Wala pa ring nagsalita sa kanila kaya pinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko.
"Sabi ni Lucci Color Change ang tawag 'don, at hindi kung sino-sino lang ang nakakagawa ng ganoon."
Ramdam ko na ang mas bumibigat na tensyon sa amin pero hindi ako magpapatinag dahil doon.
"Millers, sila lang ang nakagagawa ng ganoon, tama ba ako Papa?" tanong ko sa kaniya.
Nagtaas siya ng tingin sa akin at halata pa rin ang nerbyos.
"Morgaile-" hindi alam ni Papa kung ano ang sasabihin niya.
"I think its time for her to know, Father," its Noah.
"Father? A-anong hindi ko alam?" mas lalo akong nalito sa pangyayari.
I look at Mama and she's crying beside me.
"Ano bang nangyayari? Baka pwede niyo namang sabihin sa akin?" naiiyak na rin ako dahil wala na akong alam sa nangyayari.
"Isang gabi, 20 years ago kinausap ako ng kapatid kong si Pandora. May dala siyang sanggol na halos kapapanganak lang. Pinakiusapan niya akong alagaan ko ito at ituring kong anak ko," pagkekwento ni Papa.
Naguguluhan pa rin ako at parang may hinahanap pa akong salita mula sa kanila.
"At ang batang ito ay ikaw Morgaile."
Matapos na sabihin ito ni Papa ay nawalan ako ng lakas at kusang ubagos ang luha sa mga mata ko.
"Ang sabi ni Pandora ito lang daw ang paraan para maprotektahan ka," tumayo si Papa para tumabi sa akin at aluin ako.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" halos hindi ko mabanggit ang mga salita.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo ang mga ito, iniisip ko na baka iwan mo kami ng Mama mo, na baka kung saan ka pumunta at hanapin ang magulang mo," si Papa.
Lumuhod sa harap ko si Noah at hinawakan ang kamay ko, mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.
"Ako... ang totoong anak ng mga Olvia. Ikaw anak ka ng mga Miller," pagsasabi niya sa akin habang tinitignan ako.
Una pa lang ay nagtaka na ako kung bakit walang magulang si Noah at sa amin nakatira. Pero mali pala, ako pala ang walang totoong magulang sa tabi.
Nang medyo kumalma na ako ay si Mama naman ang inalo ni Papa, naupo sila sa harap na sofa habang si Noah naman ay naupo sa tabi ko at hinihimas ang likod ko habang hawak ang isa kong kamay.
"Gusto ko pang malaman, kung bakit ako pinamigay ni Pandora... at kung sino siya," sabi ko kay Papa.
"Si Pandora Miller, ang Duchess ng Miller country ang nanay mo."
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)