We've arrived after a couple of hours after we left my palace. It's still morning and I'm already exhausted.
Maybe because I've seen that a lot of problems and revelation might happen soon.
Pinapasok na kami agad at pinatatawag na rin ako para dumiretso sa work place ng Empress.
"Athena, you can accompany me inside the office, mas okay na rin yon."
There is something in me na gusto ko ng makakasama, para sa kung ano man ang mangyari may taong nasa tabi ko, lalo ngayong wala si Lucci.
Pagpasok pa lang namin ay tumambad na ang napakaraming papeles, mukhang marami siyang inaasikaso nitong nakakaraan.
"I'm sorry, I know it's really messy here pero kailangan lang talaga kita makausap," its her majesty.
"Greetings Empress," I bow as I say this words.
"Oh! It's good to see you Athena, look at you all grown up," it feels like the Empress is reminiscing.
"Your Majesty, it's been a while," nahihiyang pagkakasabi ni Athena.
"Pasensya ka na Morgaile, ngayon ko na lang kasi ulit siya nakita, since 10 years old siya."
The Empress looks so very happy to see Athena again.
"You may sit down, both of you," the Empress back to her serious face and tone.
"May I know what's the matter?" I asked.
"Nabalitaan ko kasing ba balik ka muna sa Olvia, and it concerns me. May problema ba rito?" Empress asked with sincerity.
"Uhm. Wala naman pong problema sa tinutuluyan ko, personal problem lang po."
"It this about... your eyes?" she hesitated to ask.
"Opo, gusto ko lang pong maliwanagan kung ano ba talaga ang dahilan."
"Your father knows something so go look for him, and once your done go look for me," the Empress.
"Thank you so much your majesty," I said.
"Saka nga pala, when you returned, is it okay kung ayusin na natin ang wedding niyo? It will be held by October kaya kailangan na nating ayusin, lalo na ang susuotin niyo," mukhang pagod na siya sa pag-aayos ng mga iyon.
"Opo, I will help you after this," I smiled at her.
"I'll help also, Madam," it was Athena.
Saglit lang din kaming nag-usap pa dahil kailangan na namin umalis. Aabot din ng isang buong araw ang pagbyahe namin pabalik sa Olvia.
Mula kasi sa Marquis tatlo ang pwede naming daanan, ang isa ay sa gubat sa pagitan ng Miller at Olvia, pangalawa naman ay dadaan muna kami ng Tau papuntang Ratz at Godu bago ang Olvia.
Pero ang pang huli ang pipiliin namin, dahil sa Marquis Estate na kami manggagaling ay sa West Gate kami dadaan papuntang Celes saka Godu at saka pa lang Olvia.
Isa sa dulong bansa ang Olvia kaya kung titignan sa mapa masyado talagang malayo sa Capital.
"Miss? Do you want to stop in the town of Celes?" Athena asked.
Medyo malapit na rin naman kami sa market place ng Celes, saka hindi ko pa nalilibot ang lugar na ito.
"Sige, dito na lang din tayo mananghalian."
Kakaiba ang lugar ng Celes, pansin mo agad ito dahil sa dami ng bulaklak na meron dito, parng lahat na lang ata ng mga gusali pati bahay ay puno ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak.
"Ang Celes ang pinagmumulan ng mga bulaklak na binebenta sa Marquis. Ang lupa kasi nila ang pinaka matabang lupa sa buong Crusen, kaya kahit anong itanim mo rito ay tutubo at lalago," pagpapaliwanag ni Athena.
Napansin siguro niya ang pagkakatitig ko sa mga bulaklak sa paligid.
"Edi ibig sabihin pati ang mga gulay at prutas pwede rin?" tanong ko.
"Yes Miss, kaso nga lang ang Tau na ang may ganoon negosyo, mataba rin kasi ang lupa sa lugar nila at mas malawak ang lugar nila para makapag provide ng malaking taniman."
Nagkwentuhan pa kami saglit bago kumain sa isang restaurant ng tanghalian.
"Mga anong oras sila umalis Athena?" tanong ko habang kumakain.
"Bago pa lang sumikat ang araw ay nagmadali na silang umalis, kailangan daw kasi ay bago maggabi ay makarating na sila roon para hindi na raw kumalat ang mga iyon."
Masyado sigurong grabe ang pinsala ang nagawa ng mga halimaw na 'yon.
Palabas na kami ng lugar ng may tumawag sa amin.
"Lady Morgaile!" sabi ng isang dalagang mukhang kaedad ko lang.
Maganda siya, maputla ang balat, maganda ang labi, kulay pula at straight ang buhok na hanggang beywang niya.
Agad na humarang sa harap ko si Athena para protektahan ako, pero sa palagay ko naman ay hindi siya masamang tao kaya tinapik ko si Athena sa balikat upang ipahiwatig ito.
"Paano mo ako nakilala?" tanong ko nama sa kaniya.
"I'm sorry for being disrespectful. Greetings Princess Morgaile, I am Lana Celes, 13th daughter of Duke Arthur Celes."
"Grabe ang dami niyo namang magkakapatid," gulat kong pagkakasabi.
"I want to ask you a favor, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Lana.
Hindi ko naman gugustuhing tumanggi dahil mukhang mahala at seryoso ang gusto niyang sabihin sa akin.
Agad akong tumango at umalis kami sa lugar na iyon. Nagpunta kami sa hindi kalayuan pero eskinitang daanan.
Pagkapasok sa amin ay tumambad ang mga maliliit na bahay na pinagtitirhan ng mga walang kakayahan sa buhay.
"Dito ka nakatira?" tanong ko sa dalaga.
"Opo, at gusto ko po sanang maging isa sa katulong mo sa palasyo," sabi ni Lana.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)