Chapter Twenty-Six
Unfair
I really didn't want to go home. Kung hindi pa ako pinagtulungan ni Tita at ni Rush ay talagang mananatili ako sa tabi ni Grant. Inihatid ako ni Rush sa bahay. Naging tahimik ang byahe naming dalawa. Wala naman akong masasabi sa kanya dahil lutang pa rin ang pag-iisip ko. Hindi rin naman nagsalita si Rush.
Nang makarating kami sa tapat ng mansion ay hindi ko na siya hinintay na magsalita. I just unbuckled my seatbelt and leaned in to kiss him on the cheek before leaving the car without a word.
Maaga pa lang ay pumunta na ako sa hospital para dalawin si Grant. Wala akong pasok ngayong araw at tinawagan ko na si Kade para sabihin na hindi ako makakapunta ng gym. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Grant. I'm shocked that I managed to tell him the whole thing without tearing up.
Hindi pa rin nagigising si Grant, iyon ang sabi sa akin ni Tita Vanessa nang dumating ako. Hindi ko alam ang dapat kong i-sagot kaya tumango na lang ako sa sinabi niya. Hindi pa rin umuuwi si Tita dahil walang papalit sa kanyang magbantay kay Grant. Ayaw niyang iwanan si Grant sa maid nila, that's why I offered to stay the whole day and she only agreed when I said that she could ask one of their maids to come over so that I could ask someone to run errands for me if I ever needed anything.
Hawak ko ang kamay ni Grant at hindi ko iyon binibitawan sa buong araw na nakabantay ako sa kanya. Pinanuod ko siyang tahimik na huminga. Naubos ang ilang oras na wala akong ginawa kundi ang panuorin siya. Hindi rin ako umalis ng room at nag-utos na lang sa maid na dalhan ako ng pagkain sa loob.
Buong araw kong hindi nakausap at nakita si Rush. Kahit text at tawag ay wala kaming komunikasyon dahil nawala sa isip ko na tingnan ang phone. Nang makita ko naman ang mga text at ilang tawag ni Rush ay hindi ko magawang sumagot sa kanya. Kung hinahanap man niya ako ay alam kong alam na niya kung nasaan ako. Mabuti na lang at kahit alam niya kung nasaan ako ay hindi niya naisipan puntahan ako. Hindi ko ata kaya na makausap si Rush sa harap ng walang malay na si Grant.
Naramdaman ko ang marahan na pagtapik sa balikat ko at ang mahinang pagtawag sa pangalan ko. Biglang nabuhay ang diwa ko, inaasahan na si Grant na iyon pero si Tita Vanessa lang ang humarap sa akin nang inangat ko ang ulo ko at nilingon ang taong kumalabit sa akin.
"It's past six, Maxie. Pwede ka ng umuwi, ako na ang bahala kay Grant."
Kinagat ko ang labi ko at iniling-iling ang ulo bago ibinalik ang panunuod sa walang malay na si Grant. "I don't want to leave his side. I want to be here the moment he wakes up."
Matagal na hindi nagsalita si Tita. Kung hindi nga siya magsasalita ulit ay aakalain ko na nakaalis na siya dahil wala siyang kaimik-imik.
"Naabutan ko si Rush sa labas. I think he's still there." my heart immediately jumped at the mention of his name. Parang gusto ko siyang labasin. I needed his hug. Pakiramdam ko ay kapag nayakap ko siya, babalik ang lahat ng lakas na naubos at nawala mula sa akin. Pero hindi ko magawang umalis sa tabi ni Grant.
"I asked him to come inside but he said he didn't want to." tahimik na dagdag ni Tita Vanessa. Hindi ko pa rin siya nasagot. Ano naman ang isasagot ko doon? Wala rin namang tanong na ibinigay kaya hindi ko kailangan sumagot.
Tita Vanessa called for my name and this time, her voice was laced with concern. My head turned to her direction, giving her the attention that she wanted from me.
"That year when Rush left... Something between happened Grant and him that pushed me to seperate them both." My forehead creased as I waited for what she's about to say next. "I just got home when I saw Grant and Rush on a fight. I've never seen them fight before. They were both livid, that moment I thought they would end up killing each other. I couldn't make them stop. It was all a bloody mess, Maxwell."
BINABASA MO ANG
Mean to Be (Mean #2)
Teen FictionSometimes, you do crazy things for the one you love. No matter how mean or absurd it is, gagawin mo pa rin. Kahit na magmukha kang masama. Kahit na sabihin nilang madamot ka. Kahit na alam mong mali. Ika nga nila: "All is fair in love and war." It h...
