ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 23

117 9 0
                                    

Chapter 23: choose......

Thraia's POV

Inaantok pa ako ng pumunta sa kusina. Wala akong tulog dahil kaka isip sa nangyari. Kumuha ako ng pagkain at narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Ayos ka lang Thraia? Mukha ka ng Panda. May itim sa ilalim ng mga mata mo, at namamaga pa ang mata mo" Pinaguhit niya pa ang daliri niya sa mata ko. Ngumiti lang ako kay Layana at nilapag sa mesa ang pagkaing kinuha ko.

"Ayos lang ako. Hindi lang nakatulog ng maayos" Pagpapaliwanag ko. Umupo siya sa harap ko at tinignan akong kumain.

"Narinig ko ang pagtatalo niyo ni Anica. Kung tatanungin ka Thraia, mahal mo pa ba si Tanner?" Halos mabilaukan ako sa naging tanong ni Layana. Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Di ako makapaniwala na pinsan kita" Inilihis ko ang usapan, pero tanging pag ngiwi lang ang ginawa niya. "Hyst. Hindi ko din alam" Pagod akong bumuntong hininga.

Parehas nalang kaming tahimik nang muling bumukas ang pinto. Pumasok si Rose, at naki upo rin sa harap ko.

"Nakita ko yung dalawa, muntik ng magsuntukan" Nangunot ang noo ko at na realize kung sino ang tinutukoy niya. Akma na akong tatayo ng pigilan niya ako. "Kinausap ko na. Huwag ka ng mag-alala" Napanatag naman ako.

"Bakit sila nag away?"

"Aba, malay! Ang ganda mo kasi" Nakangiwing sagot ni Rose. Napairap nalang ako. Lumabas ng kuwarto si Anica at Hannah. Naki upo rin sila sa amin. Wala naman kaming kibuan lahat.

"Magpipinsan tayo" Wala sa sarili ay nasabi ni Hannah. "Sabihin niyo ngang dalawa sa amin kung bakit kayo nag sisigawan" Tinignan niya kaming dalawa ni Anica. Napatungo lang ako at hindi sumagot.

"Alam mo Anica, hayaan mong mag desisyon si Thraia. Ang isipin mo ang sarili mong love life" Nagpigil ako ng tawa sa sinabi ni Rose. Naramdaman ko naman na nanigas si Anica. Tumingin ako sa kanya at nag pipigil na siya ng kanyang luha. Tinapik ko at nag umpisa ng magsunod sunod sa pagtulo ang mga luha niya.

"Kapag naka labas ako ng Angel Academy, pupunta ako ng America! Makikita ng Sam, na iyan! Makaka move on din ako sa kanya!" Imbes na ako sa kaibigan slash pinsan kong ito, natatawa ako. Ang panget niya kasing umiyak. Kulang nalang ay magdabog siya na parang bata.

Napangiwi naman si Rose, habang si Layana at Hannah, ay nag aalala ang mukha.

Nagpatuloy parin sa pag-iyak si Anica, nang bumukas ang pinto. Pumasok si Jervy kasama ang kasintahan nitong si Maricar, at kasama rin si Tanner.

Akma na akong tatayo ng pigilan ako ni Anica. Hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"Sis" Tawag ni kuya Jervy, kay Rose. Lumapit naman si Rose, at yinakap ang kapatid. Nagka ayos silang dalawa dahil narin kay Maricar. Si Maricar rin ang luminaw sa katotohanan na kaming anim ay magkaka mag-anak. Sa pamilya daw ng mga Dy, nag iisang lalaki si kuya Vy.

"Can I talk to you?" Napatingin ako sa likuran ko. Maliit lang ang ngiti sa labi ni Tanner, hindi tulad ng nakasanayan kong Tanner, na may laging malalaking ngiti sa labi kapag kaharap ako.

Tumango ako bilang sagot at pumasok kami sa kuwarto ko. Pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kama ko, habang umupo lang ako sa tabi niya. Hindi ako makatingin ng direkta sa mata niya.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon