Chapter 17: Confess

444 22 2
                                    

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto, tanging huni ng kuliglig lamang ang maririnig. Si Lucci ay naka upo lamang sa sahig sa harap ko habang hinihimas ang aking binti hanggang paa. 

"Dito ka na lang matulog," pagbasag ni Lucci sa katahimikan.

"Uuwi na lang ako, kaya ko naman," pagtanggi ko.

Tinitigan niya ako ng may pagkunot ang noo, "I said you'll stay, anong oras na mabubulabog pa ang mga tao mo roon."

Ngayon ko pa lang siya tinignan sa mata, "Hindi ko na sila ipapagising, dederetso na agad ako."

Hinilamos niya ang kaniyang isang kamay sa mukha hanggang sa buhok, habang hawak pa rin ng isa niyang kamay ang aking binti.

"Please, let's be together tonight. I just want to make sure your okay," pagmamakaawa niya sa akin. 

Tango ang aking naisukli sa kaniya. Hindi pa rin ako nakapagsosorry ng ayos sa kaniya dahil sa nangyari. 

Kaya naman ang saglit na katahimikan ay aking sinamantala upang makapagsalita. 

"I'm sorry, I know mali ako, lalo na sa puntong nagalit pa ako sayo," huminga ako ng malalim pagputol habang nagsasalita ako. 

"Alam kong nagaalala ka sa akin lalo na't kung sino-sino lang naman ang taong lumapit sa akin, tapos nagalit pa ako sayo, nag-init pa ang ulo ko at sumama pa ang loob ko. Sorry I know I acted so fast na hindi ko na inintindi pa ang punto mo."

Hinabol niya ang mga mata kong pinipilit na hindi tumingin sa kaniya, "Honey, its fine I'm just jealous na may humahawak sayong lalaki."

May halong pagkalito sa aking isipan base sa kaniyang mga sinabi. Ano ba kami? Bakit niya nararamdaman 'yon? I'm too confused.

"Lucci?" seryoso ko siyang hinarap sa pagkakataong ito.

I want to know, ayoko ng maging isang taong aasa lang sa wala. I have to know.

"Yup?" mapanlumo pa rin ang kaniyang mga mata. 

"A-ano ba talaga tayo?" nakita ko ang gulat na bumalot sa mata niya. 

Siguro nga ay pinapahalagahan niya ako dahil sa kaibigan ang turing niya sa akin at ayaw niyang may masabi ang pamilya ko sa kaniya. 

"Huh?" gulat din ang tono niya sa akin.

Nag-alangan akong ulitin iyon dahil baka nga mali ako ng pagkakaintindi sa sinabi niya,"Wala naman."

Tumayo ako sa pagkakaubo at nagbabadya nang lumabas ng kwartong iyon. 

Pansin ko rin ang biglang tayo niya sa pagkakaupo sa sahig. 

"Saan ka pupunta?" sabi niya.

Nabalot ako ng iba't-ibang pag iisip, sobrang daming kaisipan na patuloy na gumugulo sa akin. 

Maybe I'm just too attached na baka nagiging asyumera na ako. Maybe he's not into me and all of this are just for show. And maybe naniniwala pa rin siya na tuta talaga ako. 

"Babalik na ako."

"Don't, I said you'll stay here tonight, you'll go home tomorrow," matigas niyang bigkas.

"Para saan pa ba? Nagtatanong ako kung ano ba tayo kung ano ba ako sayo, did you see your reaction?"

Tatalikod na ako na puno ng galit ng halos pasigaw na siyang nagsalita. 

"I was just clarifying kung tama ba ako ng dinig."

Agad ko siyang nilingon ng may bagsik ang aking mata.

"And then what? Tatawanan mo ko? I-jojoke time mo ako? Kasi sineseryoso ko itong mga maliliit na show of mo?"

"What are you saying?" bakas ang lito sa kaniyang mukha. 

"That you're showing interest on me to make me fall in love and then dump me! Why? Kasi tuta ako? Kasi natatakot ka na baka totoo? That I will kill you?"

"What? No! That's not true, honey, I want you, I love you," pagkalma niya sa sarili habang hinahawakan ang braso ko. 

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko, para akong binuhusan ng semento sa paanan at agad na natuyo ang mga ito.

"No, sinasabi mo lang yan for me to stay with you and to be part of your plans," dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa aking braso. 

"No, that's not true. I really do love you, I just can't tell you because I'm scared. Natatakot akong ganito ang maisip mo, na ginagamit lang kita."

Nanlabo ang aking paningin sa mga luha na gustong kumawala sa aking mga mata. I believe him, very much. 

Sa sandaling panahon ginusto ko siyang yakapin dahil sa aking nararamdaman ngunit naunahan niya ako. 

Niyakap niya ako ng matagal at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Sa oras na ito gusto ko ng umamin sa kaniya gusto ko na rin magtiwala ng buo. 

"Ako rin, I love you really," sabay yakap ng mahigpit sa kaniya.



Author: Sorry na nga kung matagal, college student na kasi :<<

Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon