Chapter 26: Me

242 11 0
                                    

"Ano ba talaga ang hinahanap mo Gael?" tanong ni Mama sa akin.

Nasa stock room kami ngayon, baka kasi may mga sentimental items dito na makakatulong sa akin.

"Mama, di'ba sabi ko sayo wala akong matandaan muna noong araw na matagal akong nakatulog. Baka may makatulong sa akin ditong makaalala," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Miss, sobrang daming gamit dito," sabi ni Athena habang hinahawakan ang lumang pink na bike na mukhang akin noon.

Sinubukan kong hawakan ang bike pero wala akong naramdaman na kakaiba o espesyal mula rito.

Halos tatlong oras kaming nandoon at wala pa ring nangyayari.

"Tara muna't magpahinga sa labas," si Papa na pinuntahan kami.

Kumain kami ng mga sweets at uminom ng tsaa.

"Mukhang wala naman akong maaalala sa mga bagay na iyon," nakasibangot kong pagsasaad.

"Do you remember anything na pinaka pinahahalagahan mo?" si Noah.

Umiling naman ako dahil wala akong maalalang may ganoon akong klase ng bagay.

Makalipas ang ilang minute ay nagpaalam muna sila Mama at Papa para pumunta sa center town ng Olvia, may meeting daw kasi sila ng mga noble leaders ng lugar. Pati si kuya Noah ay kailangan munang umalis dahil kailangan daw tignan kung pwedeng magpatayo ng bahay sa west sea ng Olvia para sa mga homeless commoners.

Inaya ko si Athena sa garden para doon magpahinga.

"Kumusta ka naman, Miss?" bahid ng pagaalala ang tanong niya.

"Mas magaan na kumpara sa pagdating natin kahapon at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari."

Marami pa akong gustong itanong pero marami na rin naman akong nalaman sa ngayon. Siguro oras naman para magpahinga ako.

"Ang totoo kasi Athena, kaya wala akong matandaan sa nakaraan ko," panimula ko.

Napukaw ko ang pansin niya. Alam kong delikado kung ikwe-kwento ko sa kaniya ang mga totoong nangyari bago ako mapunta sa lugar na ito pero malaki ang tiwala ko sa kaniya at sa palagay ko mas maiintindihan niya ako.

"Dahil nung isang buwan bago ako lumipat sa Marquis Estate, kararating ko lang din dito noon."

Kita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya pinagpatuloy ko na rin agad ang gusto kong sabihin.

"Isa akong estudyante sa ibang mundo, ang huling nagyari sa akin ay nasagasaan ako ng sasakyan at namatay. Noong oras na dumilat ako ay napunta ako sa mundong ito at doon nagsimula ang bagong buhay ko," pagpapaliwanag ko.

Kita ang gulat sa mukha niya, halata rin na hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.

Ako rin naman ay hindi alam kung naniniwala ba siya sa akin.

"Naiintindihan ko naman kung hindi mo ako-" pinutol ni Athena ang sasabihin ko.

"Naniniwala ako Miss, kaya siguro may bahid ng dark magic at special aura ang magic mo," huminto siya panandalian.

"Ay dahil hindi ka ordinaryo."

Ako man ay gulat sa sinabi niya.

"Paano mo nakikita 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Hehe, dahil siguro isa ito sa inaral ko dati, mahirap makita ang ganitong bagay dahil pwedeng takpan ang totoong aura para hindi mahalata."

Ibig sabihin totoo ang sinabi ni kuya Noah. Edi ibig sabihin pinag-aralan din niya 'to?

"May paraan ba para matanggal 'to?"

"Meron naman Miss, pero si Empress lang ang may alam kung paano tanggalin 'yan," sabi niya.

"Oo nga pala, paano kayo nagging close?"

"May ganyang magic din kasi ako noon, tapos siya ang nagtanggal at tumulong sa akin mag-aral," kita ang ngiti sa kaniya.

"Hindi pa galit si Lucci dahil close kayo?" tanong ko naman.

"Matagal ko namang sinasabi kay Lucci na hindi masamang tao ang empress, pero he kept on insisting kaya hindi ko na lang pinansin pa," kita ang disappointment sa mukha niya.

Matigas talaga ang ulo ng bakulaw na iyon, kadalasan kung ano ang ginusto niyang gawin at paniwalaan kahit pinagsasabihan na siya, ay sarili pa rin niya ang iintindihin niya.

"Kumusta na kaya siya?" wala sa loob kong nasabi.

Nakita ko ang mapang-inis na ngiti niya sa akin.

"Gusto mo bang magpadala ng mensahe sa palasyo niya?" tanong niyang may bahid ng pang-aasar.

Tumango naman ako ng dahan-dahan.

Paalis na siya sa pwesto namin para pumunta sa mansyon at magpadala ng mensahe sa palasyo ni Lucci nang may pahabol ako.

"Saka Athena, pakisabi sa kaniya na gusto kong ikaw ang maging personal butler ko, na sa akin ka na sasama," sabi ko sabay ngiti.

Kita ang gulat at galak sa kaniya bago tumango at nagmadaling pumasok sa loob.

Isang linggo. Isang linggo akong magpapahinga at mag-iisip bago bumalik sa Marquis.

Pumasok na ako sa mansyon at dumiretso sa maliit na opisina para simulan ang mga magiging kilos ko.

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon