Read my new story! The Thing About Karma, click the external link or check out my works.
xx
Chapter Twenty-Two
So BadUmuwang ang mga labi ni Rush sa narinig niya sa akin. Biglang lumiwanag ang mukha niya pero mukhang hindi siya sigurado sa itsura niya. Itinulak ako ni Rush palayo sa kanya pero hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"What did you just say?"
Napawi ang ngiti sa labi ko sa tanong niya at iniripan siya. Alam kong narinig niya ako. Hindi lang siya sigurado kung tama ang narinig niya. "I said, I'm in love with you. I love you, Rush De la Fuente."
Nanlaki ang mga mata ni Rush at umiling-iling sa akin na parang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin. Tinaas ko ang kilay ko sa kanya at unti-unting lumawak ang ngisi sa mukha niya. "Are you serious? You're not lying, baby?"
"No, I'm not lying."
"You really love me?" Rush was grinning widely that my heart is hurting. Para siyang batang pinangakuan ng candy. I never knew telling how I love him could feel this good. Parang natanggal yung puso sa dibdib ko.
I smiled. "Yeah."
Rush bit his lip, not even trying to hide the glimmer in his eyes. He shook his head before pulling me close into a hug. "Baby, I'm not going to let you go now. Not ever."
"Well, I don't want you to let me go either." mas humigpit ang yakap ni Rush. Hindi ako makahinga. Yun nga lang ay hindi ako sigurado kung dahil sa sinabi niya iyon, sa saya na nararamdaman ko, o dahil lang sa mahigpit na pagkakayakap niya sa akin.
"You're mine now, baby. I'm going to destroy anyone who tries to steal you from me." umirap ako sa kabaliwan niya pero napangiti rin ako. I would do the same for him, of course. Kung may umagaw man kay Rush mula sa akin ay papatikimin ko ng impyerno. If they want Rush, only hell is what they'll receive.
Naging okay na kami ni Rush. He was really happy after I told him the truth. He seemed pretty relaxed and content after that. Buong magdamag ay hindi maalis-alis ang ngisi sa labi niya. Sa sobrang saya niya ay siya na lang ang gumawa ng project namin. He told me to rest in his bed for a bit at hindi na ako kumontra.
He made me eat dinner with him before driving me home. I secretly smiled when he drove me home. Kinabukasan ay bumalik ulit si Rush sa pagsundo sa akin. Umaga pa lang ay tinanong na ako ni Kade kung gusto kong magsabay kami, but I know Rush will pick me up kaya sinabi ko na hindi ko na kailangan.
Pinaghintay ko na lang si Rush sa cafeteria para hindi makatutol si Kade sa pagsabay sa akin mag lunch. Alam ko kasi na kapag nakita niya si Rush ay aalis agad siya at magda-dahilan na may iba siyang lakad.
"Maxwell," I heard Kade groan as soon as we entered the cafeteria. Siguro ay nakita niya agad si Rush. Hinanap ng mata ko ang lamesa kung naasan si Rush at hindi ako nahirapan. He stands out in the crowd. Mag-isa siyang nakaupo sa lamesa at mukhang abala sa phone dahil nagpipipindot siya don. Who's he texting? Ngumuso ako.
Nilingon ko si Kade na hindi man lang umalis sa kinatatayuan niya. "Bakit ba ayaw mo sumabay sa amin ni Rush?"
He frowned. "'I don't like thirdwheeling."
"Isipin mo na lang, I'm the one who's third wheeling and you two are on a date."
"Oh my G! Makaka-date ko si Rush! Am I like, maganda na for our date?" hinawi ni Kade ang imaginary long hair niya sa magkabilang tenga at matapos ay ngumuso. Napangiwi ako sa itsura niya pero sa dulo ay natawa rin nang nilakihan niya ang mga mata niya at matapos ay ipinikit-pikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/23885344-288-k438366.jpg)
BINABASA MO ANG
Mean to Be (Mean #2)
Genç KurguSometimes, you do crazy things for the one you love. No matter how mean or absurd it is, gagawin mo pa rin. Kahit na magmukha kang masama. Kahit na sabihin nilang madamot ka. Kahit na alam mong mali. Ika nga nila: "All is fair in love and war." It h...