Chapter 24: The One That Got Away
Rose's POV
Magkasama kami ni Layana, na pilitin ang ibang estudyante na sumama sa amin. Ngunit ni isa ay walang gustong sumama sa amin. Walang nagtitiwala sa amin.
Parehas kaming napa buntong hininga ni Yana.
Peste! Bakit ba ayaw nilang magtiwala sa amin!? Para sa ikabubuti nila ang ginagawa namin!
"Hindi natin napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Ano na ang gagawin natin?" Naka pusod ang buhok ni Yana, wala din ang suot niyang salamin kaya mas lumabas ang ganda niya.
Napa kibit balikat nalang ako. Ano ba ang tamang gawin sa mga taong ayaw makinig?
"Plan F" Wala sa sarili ay nasabi ko ang dapat ay sa utak ko lang. Tinapik ako ni Yana, kaya napatingin ako sa kanya.
"Tama! Tara na!" Hinatak niya ako papunta sa isang dorm. Sinipa namin ng sabay ang pinto hanggang sa mabuksan ito. Nagtilian ang mga tao sa loob.
Wala naman kaming dapat na ikapa-bahala. Dahil sa mga oras na ito ay wala ang lahat ng opisyales dito sa Angel Academy. Planado ang lahat.
"Sino kayo!?" Tanong ng babae. Nilapitan ko siya at sinapak sa panga para makatulog. Ayaw namin itong gawin pero, pasensya na.
Ganoon rin ang ginawa ni Yana, sa dalawa pa. Nagtinginan kami at saka hinatak palabas ang tatlong babae. Kailangan namin silang maidala sa likod ng building para maipalabas na sila rito.
Hingal na hingal kaming parehas ni Yana, ng makarating sa likod ng building. Sinalubong kami ni Tanner, at tinulungan na buhatin ang dalawa.
"Bakit sila walang malay?" Takhang tanong nito. Napairap lang ako at tinapik tapik siya.
"Ayaw nila sumama sa amin. Kaya na ganyan" Pagpapaliwanag ko. Nanlaki naman ang mga mata niya pero di kalaunan ay tumawa rin.
Pumunta pa kami sa unang dorm at ginawa ang plano namin ni Yana. Para na kaming mga serial killer sa ginagawa namin. Kulang nalang ay mag hawak kami ng kutsilyo na puno ng dugo.
Habang hatak hatak namin ang babae ay nakasalubong pa namin si Jupiter. Nagtataka sila pero nag kibit balikat lang ako sa kanya. Tumawa lang siya at kinurot ako sa pisnge. Inasar pa kami ni Yana, kaya ayun nabigyan ko din ng suntok.
Huling dorm nalang ang pupuntahan namin nang kusa na itong bumukas at niluwal niyon sila Naria.
"No need to harass us. Hindi kami sasama, tutulong kami sa inyo" Nagkatinginan kami ni Yana, saka muling tumingin kay, Nari. "Bitch, di tayo friends pero gusto ko maka bawi. Gusto kong tulungan kayo na pabagsakin si tanda" Tumaas pa ang isang sulok ng kilay niya bago pumalakpak. Lumabas ang lima niyang alipores at yumuko sa kanya na para bang isa siyang reyna. "Tutulong din sila. Diba bitches?"
"Yes, queen b" Napahanga ako kung paano niya pasunudin ang mga ito. Agad na kumilos ang mga alipores niya. Bumalik sila sa loob, at sa paglabas nila, may dala na silang kanya kanyang baril.
Nangunot naman ang noo ko ngayon. Paano silang nakakuha ng ganyan? Dito sa Angel Academy, illegal ang pag gamit ng baril, maliban nalang kung ikaw ay isang opisyales o di naman kaya ay may koneksyon ka.
"Let's go!" Sabay sabay kaming naglakad pabalik sa likod ng building. Naabutan na namin lahat doon, at nagulat pa sila ng makitang kasama namin si Nari. "You, bitchy, di pa tayo tapos" Tinutukan niya ng baril si Thraia. Inawat ko naman agad si Nari.
"Tutulong sila. Mas marami, mas maganda" Pahayag ko sa kanilang lahat. Agad namang tumutol si Thraia.
"Paano kapag traydurin tayo niyan?!"
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...