Apat na taon na ang nakalipas simula ng maging simple ang pamumuhay na mayroon ang pamilya ko. Tahimik na pamumuhay kasama ang kambal ko.
Ngunit hindi ko alam na hahantong pa lang muli sa oras na ito. Na puno ng takot at pangamba ang sistema kong muli. Na babalik siyang muli sa buhay ko.
Nasa loob na kami ngayon ng bahay. Si Hestia at Hermes ay nasa sala at naglalaro, ako naman ay nasa kusina kaharap si Sir Zeus sa lamesa.
"Matagal na ka nang pinapahanap ni Lucci," tipid at seryoso niyang boses.
Tumango naman ako,"Para saan pa?"
He didn't answer immediately, halos limang minuto ang nakalipas bago siya nakasagot.
"Ever since you left, he never feel at ease. Laging tulala at iniisip kung ano na ang nangyari sayo," pagpapaliwanag ni Zeus.
Walang gana ko siyang tiningnan,"I don't see your point, Sir. Umalis ako ng Marquiss na hindi man lang niya ako pinuntahan o kinausap, tapos ngayon sasabihin mo sa akin na miserable siya?"
Kita sa mga mata niya na hindi rin niya alam kung paano ipaliliwanag ang lahat.
"Kahit ako ay nalilito rin, Lady Morgaile. A month after you left, inutusan na niya akong hanapin kayo ni Athena. Nalibot na namin ang buong Crusen sa nagdaang mga taon at Miller na lang ang hindi dahil sa matinding seguridad dito," pagpapaliwanag niya.
Tahimik lamang akong nakinig, walang imik.
"Nang makapasok na kami rito, hindi naging ganoon kadali ang paghahanap namin. Until we reached this last part of this country, that was our last hope," mahinahon ngunit makabuluhang pagpapahiwatig niya sa akin.
"Are you with him?" tanging nasabi ko na lang.
Dahan-dahan siyang tumango sa akin.
I don't know what to feel. Dapat ba akong matakot sa impormasyong ibinigay sa akin? Ewan ko rin.
"But I'm not gonna tell him."
Gulat ko siyang tinignan,"Huh?"
"I want him... to see your situation by himself," ngumiti si Zeus sa akin.
Instantly, I knew what he means... my twins.
"Thank you, Sir Zeus. I know its tough, sa apat na panahon na ginugol niyo para mahanap ako."
Tumayo ako dahil kita ko nang papunta sa akin ang kambal.
"But I-"
"We have no business with him anymore. Lalo na't pagkatapos ang lahat ng nangyari," pagpapatuloy sa naudlot kong sasabihin.
Tumango-tango naman siya sa akin at dahan-dahan na ring tumayo.
"I understand, mauuna na ako, Lady Morgaile," nginitian ni Sir Zeus ang dalawa kong anak.
"Mag-ingat po kayo," mahinahon na sabi ni Hestia.
"Ihahatid ko muna palabas si Sir Zeus, dito muna kayo sa loob ng bahay," agaran namang tumango ang dalawa at bumalik sa kanilang paglalaro.
Hinatid ko si Zeus sa labas ng bahay, agad siyang nagpaalam dahil baka raw hinahanap na siya ni Lucci.
Papasok na dapat ako sa bahay nang matanaw ko si Athena na tumatakbo papunta sa akin.
"Mor!" sigaw nito.
"Bakit? Anong nangyari?" kabado kong tanong.
"Pinuntahan ako ni Lucci, hinahanap ka sa akin," hingal niyang panimula.
"Galing din dito si Sir Zeus, at nakita niya ang mga bata."
Gulat niya akong tinignan at hindi na niya matuloy pa ang gustong sabihin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)