Chapter Thirty-Eight
I'm done
The grown ups asked the hotel that we're staying at for a car that we could use for our stay here along with the driver who could drive us to different places. The car fetched us from the airport and drove us to the hotel.
Dala-dala ko ang sariling luggage at buhat ang shoulder bag nang makarating na kami sa hotel. Napanguso ako nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Rush.
"Rush, my luggage is heavy. Can you bring it for me?" iniwasan kong ipikit-pikit ang mga mata ako dahil nung huling beses na ginawa ko iyon sa harap niya, sinabihan niya ako na mukha akong may epilepsy.
Tiningnan lang ako ni Rush pero hindi rin pinansin. Nalaglag ang cute na mukha ko at napalitan iyon ng simbakol. Tumulis din ang nguso ko sa hindi pag pansin sa akin ni Rush.
"I'll carry it for you, Maxie." narinig kong sabi ni Grant. Agad na napatingin naman ako sa kanya. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para tumanggi nang tumama ang tingin ko kay Rush na mukhang wala pa rin paki. I made a face.
"You know what? I'll take you for that offer, Grant." itinulak ko ang luggage sa tapat ni Grant at ngumisi sa kanya. Ngumiti rin sa akin si Grant at napabuntong hininga ako sa kagwapuhan niyang taglay. Why did I have to fall out of love with this guy and complicate things by falling in love with the devil?
"Maxwell Allen, bakit mo pinagbubuhat si Grant ng maleta mo?" napatalon ako sa ginawang pagsigaw ni Mommy. Mabilis na lumingon ako sa kanya. "He's not allowed to carry anything heavy, remember?" galit na sinabi ni Mommy. Napauwang ang mga labi ko habang ang mga mata ko naman ay nanlalaki.
"It's okay, Tita." mukhang natutuwa ang loko dahil napagalitan ako. Grant really has a naughty side.
"No, Grant." ibinalik ni Mommy ang tingin sa akin at binigyan ako ng madiin na titig. "Maxwell, ha! You're being a brat."
"But he offered-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay pinutol na agad ni Mommy ang sasabihin ko.
"Rush, can you bring Maxwell's luggage? It's quite heavy. You know how Maxwell packs excessively naman, diba?" malambing na sabi ni Mommy. Si Rush naman ay mukhang nagulat sa pagsali sa kanya ni Mommy.
"Uhh. O-Okay po, Tita." lumakad si Rush papalapit sa harap ni Grant at inagaw ang maleta ko mula sa kamay ni Grant ng walang pakundangan.
Tumingin ako kay Mommy at napansin ang isang ngiti doon. Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ko kung ano ang ginagawa ni Mommy. Inilipat ni Mommy ang tingin niya sa akin at kumindat bago naunang maglakad at sumunod kay Daddy.
Napailing-iling na lang ako sa ginawa ni Mommy at nakangiting sumunod papasok ng hotel. We waited at the lobby habang inaayos ng elders ang rooms. Pinuwesto ni Rush ang maleta sa harap ko at napangiti ako sa blangkong mukha niya.
"Kids, come here." lumapit kaming tatlo nang tinawag kami ni Mommy. Iniwan muna namin ang mga maleta. Hindi naman mawawala iyon. "Kayo na ang bahala sa rooms niyo. We'll rest for the day and have lunch later, okay?" sabi ni Tita Vanessa at tumango na lang kaming tatlo. Umalis na ang mga parents namin at naiwan kaming tatlo malapit sa desk.
"Rush, share tayo sa deluxe suite." I happily offered. Nang-aasar lang naman ako pero kung papayag siya ay hindi ko rin iyon babawiin.
"What?" Rush snapped.
I grinned at him with beauty. "Let's share sa isang room. Ayaw mo? Hindi mo ako gusto makatabi sa kama? Ayaw mo akong kasabay matulog?"
"No, I don't want to sleep with you in the same bed, Maxwell." masungit na sagot ni Rush at napasimangot ako sa pagiging straight forward niya.
BINABASA MO ANG
Mean to Be (Mean #2)
Teen FictionSometimes, you do crazy things for the one you love. No matter how mean or absurd it is, gagawin mo pa rin. Kahit na magmukha kang masama. Kahit na sabihin nilang madamot ka. Kahit na alam mong mali. Ika nga nila: "All is fair in love and war." It h...
