Chapter Nineteen

88.4K 2.3K 584
                                    

Chapter Nineteen
Star burst

Rush:
I'm here.

Ibinaba ko ang phone ko at nagmamadaling sinubo ang natitirang pancake bago tumayo. "Eat slowly, honey. Baka mabulunan ka niyan."

Sunod na dinampot ko ang baso para ubusin ang laman na iced tea. Inilapag ko iyon at marahan na pinunasan ang bibig ko bago nilingon si Mommy. Nakalimutan ko na kasabay ko nga pala siya kumain ngayon ng breakfast.

"Rush's outside, My. I need to go. He'll be pissed kapag pinaghintay ko ng matagal." I rolled my eyes. I said it 'cause it's true anyway. Sisimangutan ako nun pero saglit lang dahil hindi rin naman niya ako natitiis.

"Rush picked you up? Where's Kade?" Ngumuso ako. Kilala na ni mommy si Kade. Madalas rin akong sinusundo ni Kade sa bahay kaya natural lang na magtaka si Mommy dahil si Rush ang sumusundo sa akin.

"Wala po kaming usapan ngayon, My. Anyway, I need to go. Love you." I leaned down to kiss her on the cheek. Tumango muna si Mommy bago sumagot.

Lumabas na ako agad. Bumungad sa akin si Rush na nakapalmusa at nakasandal sa sasakyan niya. Umikot ang tiyan ko pagkakita ko sa kanya. Why does he have to be that damn handsome?

Mas gumwapo siya at mas lumaki ang katawan niya. New York did really good for him. Dumagdag pa sa malakas na dating niya ang pananamit. Sa porma pa lang ay makikita mo na galing siya sa napakayaman na pamilya. Kung ganito siya kagwapo, panigurado na marami siya naging babae sa New York. It's impossible for him not to date. Especially when I broke his heart when he left.

Oo, wala ako nakitang babae si Rush nung nasa tabi ko lang siya. Kahit kailan, wala. Pero paniguradong nag-iba iyon nung umalis siya dahil nasaktan ko siya nang umalis siya. Napasimangot ako sa inisip ko. It's not good to entertain bad thoughts in a very fine morning.

Yumuko si Rush nang makalapit ako sa kanya. Hinawakan niya ang isang pisngi ko bago inilapat ang mga labi niya sa labi ko. Napapapikit ako agad at tinanggap ang bawat halik niya sa akin. Nagtagal lang iyon ng ilang segundo bago umayos ng tayo.

Rush stroked my cheek with his thumb, looking at me with his soft and expressive eyes. I really love the way he looks at me. It never fails to make me melt inside and out. My body reacts extremely with just his looks.

"Why were you frowning? Hmm?" tinaasan niya ako ng kilay.

Ngumuso ako at matapos ay umiling na lang. "None of your business."

Bumagsak ang nakataas na kilay ni Rush nang humahalak siya sa naging sagot ko. Madiin na kinurot niya ang pisngi ko kaya napa-aray naman ako doon. "Ang sungit mo talaga. I like it."

"You like it because it turns you on." umirap ako at nanunuyang ngumisi siya.

"Baby, everything you do turns me on." malalim at namamaos ang boses niya. Sobrang nakakaakit at alam ko na sadya niya iyon. Namula ang buong mukha ko dahil doon. Maligalig na humalakhak si Rush. Mapang-asar iyon kaya hinampas ko siya sa braso.

"You're such a pig."

Rush grinned, bringing his face down again to peck me on the lips before mumbling something in my mouth. "Oink."

Ipinaalam agad sa akin ni Rush na susunduin niya ako after class. He told me that we're going on a date later. Gusto niya sana ay deretso date na kami pagkasundo niya sa akin pero gusto ko munang mag-ayos. I'm not going out with him with just my regular uniform. If we're going out on a date, then I want to dress up.

Mabilis na hinalikan ulit ako ni Rush sa labi bago ako iniwan sa tapat ng room ko. Nakabukas ang pinto kaya paniguradong nakita iyon ng mga students na nasa loob kung sakaling nakatingin sila. Nang pumasok ako ay nasa akin ang mga mata, maging si Kade ay malawak ang ngisi sa mga labi.

Mean to Be (Mean #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon