Chapter Twenty

79.5K 2.8K 1K
                                    

Chapter Twenty
Akitin

Nagpahatid sa akin si Grant sa airport. Kahapon niya pa sinabi sa akin na ihahatid ko siya at wala rin naman ako pasok ngayon kaya mas pinili kong ihatid siya kaysa pumunta ng gym. It's just one day, anyway.

Pupunta siya ngayon ng Singapore para sa isang business. Ipinaliwanag niya na sa akin iyon dati pero nakalimutan ko na ang mga detalye. Hindi ko rin naman kasi hilig iyon kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin.

"How long are you going to be there again?"

Grant sighed. "Not more than a week, but hopefully less than that."

Tumango na lang ako dahil wala na akong ibang maitatanong pa sa kanya. It's been two days since I picked him up from the club because he was drunk. Kinabukasan ay pinagalitan ko siya doon. Tinanong ko rin siya kung bakit siya naglasing at sinabi niya na dahil lang sa sobrang stress sa trabaho. Hindi ko na ikinuwento sa kanya ang nangyari sa akin dahil sa pagpili kong sunduin siya sa club. That would be very insensitive of me. Hindi niya rin naman iyon kailangan pang malaman. It's between Rush and I.

"Take care and be safe, okay?" paalam ko kay Grant at matamis na ngumiti naman siya.

"You too."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Rush. Hindi rin siya nagpaparamdaman sa akin kahit sa text o tawag. I miss him badly. My stubborn side doesn't want to say sorry dahil alam ko namang tama ako. He was being unreasonable. Hindi man niya lang naisip na baka may masamang mangyari sa pinsan niya kung hinayaan ko lang malasing sa club. I tried compromising with him. Inaya ko siyang sumama na sunduin si Grant pero hindi siya pumayag.

Hindi niya maintindihan na hindi ko pwedeng pabayaan ng ganoon na lang si Grant dahil kaibigan ko pa rin siya. We had a past. He's the guy I used to be in love with. And I still love him, but not the way I was in love with him before. Nakalaan na para kay Rush ang buong puso ko. Yun nga lang ay hindi niya alam dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya iyon.

"Where's Rush?" tanong ni Kade. Kada unang kita namin ay itinatanong sa akin iyon ni Kade at sa bawat pagtanong niya ay hindi ko maiwasan ang hindi mainis.

"Kapag hindi ka tumigil sa kakahanap kay Rush sa akin, isasaksak ko talaga sayo 'tong ballpen ko." I snapped at him and Kade pouted. Inusog niya palayo ang upuan mula sa akin at lumingon sa katabi niya.

"Where's Rush?" tanong niya sa isang katabi niya at para naman sumabog ang ulo ko sa pagkainis.

"Kade!" hinampas ko ng malakas ang likod niya at napa-aray siya ng malakas pero hindi niya talaga ininda iyon dahil tumawa agad siya ng malakas.

"Bakit ba kasi ayaw mo ako sagutin? I just wanna know where he is."

"Bakit ba gusto mong malaman?" masungit na sagot ko dito.

Ngumuso si Kade sa akin. "It's just... I miss him so bad."

"Savellano!" hinampas ko ulit siya sa likod. "Mapapatay talaga kita!"

"Fine. Hindi na kita aasarin. Masakit ka talaga manghampas, Maxwell." tumatawang sabi niya habang hinihimas ang likod. "But why is he not around though? Parang nung nakaraan lang, kulang na lang i-glue yung mga labi niyo para di kayo mahirapan."

Nandilat ang mga mata ko at uminit ang buong mukha ko. Paniguradong namumula iyon. Mabilis na inangat ko ang kamay at ibinuwelo para hampasin ulit si Kade nang napakalakas pero agad niya itong sinalag.

"Ops! Ayaw ko na. Daig ko pa nagpenitensiya sa hampas mo. Just answer me and satisfy my curiousity, please?"

I retreieved my hand from him. Kade quickly crossed his arms to shield himself from me. I don't have any plan to smack him. For now. Ngayon ay pinag-iisipan ko kung sasabihin ko sa kanya.

Mean to Be (Mean #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon