Chapter Sixteen
Ruin Me
Para akong lumipad sa ere nang may humila sa akin. Katulad ko ay nagulat ang lalaking kasayaw ko sa nangyari sa akin. The strong arm holding me on my stomach disappeared and a hand next placed on my arm. My eyes landed on the person who pulled me off and my whole body automatically melted when I saw him. He pulled me behind him before pushing the guy I was dancing with.
"Stay the fuck. off." My heart raised at the sound of his voice. Galit na galit ang boses niya at bigla naman umakyat ang lahat ng dugo patungo sa utak ko. The high that I was feeling earlier suddenly disappeared, now all I could feel is worry.
"Rush," my voice turned out soft and more of a whimper. Kumapit ang isang kamay ko sa likuran ng damit niya at ang isa sa matigas na braso naman para pigilan siya sa binabalak niyang pagsugod sa lalaki.
Nakita ko ang pag-iling ni Rush bago tumalikod sa lalaki na kasayaw ko para humarap sa akin. Nakakuyom ang mga panga niya at ngayon ko lang nakita ang mga mata niya na kulang na lang ay mag-apoy sa galit. Napansin ko rin ang buong katawan niya na naninigas, siguro ay dahil sa sobrang galit. He's mad at me. Really, really mad.
Hinila niya ako palabas. Hindi ako nakaangal dahil umiikot na rin naman ang paningin ko. Mahigpit ang hawak ni Rush sa pulso ko. Kung hindi sana ako lasing at namamanhid ay baka kanina pa ako nagreklamo sa sakit.
"Rush." tawag ko kay Rush nang hindi pa rin siya tumitigil sa paghila sa akin. May ibang napapatingin sa amin sa paghila na ginagawa sa akin ni Rush but they were all nothing but a blur to me.
"Don't talk." He didn't look at me. He didn't even take an effort to look at me. I pouted.
Tinawa ko ulit ang pangalan niya pero hindi na niya ako pinansin. Napanguso ako lalo. Bakit hindi niya pinapansin? I want him to notice me. I want his attention on me.
"Rush, are you mad?"
Biglang huminto si Rush at hinarap ako. Nakahawak pa rin siya sa pulso ko at mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya doon. "Fuck, Maxwell. I said. Don't. Talk."
"Rush, bakit ba ayaw mo ako pansinin?" he just grunted in response. I'm not sure if I can even call that a response. He resumed walking, dragging me behind him by my wrist.
"Rush, where are you taking me?"
Hindi niya ulit pinansin kaya sumigaw na ako. "Rush!"
"Fucking home, okay? I'm going to drive you home. You're done for tonight!" malakas na sigaw ni Rush para pantayan ang pagsigaw na ginawa ko sa pangalan niya. Nanlaki ang mga mata ko at umiling-iling.
"What? No!" sinubukan kong tanggalin ang kamay niya mula sa pulso ko. Hindi na rin ako nagpahatak sa kanya pero napapasunod niya pa rin ako dahil mas malakas siya sa akin. "Bitawan mo ako, Rush! Babalik ako sa loob! I wanna dance! Kade said I'm not supposed to go anywhere without him!"
Nakita ko ang pagtagis ng bagang ni Rush pero hindi niya ako pinansin sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ang tagal naming naglalakad. Malayo siguro ang pinagparadahan niya ng sasakyan. Medyo wala ng tao dito at madilim na rin dahil malayo pa ang parte ng lugar kung saan may street lamp.
Nakakatakot dahil walang bahay sa bandang parte na ito. Mabuti na lang at nandito si Rush. Malaki naman ang katawan ni Rush. Kapag may multo o kaya monster, siya na lang ang io-offer ko.
"Rush! I need to find Kade! Let me go back inside!" ulit ko dahil baka hindi niya ako narinig. Binitawan ako ni Rush sa tapat ng isang pamilyar na itim na kotse. Sa kanya ang kotse na iyon.
BINABASA MO ANG
Mean to Be (Mean #2)
Fiksi RemajaSometimes, you do crazy things for the one you love. No matter how mean or absurd it is, gagawin mo pa rin. Kahit na magmukha kang masama. Kahit na sabihin nilang madamot ka. Kahit na alam mong mali. Ika nga nila: "All is fair in love and war." It h...
