Chapter Thirty-Seven

81K 2.2K 503
                                        

Chapter Thirty-Seven
Nagagandahan

We were running late. My mom scolded me for being a slow poke. Papunta pa lang kami ay nasa airport na ang mga De la Fuente. Late na kasi ako nagising dahil sa hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip ng mga posibleng pwedeng mangyayari sa Christmas Vacation namin sa Singapore. And mainly, because I was busy thinking of Rush.

I yawned and my mother openly frowned at me. "Ano ba ginawa mo last night, Maxie? You look like you haven't slept a wink."

My mom is exaggerating. Maganda pa rin naman ako. Kahit na wala akong tulog ay bakas pa rin sa mukha ko ang kagandahan ko. She's just temporarily annoyed at me for making them late. Hindi pa naman kami mahuhuli sa flight. They just wanted to be there early, especially my mom who's really excited for the trip.

Sobrang excited sila dahil ngayon lang kasi kami ulit makukumpleto sa pag celebrate ng Christmas simula nang umalis si Rush papuntang New York. I'm excited too, kahit hindi ko ipinapahalata sa parents ko at sa De la Fuente. I really missed spending the holidays with Rush.

I was carrying my shoulder bag, following after my parents who are leading the way. My mom's on the phone with Tita Vanessa.

"Sa right side?" my mom was scanning the seats as we walk. I travelled my eyes towards the seats to look for the De la Fuente's too. Hindi pa lumalampas ng limang segundo ay natanawan ko na agad si Rush kasama si Grant, Tito Christian at Tita Vanessa.

Grant's the first one to see me. A soft smile flashed on his lips. I smiled back at him, raising my hand to give him a friendly wave.

"Oh, I can see you!" my mom said over the phone. I saw Tita Vanessa raised her head, her eyes immediately found where we are. A big gin plastered across her face.

Tita Vanessa said something to his boys which made Rush and Tito Christian look in our direction. She removed the phone from her ear and stood up to meet us half way.

"Hi!" masayang bati sa amin ni Tita Vanessa. Tumayo ang mga lalaking De la Fuente nang makarating kami sa tapat ng kinauupuan nila.

"I'm sorry for making you wait. Late na kasi nagising itong si Maxie." my mom gave them an apologetic look. Their heads turned towards my direction and I offered them my cute, shy-looking, sheepish smile.

"Sorry, Tita, Tito." lumapit ako sa kanila para yakapin. May sinabi si Tita pero hindi ko na naintindihan dahil pagkatapos ko silang yakapin ay sinunod ko agad si Grant.

"Hey," malambing ang boses ni Grant. Ngumiti ako nang niyakap niya ako pabalik. Tumama ang mga mata ko kay Rush na nasa likuran ni Grant at titig na titig sa akin ngayon. Pinisil ni Grant ang katawan ko ng isang beses bago ako tuluyang binitawan.

Hindi pa rin naalis ang tingin ko kay Rush at ganoon din siya sa akin. Napangisi ako at itinaas ang kilay sa kanya. Wala siyang naging reaksyon. Ang tanging ginawa niya lang ay inangat ang wayfarer na nakasabit sa suot niyang fitted na polo shirt at isinuot iyon sa sarili.

"Do you mind if I..." inalis ko ang tingin kay Rush para tingnan si Grant. Iniling ko ang ulo ko sa gilid para ituro si Rush. Lumingon doon si Grant ng ilang segundo bago ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti siya at umiling-iling.

"Go. Charm him." I widely grinned at Grant before walking straight to Rush. Hindi ko alam ang reaksyon niya sa paglapit ko dahil nakatago ang mga mata niya at hindi ko iyon nakikita. Bago pa ako makalapit ay tinalikuran na ako ni Rush para maglakad pabalik sa kinauupuan niya kanina.

Napahinto ako sa paglalakad. Naalis ang malaking ngiti sa mukha ko at napanguso. Tumingin ako sa likuran kung nasaan si Grant. Nakatingin siya sa akin ngayon at nakakunot ng noo. Iniling niya ang ulo ng isang beses sa direksyon ni Rush na parang sinasabi na lapitan ko. Hindi naman niya kailangan sabihin sa akin iyon dahil iyon naman talaga ang gagawin ko pero tumango na lang rin ako sa kanya.

Mean to Be (Mean #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon