"Katulong? Your in a higher position than that."
I'm still shocked that she wants to be my maid even she's one of the Duke of Celes children.
"As you can see I'm far from the position as the duchess. Balak na akong ibenta ng Duke dahil hindi na raw ako kayang sustentuhan," pagpapaliwanag niyo sa amin.
"Do you want me to talk to Duke Celes? Sa palagay ko maiintindihan naman niya ang sitwasyon mo," pagpapaliwanag ko.
"Hindi siya ganoong klase ng tao. Pumunta na siya rito kahapon at sinabi na naayos na ang papel ko at ipadadala na ako sa Ordin dahil doon daw bibilhin ako para magtrabaho bilang isang bayaran, mukhang mataas ang alok sa kaniya kaya handa siyang ipagbili ako," nakita ko ang bahid ng luha sa mata niya.
Ayoko namang umabot sa puntong ibebenta pa siya para lang sa pera.
"Ilang taon ka na?" tanong ko.
"Kaka-20 ko lang po noong May," sagot niya.
"Ganito Lana, hindi ko gustong itakas ka kaya I will buy you instead," I said.
Kita ang gulat sa mga mata nila. Alam kong hindi ko talaga ugaling mag-aksaya ng pera pero hindi ko naman din siya kayang iwan dito.
"Shall I arrange everything Miss?" question from Athena.
"Oo, magpadala agad ng mensahe sa Morganite Palace at siguraduhin mong kay Villan makararating, sila ni Halima ang may hawak ng allowance ng palasyo," pag-uutos ko.
Agad namang kumilos si Athena para magpadala ng sulat doon. Dapat kumuha na talaga ako ng tulad ni Perch, para madali na akong nakapagpapadala ng mensahe.
"Ayusin mo na ang mga gamit mo Lana," pag-aalo ko sa kaniya.
"Maraming salamat Miss Morgaile, pagbubutihan ko ang pagtatrabaho!"
Hindi man ito kapansin-pansin pero kita ang pagiging payat niya. Itong klase ng payat kung saan hindi nakakakain ng ayos.
"Hindi tayo pwedeng magpalipas ng gabi sa Celes, pupunta pa kasi ako ng Olvia dahil may kailangan akong gawin," sabi ko habang tinutulungan siyang maglagay ng mga damit sa bag niya.
"Opo, bibilisan ko na rin para makaalis na tayo agad," sabi niya.
Pansin ang sigla sa boses niya ngayon kumpara kanina. Siguro ay napagtanto niya na ligtas na siya ngayon.
"Miss? Pwede ka bang makausap saglit," si Athena.
Lumabas muna kami ng maliit na kwartong iyon ni Lana.
"Is there a problem?" tanong ko.
"Napadala ko na ang sulat sa palace mo at papunta na rin si Sir Villan dito para dalhin ang pambayad sa Duke," pagpapaliwanag niya.
"Sa palagay mo ba Athena, mas maayos kung ipapauwi ko na rin si Lana ngayon at hindi na isasama papuntang Olvia?" pagtatanong ko sa kaniya.
"Mukhang mas mabuti na 'yon Miss, para na rin makapagpahinga muna siya sa lahat ng nangyari."
Nagkasundo kaming ipasama na lang si Lana kay Villan pagbalik sa Morganite Palace.
Saglit na panahon lang din ay dumating na si Villan sa Celes town kung saan kami naghihintay.
"Lady Mor, ikaw po ba ang makikipagkita kay Duke Arthur?" ramdam ang bahid ng pagaalala kay Villan.
"'Wag kang magalala si Athena ang pupunta roon para dalhin ang bayad," pagbibigay ko ng kasiguraduhan sa kaniya.
Agad namang umalis si Athena para makabalik na agad bago pa lumubog ang araw para makaalis na rin kami.
"Villan, gusto kong isama mo na si Lana pabalik ng palace, kailangan niyang magpahinga muna," pagsasabi ko ng may awtoridad.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
General FictionFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)