Chapter 10: Beating Fast
Hanna's POV
Mga mata'y pilit na ipikit itsura nya'y sa utak ko'y nakadikit.
Iyan ang mga salita na hindi mawala wala sa aking isipan. Ang lalaking iyon.
FLASHBACK---
Naka upo habang nanonood sa laban ni Rose. Talagang tuwing may lalaban sa amin ay natatakot ako. Sumisigaw pa ang lalaki na nasa likuran lang namin. Siguro kilala nya ang isa sa mga lumalaban.
Natapos ang laban ni Rose na talagang tulala siya, at napag alaman namin na buntis pala ang isa sa mga napatay nya. Ang babaeng nag ngangalang, Maricar. Naaawa ako sa sanggol at para kay Maricar. Hindi dapat ito nangyari sa kanila.
Pagkatapos ng aming laban, na madali lang ding natapos dahil kusang sumuko ang mga kalaban, hindi ako sumabay papuntang dorm kay Anica. Pumunta ako sa music room at kinuha ang isa sa mga gitara roon.
Nag umpisa ko itong kalikutin.
"Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako nagkamali?" Huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa pagkanta. "Bakit sa iyo pa nagkagusto?
Parang bula, ika'y naglahoPorque contigo yo ya escogi?
Ahora mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti...Ta pidi milagro
Bira'l tiempo
El mali ase derecho
Na dimio reso
Ta pidi yo
Era olvida yo contigo" Ngumiti ako matapos kumanta. Nilapag ko ang gitara at saka nilibot ang tingin sa buong music room.Hmm? Wala atang tao ah. Tumayo ako at pumunta sa harap ng stage, gusto ko namang subukan ang piano. Sa stage naka lagay ang piano kung kaya't kinakailangan ko pang umakyat roon.
"Kahit anong gawin, pighati'y tila hindi mawaksi!
Mga mata'y pilit na ipikit itsura nya'y sa utak ko'y nakadikit"Nahinto ako sa paglalakad at tumingin sa lalaking naka tayo sa stage. Akala ko ako lang ang nandito.
Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin. Ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ngumiti ito at patalon na bumaba sa stage.
"Hi!" Ang laki ng kanyang pagkaka ngiti na halos makita na ang kanyang magkabilaang dimple. Ang cute nya. "Sabi ko, hi!"
"A-ah h-hello" kusa ding kumaway ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Ngumiti din siya pabalik. Tumango ulit ako sa kanya at saka tumalikod.
Nakaka ilang hakbang palang ako ay napatigil na ako sa kanyang tawag. "Wait! Ikaw ba yung kumakanta kanina?" Tumingin ako sa aking palapulsuhan na kanyang hawak hawak. Sa pangalawang pagkaka taon, nag habulan na naman ang mga kabayo sa aking dibdib.
Humarap ako sa kanya. "Ahm. Oo. Pasensya na kung, hindi kagandahan ang tinig ko"
"Hindi ah! Ganda kaya ng boses mo. Puwede tayong mag duet next time!"
"T-talaga?"
"Oo! But for now, bye! Tawag na ako ng kaibigan ko" Binitiwan nya ako at tumakbo na palabas ng music room. May tumawag sa kanya? Wala naman akong narinig ah.
Bahala na.
END OF FLASHBACK--
Di ko talaga malimutan ang itsura nya. Di siya katangkaran, di rin siya sobrang guwapo, pero nangingibabaw ang ka kyutan ng kanyang mukha.
Hindi na ako makapag-intay sa sinasabi niyang duet. Sana bukas na iyon.
❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀♥︎❀
Third Person Point Of View"Mga hunghang! Paanong pinabayaan ninyo ang babaeng nanakit sa aking anak!?! Paano kung namatay si Jupiter!" Isang malakas na sigaw ang natanggap ng mga kalalakihan mula sa kanilang amo.
Isang malakas na kalabog ang kanilang narinig at nagpatahimik sa lahat. "Dad! Huwag mo nga sermonan ang mga kaibigan ko!" Lumapit ito sa matanda at dinuro. "Wala kang karapatan!"
"Hindi!" Ganting sigaw ng matanda. "Anak kita! At kung sino mang Pontio Pilato ang mananakit sa anak ko ay magbabayad!"
"Dad! Buhay pa ako! Hindi mo na kailangan gawin iyon!" Ganting sigaw din nito. Nagbatuhan sila ng masasamang tingin sa isa't isa. Walang nagpapatalo.
"Miguel! Clark! Hanapin ang babaeng iyon at patayin!"
"Dad!" Mahihiwatigan sa boses ng lalaki na tutol ito sa gusto ng ama. Tumingin ito sa kanyang mga kaibigan na animoy nanghihingi ng tulong.
"Mr. Martinez, with due all your respect. Nagawa na ho naming saktan ang babaeng nanakit kay Jupiter" Nagsalita ang lalaking may kayumangging kulay.
"See dad?! Nasaktan na! Nothing worry!"
"No! Hindi sapat ang sinabi mong ginawa niyo, Lester!"
Tumayo ang matanda at basta nalang silang iniwan. Wala talaga ni sino man ang makaka pigil sa kanya. Ang lahat ng kanyang desisyon ay hindi na puwedeng bawiin.
"Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Mukhang mamamatay ng maaga si Rose, ah" Pagsasalita pa ng isa sa mga kaibigan ni Jupiter.
Masamang tinignan ng lalaki ang kanyang kaibigan. "Shut up Titus, baka gusto mong sabihin ko sa kanilang lahat kung anong ginawa mo kanina?" Nakaka loko itong ngumisi sa kaibigan.
Sunod sunod itong umiling. "Huwag ka namang ganyan, Jupiter!"
"Anong plano mo, Jupiter? Wala talagang makaka pigil sa ama mo. Mukhang tama si ballpen, mamamatay si Rose" seryosong sabi ng isa naman nitong kaibigan. Hindi sumagot si Jupiter, ngunit nakaka lokong ngisi naman ang kanyang iniwan bago iwanan ang kanyang mga kaibigan.
Isang paraan lang ang makaka pigil sa kanyang ama. At iyon ay ang pagtakas.
Mukhang hindi ko maibibigay ang kapayapaan na gusto mo, Rosas. Pagka-usap nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Açãoᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...