Chapter 4: Info

1K 40 0
                                    

I feel like I have a hangover. Sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak ng palakol yung ulo ko, deputek naman kasi. Hirap kong idinilat ang isang mata ko, and ang liwanag ng buhay naman nitong ilaw nila, meralco ba nagsusupply sa kanila? Pinikit ko ulit ang mata ko, may naramdaman akong umupo sa gilid ko, parang mahuhulog ako ang bigat naman ng umupo na to, are you a bakulaw men? "You awake?" sambit ng bakulaw na ito. "You awake?" pag-uulit niya, sakit kaya sa mata ng ilaw niyo hano! Hihirit pa sana siya ng You awake?  ulit  kaso dinilat ko na yung mata ko, mukhang tama nga ako, bakulaw nga slash patapon ang ugali. Tinitingnan niya lang ako with his poker face, pogi sana basura lang ugali. Tumingin na lang ako sa kabilang direksyon dahil naiinis ako sa kaya, muli kong naalala ang nangyari sa office niya, kumirot ng bahagya ang ulo ko, parang kuryente lang ampupu. Kung hindi lang siguro siya nag-asal aso kanina hindi sana mangyayari ito. Mukhang naguiguilty kaya andito ngayon. "Does your head hurts? Want to eat something?" inglesherong bakulaw! "Bakit ka nandito?" I asked him with a maarteng tone. "You just faint inside may office so I think your my responsibility," sabi ng inglesherong aso na mukhang di naman concern. Wala talagang perpekto sa mundo!

 Tumayo ako sa pagkakahiga, tiningnan ko siya sa mga mata, and what I see in his eyes is anger, I feel frightened as I look away. Parang ang bigat ng pinagdadaanan niya o talagang galit lang siya sakin. "Hindi mo naman ako obligasyon, pero salamat kasi hinatid mo ko rito," sabi ko, "Maybe I'm just exhausted, naglakad lang kasi kami papunta sa Moonstone," dagdag ko ng hindi pa siya nagsasalita. Nacurious ako kung bakit hindi siya nagsasalita, kaya dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, akala ko ay nakatingin pa siya sakin pero nabigo ako dahil sa pagtingin kong iyon ay tumayo na siya, ngunit bago siya nakaalis ay nagsalita pa ulit siya, "I don't care about your reasons, I'm doing this para hindi sila magsuspect na alam ko, that you are one of her paw," masakit, madiin, nakakabingi kahit hindi naman niya ako sinigawan. Bakit ang dali sa kaniyang saktan ako, na para lang akong antigo na wala ng halaga kaya ayos lang na masira o mabasag. 

Sa gabing iyon ay hindi ako lumabas ng kwarto, kahit na tinatawag na ako ng maids, wala akong lakas para tumayo o kahit kumain man lang. Nakakawalang gana ang unang araw ko rito, imbes na umiyak o indahin ko ang sakit ng ulo ko sa mga oras na ito ay nag-isip na lang ako ng plano para maalis sa pagkaka kadena ko kay Zarouhy. Hindi ko rin naman masisisi itong si Morgaile kung bakit siya kumapit sa patalim, ikaw ba namang ipapakasal sa kung sino man para manatili ang posisyon ng pamilya mo ay mas pipiliing ipakasal sa lalaking kahit papaano ay may background info ka na. Ngunit hindi rin naman alam ni Mor na ito ang kahihinatnan niya, ang maging tuta ng Empress. 

Kaya kailangan kong makaisip ng paraan para maitama ang sinimulan ni Morgaile, dahil ngayong ako na siya, dapat ay matulungan ko ang sarili ko. At ang pinaka mahalaga sa lahat, ang makasurvive. Pasasaan pa't naging gamer ako kung dito lang mamamatay ako.

Kinabukasan ng umaga ay lumabas ako ng kwarto, gusto pa nga ng mga ito sila ang magpaligo sakin, aba syempre hindi tayo papayag diyan, kaya ako na ang nag-ayos at pumili ng sariling damit para sa sarili ko. Pagkalabas ko ng pintuan ay may babaeng may katandaan na ang nag-aabang sa akin, naka white siyang uniform, mas matangkad sakin ng 2 inches, nakasalamin, may kulay puti na ang buhok niya na para bang highlights lang sa kaniya, maganda pa rin siya kahit matanda na siya, at higit sa lahat mukhang suplada. "Good Morning Ms. Olvia, I'm Halima Herms the Head Maid of Morganite Palace," sabi niya nang may halong maotoridad sa kaniyang tono, di naman ako agad naka sagot, dahil masyado akong natulala sa kaniya, mas maganda siyang tingnan sa malapitan, yung mukhang edad lang ako tumatanda hindi yung mukha, ageless ka mars. 

"Ehem," nabigla ako ng umobo siya ng kaunti. "A-uhm, M-mor na lang po ang itawag niyo sa akin," sabi ko, nakakailang naman natulala ako. Nginitian lang niya ako at saka naunang naglakad sa akin. Ngayon ko lang nakita na ang laki pala nitong palasyo, kahapon kasi deretso agad ako sa kwarto ko at labas agad para puntahan yung bakulaw sa palasyo niya. Mas okay na sigurong hindi ko na muna siya alalahanin, nagpuputukan na kasi yung brainstems ko hayss. 

Pagkababa namin mula sa kwarto ko ay may isang babaeng mukhang mas bata sakin ang nakayuko, mahiyain ka ah. Naagaw ng isang lalaki na naka suit ang mga mata ko, yummyble din ang isang 'to, plus mukhang mabait, nakangiti siya sakin kaya nagbato rin ako ng isang makatotohanag ngiti. "Ms. Mor, this is the head butler of the palace," pagsabi ni Ms. Halima. Agad naman lumapit iyong gwapong lalaki habang nakangiti, sabay luhod sa harap ko na medyo ikinagulat ko, "Please to meet you Ms. Olvia, I'm the  Head Butler and your personal butler from now on, Villan Herms," magkaano-ano kaya sila ni Ms. Halima, mag-nanay? "And this will be your peronal maid Ms. Mor," pagputol ni Ms. Halima sa katahimikan. Dahan-dahang lumapit ang babae habang nakayuko, "Uhm, I'm y-your personal maid p-po Ma'am-- I mean Ms. Olvia, I-I'm Sofia M-Ms." I think she's new, but I like her, mukha siyang di makabasag pinggan. "Mor na lang, masyado namang polite pag sa apelyido niyo ko tatawagin," sabi ko habang nakangiti sa kanilang dalawa.

"Good day Ms. Morgaile," nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod nila Mr. Villan at Ms. Sofia, their uniform looks familliar, parang uniform lang kahapon sa Moonstone. "I'm Aceso Capell, the 5th son, also part of the 5 Mage God's Guild," then he smirked. Aceso Capell, God of Health, Duri, cure, the healer of the MG's Guild. Mukha siyang kasing edad ni Sofia, "Ehem, Zeus, 1st son of the Capell Family, Sir Lucci's right hand," nakakatakot naman ang boses nito, pero ang cute naman ngumiti. "Uhm, bakiiiit-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinagot agad ni Sir Zeus ang dapat na itatanong ko, "Sir Lucci wants us to guard you outside the palace Ms. For your own safety," I know its not about my safety, gusto lang niya akong pasundan para malaman niya ang bawat the move ko outside the palace. Ngumiti ako saka sinabi, "Thank you, hope we have a good time together."

 Pagkatapos noon ay nagpaalam na ang dalawa na babalik na muna sila sa kay bakulaw para magreport ng about sa rebellion na nangyayari ngayon sa Tau, the center of the whole Crusen. Taga-Tau si Alicia L' Crusen, well base naman sa apelyido niya, siya ang 2nd Princess, her brother Cesar L' Crusen is now the King of the Kings, he rule all the kingdoms that is being under of Crusen. There is a rumor that he poisoned his father to have the throne, while their mother died after Alicia's birth. 

Base sa story, naging close si Alicia and Mor dahil King Randolf's (Alicia's Father) bestfriend is Morgaile's father, Mr. Edgar. Madalas sinasama ni Mr. Edgar si Mor pag pumupunta sila sa Tau, and dahil don naging close si Mor kay Alicia, Mor treated Alicia as her sister but that's not what Alicia think about Mor. She thinks that Mor just want the fame that's why she's sticking to her.

Hais! Grabe naman kasi 'tong si Alicia, itinuring na nga siya na kapatid para sa kaniya fame lang yung trip nitong si Mor. Ang bait bait nga ng character ko kay Alicia. Kung magkakaroon lang ng awarding sa best in supporting actress baka nakuha na ni Mor, masyadong mabait. Namiss ko tuloy si Mirai, palibhasa yun lang yung one and only bessywarps ko, miss ko na rin si Mami, panigurado nag-aalala na yon, namatay kaya talaga ako sa aksidenteng yon? 

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon