Kinaumagahan ay masaya akong bumangon at nag-ayos para makatulong na rin sa paghahanda ng office ko. Naka A-line type of gown ako na kulay pink at may tahi ng mga rosas sa laylayan nito.
"Athena? Saan mo hinatid si Lady Alicia kagabi?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa office ko, katatapos lang kumain.
"Hanggang kay Queen Lidell, may naging problema ba?" sabi niya.
"Wala naman, gusto ko lang malaman... baka kasi nagalit siya."
"She's not in the mood, hanggang sa makarating kami doon. Nakita ko rin ang disappointment nilang dalawa ni Queen Lidell, alam kong inaasahan nilang darating si Lucci," pagpapatuloy pa niya.
Kagabi lang ay nangako si Lucci na hind niya ako iiwan, at alam ko na sa oras na sabihin niya ito sa mom niya mas lalong gugulo ang sitwasyon.
"Dumating na nga pala ang budget para sa susunod na buwan," dagdag pa ni Athena.
"Ah oo nga pala, aayusin ko pa iyan," sabi ko naman habang tinitignan ang nakapatong na sobre sa lamesa ko.
Tiningnan ko ang budget para sa buwan na ito, at nagulat ako sa laman.
"500,000? Bakit?" pagtataka ko.
Natural sa budget ko sa isang buwan ay 300,000 dut.
"Sabi ni Empress Zarouhy magbibirthday ka na raw kasi, kaya iyan ang binaba rito," pagpapaliwanag niya.
Grabe, wala naman akong balak maghanda para sa kaarawan ko dahil mas gugustuhin kong umuwi na lang sa Olvia muna.
May kumatok bigla sa pintuan at dahan-dahan itong binuksan, si Lana.
"Lady Morgaile, may bisita ka po."
Lumabas naman ako agad, baka kasi si Lucci iyon.
Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita kung sino ito, si Alicia.
"I know I came uninvited again but I want to talk with you," mahinahon at seryoso niyang pagkakasabi.
"Let's go in the living room. Lana? Pakidalhan kami ng makakain," sabi ko naman at naunang naglakad.
Nakatahimik kaming nagtititigan sa sala, kaming dalawa lang dito.
"Anong sadya mo?" tanong ko bago sumimsim ng tsaa.
"Siguro malinaw naman na sa iyo ang gusto ni Queen Lidell, hindi ba?" ramdam ko ang pagtataas niya ng pride sa boses niyang ginamit.
Tumango naman ako.
"I think that would be enough for you to understand, right?" pagpapatuloy pa niya.
"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin sa gusto mong mangyari?" pagsagot ko naman sa kaniya.
"Great! I want you gone, para na rin kay Lucc. I can lead way better that you, mas hands on ako dahil kami na lang ni Kuya ang magkasama, masasabi kong mas alam ko ang mga bagay-bagay at mas matutulungan ko siya kaysa sa iyo-" pinutol ko na ang mga sasabihin pa niya.
"Sinabi ba niya sa iyo 'yan? Pinakiusapan ka ba niyang pumunta rito at sabihin iyan? No? I don't think he'll do that, don't be so confident."
Kita ko ang paglunok niya at mas lalong paglitaw ng iritasyon sa mukha niya.
"Confident? I can be. Kilala ko si Lucci at alam kong hindi ka niya talaga gusto minamanipula-" sa pagkakataon na ito ay hindi ko talaga siya kayang patatapusin.
"Talaga? How can you be so sure? Sinabi ba niya sa'yo? Hindi ako naniniwala hanggat hindi sa kaniya nanggaling."
"He just wants the title! Wala siyang gusto sayo!" padabog siyang tumayo.
"And? Why does it concern you?" tumayo na rin ako para lebelan siya.
"Why? Because I like him, I want you to reject being his wife and leave here peacefully!" pasigaw pa rin niyang pagsasalita.
"Sorry, but that will never happen. Hanggat hindi siya ang nagsasabi niyan, hindi ko gagawin," naglakad na ako palayo sa pwesto namin kanina.
Pagkalabas ko ng sala ay nagulat ako sa biglaang paghablot niya sa buhok ko, sumunod pala siya!
"Aray!" napasigaw na lang ako sa sakit.
"Just leave this place! I can make him a better Emperor than you! You're just nothing but a stupid daughter of a duke!" pagpapatuloy pa niya habang hawak ang buhok ko.
Hinablot ko naman iyon pabalik gamit ang pagdiin ng kamay ko sa kaniya. Napahawak siya sa parteng hinawakan ko nang bitiwan ko siya.
"Ano bang gusto mo para umalis ka na rito? Huh! Money? Power? I can give it to you! Umalis ka lang dito!" gigil pa rin siyang hinaharap ako.
"Hindi ako aalis! Kahit anong gawin mo dito lang ako! Just face it! You're the one who should leave this place!"
Madidiin ang salitang binitawan ko na mas lalong nakapagpainit ng ulo niya. Nagulat ko sa kamay niyang mabilis na dadapo sa pisngi ko.
Pumikit ako at hinantay ito, pero wala. Wala? Dumilat ako at nakitang hawak ni Lucci ang kamay na dapat sa mukha ko dederetso.
"L-lucci," mahinahon niyang sambit.
"Umalis ka rito," ramdam ko ang galit sa mahinahon niyang boses kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"It was a misunderstanding! She hit me an-" pasigaw na pinutol ni Lucci ang pagsasalita ni Alicia.
"Get the fuck out of here! Stop making stupid stories!"
Halos mapapikit ako sa sigaw niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Leave this place as soon as possible Lady Alicia. Kung ayaw mong umabot pa ito kay Emperor Claude," nagulat ako sa boses na narinig galing sa pintuan.
Nandito si Empress Zarouhy at si Delice? Bakit?
Kita ang kaba kay Alicia, nagmadali na rin siyang lumabas ng palasyo at hindi ko na siya nakita habang papalayo sa amin.
"May masakit ba sa iyo, hija?" papalapit si Empress sa sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko habang tinitignan ng mabuti.
"Ah wala naman po, ayos lang po ako!" natataranta kong sabi.
"What is she doing here, kuya?" narinig ko naman ang malumanay na boses ni Delice papalapit sa amin.
"I don't know, may masakit ba sayo?" si Lucci naman ngayon ang kumunsulta sa akin.
Umiling naman ako bilang sagot.
"Call a nurse Athena, para makasigurado lang," si Empress na ngayon ay kaharap si Athena.
"Okay ka lang ate?" si Delice naman ang lumapit ngayon.
"Oo, okay lang ako," sagot ko naman.
"Should we check on her? Mukhang nababaliw na iyon," hindi ko sigurado kung pabiro ba ang pagkakasabi ni Delice no'n.
"Anong ginagawa niyo nga pala rito?" sa palagay ko mas dapat na intindihin ko ang pagpunta nila rito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)
Narrativa generaleFrom a world where books are just books, into a world inside of the book. New places and people, new identity that leads into a tragic love story. Just for fun lang po, hope na magustuhan niyo :)