Chapter 28: More

206 10 0
                                    

Umalis na agad ang karwahe namin sa Tau matapos ang narinig ko sa kainan.

Ilang akong kinausap ni Athena.

"Naghanap po ata ng ipapalit sa akin si Lucci kaya inimbitahan ni Queen Lidell si Lady Alicia na sumama, tutal maalam naman daw po siya sa magic at sumasama rin sa iba't ibang labanan," pagpapaliwanag niya.

Hindi niya kasalanan ang nangyari dahil hindi naman siya ang nagdesisyon nito.

"'Wag kang magalala Athena, wala kang kasalanan," ngumiti ako sa kaniya.

Nakarating kami sa Marquis Capital bandang hapon na. Higit isang oras pa bago kami makarating sa loob ng Marquiss Estate II, kung saan nandoon ang palasyong tinutuluyan ko.

Halos papalubog na ang araw ng makapasok kami sa Marquis Estate I at naisipan ko ring pumunta na muna sa empress, doon na ako magpapalipas oras bago bumalik sa palasyo.

"Athena, ibaba na lang ako sa Amethyst Palace," paguutos ko.

"Hindi ka na muna babalik sa Morganite Palace?" pagtataka niya.

"Oo, sunduin mo na lang ako mamayang mga bandang 7 ng gabi," sabi ko.

"Masusunod Miss. Ipaaayos ko na rin ang mga damit mo at iba mong gamit," pahabol niya.

Tumango naman ako.

"Pumunta ka na rin muna sa Moonstone Palace, tignan mo kung ano ang lagay doon," paguutos ko muli sa kaniya.

Agad naman siyang sumang-ayon.

At nang nasa tapat na kami ng Amethyst Palace ay bumaba na ako. Dumiretso na ako sa gate at agad naman akong pinapasok at sinalubong ng empress sa pinto niya.

"Greetings Empress Zarouhy," I gave her a perfect courtesy.

"Kararating mo lang?" tanong naman niya sa akin bago ako yakapin.

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.

"Let's go inside and drink some fresh tea, makapagpahinga ka na muna rin," sabi niya sa akin.

Dumiretso naman kami agad sa balcony ng second floor ng palace at doon kami naupo.

"Kumusta ang pagpunta mo sa Olvia?" tanong niya sa akin habang sinasalinan ang tasa ko.

"Ayos naman po, marami rin akong nalaman pero marami rin akong tanong," sabi ko.

Kinwento ko sa kaniya ang mga nalaman ko kay Mama at Papa at mukhang alam niya ang tungkol doon base sa ekspresyon niyang walang kagulat-gulat.

"Ano pa ang gusto mong malaman, hija?" tanong niya sa akin.

"Marami po akong tanong, pero uunahin ko na po ang mahahalagang tanong. Bakit ako ang pinili mong ipakasal kay Prince Lucci kung pinipilit akong ilayo kay Queen Lidell?" panimula ko.

Tumikim muna siya ng tsaa bago magsalita.

"Ang mami mo, si Pandora. Siya mismo ang may gustong ipakasal ka, ako rin mismo ay naguluhan sa plano niya, pero ng marinig ko na ang dahilan ay naliwanagan din naman ako."

"Gusto ka niyang ipakasal dahil ito dapat ang mangyayari, tulad ng sinabi mo sa akin kanina ay nakita nga ni Lidell na ikaw ang pakakasalan ni Lucci. Ayaw tanggalin sayo ni Pandora ang kapalaran mo, kaya sa akin siya nagpatulong," pag sagot niya sa akin.

"Pero di'ba po hindi ko naman mahal si Lucci noong una?" tanong ko pa ulit.

"Ang sabi sa hula noon, nagmahalan kayong dalawa, doon talaga nagsimula lahat," sagot naman niya.

"Empress, wala akong natatandaan sa past ko, sa pagkabata ko. Pero alam mo po ba kung nagkita na kami noon?" pagtataka ko.

"Madalas kayong magkasama noon, mula pagkabata ay nagkikita na kayo. Pero isang araw nagbago ka, hindi mo na siya gustong kasama at nagbago na rin ang ugali mo. Nagalit sayo si Lucci noon at ng sinabi ko na ikaw ang pipiliin kong ipakasal ay nagalit siya sa akin. Kung hindi ka nga lang nagkasakit noon, nung ilang araw kang nakahiga lang ay baka hindi nagbago ang isip niya," Empress.

Hindi ko alam kung ano ang maaari kong maramdaman, dahil hindi ko naman matandaan ang nakaraan.

"Sabi ni Pandora, wondering soul daw ang nasa katawan mo noon, bago ka mapunta sa kabilang mundo," si Empress.

Gulat ako sa sinabi niya, ibig sabihin alam niyang galling ako doon?

"Alam mo po?" halos mautal akong sinasabi sa kaniya 'to.

"Oo, noong una ay hindi ako naniniwala sa sinabi ng magulang mo, pero ng ipakita ka niya sa akin sa anyong normal na babae sa kabilang mundo ay nagulat din ako," kita ang pagkabahala sa mukha niya.

"Pero paano ako napunta doon? Ibig bang sabihin taga rito talaga ako?" mas lalo akong gulo ngayon.

"Isa lang ang ibig sabihin Morgaile, taga rito ka talaga, pero ang hindi ko alam ay kung paano ka napunta sa kabilang mundo," pagpapaliwanag ng Empress.

Saglit lang ay sinabi ng isa sa mga servant na nasa baba na ang sundo ko.

Nasa may labas na kami ng pinto at pinagbuksan na ako ni Athena para makasakay sa karwahe.

"Hija, ang nanay mo ang makapagsasabi sayo ng tungkol dito. Sa ngayon magpahinga ka at 'wag mo munang isipin pa ito. Darating si Pandora, sasabihin niya sa'yo ang lahat, maghintay ka lang," ngumiti sa akin ang Empress.

Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Gumaan ang loob ko, siguro ay tama siya, maghihintay ako sa pagdating ng magulang ko, naniniwala akong handa silang magpaliwanag sa akin.

"Miss, okay ka na ba?" tanong sa akin ni Athena habang nasa byahe kami pabalik sa palasyo ko.

"Oo, mas okay na. Kumusta nga pala ang Moonstone?" sumeryoso ang boses ko.

Hindi ko pwedeng makalimutan na andoon pa si Alicia.

"Dumalaw po ako oras na matapos na ibaba ang mga gamit mo, nandoon pa si Lady Alicia at nagpapagaling. Sabi ay nakatamo raw siya ng mga sugat sa nangyari... at personal na inaalagaan ni Lucci," sabi niya.

Ngumisi ako ng may bahid ng inis.

"Pero nasabi ko naman na sa kaniya ang mga nangyari, Miss," dugtong pa niya.

Yumuko ako saglit.

"Personal? Kailan pa nagkulang ng tao sa Moonstone Palace? At kailan pa naging tanggapan ng may sakit ang palasyo niya? I think he need more servant," I smirked. 

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon