Chapter Twenty-Four

82.5K 2.1K 621
                                    

Chapter Twenty-Four
Moaning

Nagmamadaling naglakad ako papasok ng mansion pagkatapos kong sabihin na ayaw ko silang makita. Hindi ko na sila nilingon pa ulit. Ang alam ko lang ay gusto ng tumulo ng mga luha mula sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang. I just wanted to get away from them and lock myself inside my room.

Nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko nang biglang may humawak sa braso ko at hinigit ako palabas. Lumaki ang nangingiyak kong mga mata at napasinghap ako sa pagkabigla. Agad kong tiningnan kung sino ang humatak sa akin.

"Rush." I gasped his name. Nakakuyom ang mga panga ni Rush, kitang-kita doon na galit siya. Samantalang ang mga mata niya naman ay namumula at kumikinang na parang kaunti nalang ay may luhang tutulo na mula roon.

"What are you doing here?" pagkasabi ko noon ay naalis na ang gulat sa mukha ko. Binalot na naman ng galit ang utak ko nang maalala ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Sinubukan kong hilahin ang braso ko ng isang beses pero mahigpit ang hawak niya doon. "Diba ang sabi ko, ayaw ko kayong makita? Let me go!"

"No!" sigaw ni Rush sa akin.

"What do you mean no? I don't want you here! Leave me alone! Bumalik ka na lang ng New York, madali lang naman para sayo iyon diba?" patuloy ko siyang itinutulak palayo sa akin at inaagaw ang braso ko mula sa kanya pero hindi niya ako binibitawan. Masyadong mahigpit ang hawak niya at mas malakas siya sa akin kaya wala akong magagawa.

"Just go away! Umalis ka na! I don't wanna see you!" Rush grinded his jaw as I continued on pushing him away from me. No matter how hard I push, he keeps on coming back.

"Will you shut up, baby? Fucking shut up." galit na singhal niya sa akin habang tinititigan ang mga labi ko. Hindi na ako naiiyak sa sakit, pero naiiyak ako sa galit. Can't he just leave me alone? I need time for myself. Gusto kong mag-isip. Gusto kong isipin kung anong gagawin ko sa mga nalaman ko mula sa kanila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanilang dalawa.

Napatigil ako sa pagtulak sa kanya at nakaramdam ng panghihina. Nag-init ang mga mata ko sa mga luha na nagbabadyang lumabas.

"Rush... Please, I want you to leave me." parang sinampal si Rush nang narinig niya ang pag basag ng boses ko.

"Baby, no." bulong ni Rush habang umiiling-iling. Pumatak ang mainit na luha pababa ng pisngi ko. Nanlalabo na ang paningin ko pero hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha niya na mukhang nasasaktan sa panonood na ginagawa niya sa akin.

"I'm hurt, Rush. I'm so hurt. And I'm so mad at you. I can't believe you two could place a stupid deal over my feelings." I cried and Rush watched me with guilt playing on his face. He should feel guilty. He's the one who's at fault here. "You left me because of that deal?"

"No, baby, I left because you chose him. That deal just made me see it. Ilang beses akong nagmakaawa sayo, Maxwell. Ilang beses akong nanlimos ng atensyon mo, pero sino ang pinipili mo? I went down on my knees and you choose him every. damn. fucking. time." patuloy ang pag-iyak ko habang nararamdaman ko ang paulit-ulit na pagbasag ng puso sa loob ng dibdib ko.

"Hindi ba akong pwedeng mapagod? Hindi ba ako pwedeng magpahinga? I was so restless when you chose him that night, Maxwell. You broke me into million pieces."

"But I chose you that night! Even before that night, I already knew I was madly in love with you! When you begged me to be with you, I almost said yes. But I want to break things off with Grant first. I needed him to let me go. Ayaw kong um-oo sayo at sabihin ang buong plano ko dahil hindi ko kayang gawin iyon kay Grant at ayaw kong maramdaman mong pinaghihintay kita."

Rush bit his lip and closed his eyes in pain. Pinanuod ko ang lukot na mukha niya. Tumigil na sa pagpatak ang mga luha ko dahil sa huling pagsigaw na ginawa ko. Umiling-iling si Rush bago idinilat ang mga mata niya. "Baby, I don't want us to fight."

Mean to Be (Mean #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon