Chapter Twenty-Seven
Kung Mahal
Pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital room ni Grant ay si Rush agad ang bumungad sa akin. Nakaupo siya at hawak-hawak ang phone. Napatayo siya agad nang makita niya ako. Gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. I missed him so bad. Oh God, I miss him.
Hahakbang na sana ako palapit sa kanya nang maalala ko si Grant. Iniling-iling ko ang ulo ko at lumingon sa paligid at nakita ko na nandoon din si Tita Vanessa na kausap ang maid nila.
"Tita!" tumakbo ako papalapit kay Tita Vanessa. Napalingon siya sa akin at may bahid ng pagkagulat sa mukha niya. Mabilis na napalitan iyon ng pag-aalala.
"What's wrong? May nangyari ba, Maxwell?'
"Si Grant... Gising na si Grant." nanlaki ang mga mata ni Tita. Inangat niya ang kamay para takpan ang nakauwang na bibig. Doon na nagsimula ang pagtulo ng mga luha niya.
"Oh my... Thank you. God, Thank you. Thank you so much." patuloy sa pag-iyak si Tita at napakagat naman ako sa labi ko. Lumapit sa akin si Tita para yakapin ako ng sobrang higpit. "Maxwell, thank you. Thank you!"
Humiwalay si Tita Vanessa sa pagkakayakap sa akin at nilingon ang kausap niyang maid kanina. "Anita, call the doctor. Now!"
Mukhang naluluha rin ang maid nang umalis para sundin ang inutos ni Tita Vanessa at tawagin ang doctor ni Grant.
"But Tita..."
"Oh God, I need to see my son!" lalampasan na ako ni Tita Vanessa para tuluyang makapasok sa room ni Grant nang hinawakan ko ang braso niya at pinigilan sa plano niyang pagpasok.
"Maxie, I need to see Grant now." I closed my eyes, pained to deliver the news to her myself. Hindi ko tanggap ito. Bakit ko sasabihin ang isang bagay na ayaw kong paniwalaan? "Maxwell... What's wrong?"
Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Tita Vanessa. Natatakot siya sa maari kong sabihin. Alam na niya na may mali. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan muna si Rush para humugot ng lakas. Katulad ni Tita Vanessa ay nakatingin din siya sa akin, pero walang takot sa mga mata niya kundi ang pag-aalala.
Oh, Rush.
Napapapikit ulit ako sa mga mata ko at mas lalong nasaktan. Nang tawagin ulit ni Tita Vanessa ang atensyon ko at tanungin kung anong problema ay kinuha ko na ang pagkakataon para sabihin.
"It's Grant..." I paused, holding my breath. "He can't feel his legs."
Naging magulo na ang lahat pagkatapos ko sabihin iyon. Hindi na masundan ng utak ko ang mga nangyari matapos kong sabihin ang kalagayan ni Grant. The doctor came and then he started talking about taking tests. Kung ano-anong terminologies ang narinig ko. May X-Ray, MRI, EMG tests.
Hindi ko na sigurado kung ilang oras na ba ang lumipas. Maya-maya ay dumating si Tito Christian, pati ang mga magulang ko ay tinawagan ni Tita Vanessa. I stayed by my seat and only stood up when my mother came and hugged me. Tinanggap ko ang yakap na iyon pero hindi pa rin makuhang gumaan ang pakiramdam ko.
Iniwan rin ako ni Mommy at pinuntahan si Tita Vanessa para makipag-usap. Tumama agad ang mga tingin ko kay Rush na nakatingin din sa akin. Kung kaninang gulat lang ang nababasa sa mukha niya, ngayon ay mukhang may kung anong gumugulo sa kanya. I can see it in his expressive eyes.
He bit his lip, taking a brave step towards me. My eyes widened. Lalapitan niya ako. Kakausapin niya ako. Hindi ako makahinga. Iyon ang mga tumatakbo sa isipan ko. Unti-unting umiling ang ulo ko kay Rush. Napatigil siya sa paglakad papalapit sa akin. Nakatingin lang siya at mukhang hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Mean to Be (Mean #2)
Fiksi RemajaSometimes, you do crazy things for the one you love. No matter how mean or absurd it is, gagawin mo pa rin. Kahit na magmukha kang masama. Kahit na sabihin nilang madamot ka. Kahit na alam mong mali. Ika nga nila: "All is fair in love and war." It h...
