I must say that it was a long day, matapos ng usapan namin na 'yon ay umalis na rin siya. Pumasok na rin naman agad ako para pumasok sa kwarto ko, I really want to sleep!
Parang saglit lang ang nakalipas umaga na naman, sa totoo lang late na rin ako nagising, nakakamiss din pala 'yung ganto late ka gigising late ka babangon tapos pagagalitan pa, namiss ko tuloy si Mama, kumusta na kaya siya.
Naghanap ako ng damit na gusto kong isuot ngayon. Pinili ko ang lagpas lang ng kaonti sa tuhod na white dress, ayoko na magsuot ng mga gowns, ang bibigat. Pagkapili ko nito isinuot ko na rin agad pati ang white heels na napili ko.
Pagkalabas ko ay tumungo na agad ako papuntang dining area para kumain na rin. Nahagilap ng mata ko ang isang babaeng nakatayo malapit sa may entrance ng palasyong tinutuluyan ko, pagkatingin ko sa kaniya ay pansin agad ang malawak na ngiti na binibitawan niya sa akin. May katandaan na rin ng kaonti ang babae, siguro mga nasa edad 40 na siya.
Lumapit ako sa kaniya upang tanungin siya, "May kailangan po kayo rito?"
Pansin ko ang hindi matinag na ngiti sa kaniyang mga labi, inisip ko rin na baka hindi niya ako narinig kaya lumapit ako ng bahagya.
"Pagbutihin mo pa ang pananatili mo rito," sabi ng babae sa akin.
"Miss Mor," tawag sakin ni Sofia mula sa likod ko kaya ko siya nilingon.
"Kain na po," pagpapatuloy niya.
Tumango naman ako, bago ako sumunod ay lumingon ako pabalik sa babaeng nakatayo kanina. But when I look back she's gone. I really don't want to think about her but what she just said earlier keeps echoing in me.
Tinanong ko naman si Sofi kung may nakita ba siya pero ang sabi niya mag-isa lang daw ako.
Lumabas ako para maglakad, hindi naman ganoon kataas ang sikat ng araw at isa pa, hindi naman mainit dito, para tuloy akong nasa ibang bansa ang datingan.
Sa sobrang libang ko sa paglalakad napunta ako sa isang river, pansin ko na medyo malayo siya sa palasyo na tinutuluyan ko, pero sinugurado ko naman na tanaw ko pa rin 'yon para alam ko ang pabalik.
Lumapit pa ako ng kaonti sa bukana ng ilog, may mga fishing rods na nasa gilid ng isang hindi kalakihang bangka, mukhang ginagamit ito ng mga taga palasyo.
Nagsimula na akong maglakad sa maliit na bantilan patungo sa bangka, gusto kong lubutin ang ilog. Mukhang napaka ganda ng pag-aalaga rito dahil napakalinis hindi lang ng paligid kundi pati na rin ang mismong ilog makikita ang mga ulap gamit ito.
Dumungaw ako sa may dulo ng bantilan at pansin na rito ang maraming grupo ng isda. Nakakatuwa tuloy silang panoorin. Naisipan kong sumakay sa bangka tutal mayroon naman akong experience sa paggamit nito, dahil dati noong nagcamping kami sa isang lugar malapit sa dagat tinuruan kaming magpaandar ng bangka.
Buti na lang at hindi ako nagsuot ng gown kung hindi baka mahirapan pa ako sa pagsakay sa bangkang 'to. Pagkatapak ng dalawang paa ko sa loob ng bangka ay sinubukan ko ng umupo sa tabla na nandoon.
Hinawakan ko na ang pang sagwan, nang magsimula na akong magsagwan ay naramdaman ko ang pagtagilid ng bangkang sinasakyan ko.
Parang slow motion ang pagtaob ng bangka kasama na rin ang pagkahulog ko sa ilog. Sinusubukan kong tumapak sa lupa ng ilog ngunit hindi ko magawa, isang senyales na malalim ang ilog na 'to.
Pag-angat ko sa tubig ay nauntog ako kaya sa sakit nito ay bumagsak ulit ako sa tubig, ngunit naramdaman ko na may humawak sa aking baywang at ulo. Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam, basta pagmulat ko ng mata ko ay may lalaking basang-basa sa harap ko.
"Ayos ka lang?" medyo hingal na tanong niya sakin.
Tango lang ang tanging naisagot ko sa kaniya.
"Uhm, nilalamig ka na ba? Saglit lang," wika pa nito saka tumayo at kumuha ng isang malaking tela mula sa basket na medyo may kalayuan sa amin.
Agad niya itong ibinalot sa akin. Nanatili siyang nakaluhod at nakaharap sa akin.
"Ayos ka na ba talaga? Mukhang gulat ka pa rin sa nangyari, ang ulo mo ayos lang ba? Nauntog ka kasi sa gilid ng bangka noong sinubukan mong umahon," pagtutuloy tuloy niya.
"Oka-" natigil ako ng biglang may humagit sakin at dahan-dahan akong tinayo.
"She's fine now, thank you," it was Lucci.
Pansin ko ang pagkagulantang sa mata ng lalaki.
Umalis na rin kami agad doon at bumalik sa palasyo para makaligo at makapag palitna ako. Si Lucci? Ayon ang dilim ng aura.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)