Chapter Seventeen

86.6K 2.6K 843
                                        

Chapter Seventeen
Niloko

Idinikit ko ang unan sa mukha ko at paulit-ulit na sumigaw. Kanina ko pa ginagawa iyon pero hindi mawala-wala sa utak ko ang nangyari noong Sabado. Eto rin ang naging reaksyon ko nang magising ako nung Sunday.

Buong araw, wala akong ibang naisip kundi ang kahihiyan na ginawa ko nung gabing iyon. Pati ngayon, yun pa rin ang unang pumasok sa utak ko nang magising ako. Kahit anong tulak ang gawin ko ay pilit na bumabalik sa akin ang lahat.

"I wanna kiss you."

Napatili ako nang marinig ko ang sariling boses ko. Even the way I sounded was embarassing. I sounded sensual and needy. Nakakahiya talaga! Hindi ako makapaniwala na sinabi ko iyon.

"Kiss me, Rush."

Narinig ko ulit at napabangon ako. Umiling-iling ako habang hawak-hawak ang magkabilang ulo ko. Hindi ko alam kung paano pigilan ang sarili ko sa pag-isip tungkol doon. It was an internal battle and I was losing completely.

"I wanna kiss you, again." my voice sounded breathless and wanton.

"No!!" I screamed. Nagmamadali akong tumayo palayo sa kama. Kailangan kong maligo. Siguro ay kapag nakaligo na ako ay mawawala na ang lahat ng iniisip ko. I was wrong, of course. It only became worse. I thought about everything even more, including the kisses.

Hindi pa nagpaparamdam si Rush sa akin simula nang gabing iyon kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko kung nandoon si Rush kinabukas. I would be pathetic, I bet.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung pinagsisihan ko ang pag-inom ko. I didn't like it but I know how much I wanted to kiss Rush and taste his lips again. Kahit hindi lasing ay alam ko na gusto ko iyon. Hindi ko nga lang iyon magagawa kung walang tulong ng alcohol.

My phone was blasted with missed calls and text messages from Kade. Tinawagan ko si Kade nung linggo at sinabi ang nangyari. Hindi lahat, pero sinabi ko sa kanya na sinundo ako. Hindi niya na tinanong kung sino. Alam na rin naman niya na hindi ko sasagutin iyon.

Pinatawad niya rin ako sa pag-alala na ginawa ko sa kanya kagabi. I doubt he even had the time to worry that hard for me because he's also shitfaced last night. Alam ko iyon dahil hapon na siya tumawag sa akin.

Hindi rin ako nagtagal sa banyo. Binilisan ko ang paliligo dahil mas lalo akong napapaisip sa enclosed space. Gusto ko ng umalis at abalahin ang sarili ko sa pakikinig ng lecture. Sana ay maging busy ang araw na ito dahil baka hindi ko kayanin kapag ipinagpatuloy ko pa ang pag-iisip ko. Mababaliw siguro ako.

Nang makababa ako ng hagdan, dumeretso ako sa dining area para kumain ng breakfast. Marami akong spare time dahil hindi naman ako makatulog ng maayos dahil nga... ayaw ko ng isipin pa.

"Good morning, Mo-" napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa tapat ng upuan ko. Napanganga ako nang lumingon ang lalaki at humarap as akin si Rush. Alam ko naman na agad na si Rush iyon kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Kilalang-kilala ko ang pangangatawan ni Rush. Hindi ko lang talaga matanggap na nandito siya ngayon.

"What are you doing here?" my voice turned into higher octaves. Tumaas ang kilay ni Rush sa naging tanong ko. I sounded really defensive. I'm so pathetic.

"Maxwell Allen." nilingon ko si Mommy na nakasimangot sa akin ngayon. I was suddenly embarassed of how badly I reacted. I flushed, readying myself to apologize to my mother when Rush let out a chuckle.

Mean to Be (Mean #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon