ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 13

123 11 0
                                    

Chapter 13: Scape

Thraia's POV

Naramdaman ko ang dahan dahan na pag-alog sa akin ng kung sino. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Naka-higa ako sa sahig. Bakit dito ko naisipang matulog?

Oo nga pala!

"Asan na yung lalaki?!" Umupo ako at humarap sa mga kaibigan ko na tulala. "Yana? Hannah? Anica?"

"S-si Rose, kinuha siya nong mga lalaki. Di na naka balik si Rose" Napanganga nalang ako sa sinabi ni Yana. At lahat na kami ay tulala na lamang.

"Hindi. Baka anjan lang sa tabi tabi si Rose, gumagala lang iyon. Hahanapin ko siya" tumayo ako at lumabas sa dorm namin. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Madilim na, wala na akong tao na nakikita.

"Thraia! Ano ba! Wala na nga! Wala na siya!" Tumingin ako sa likuran ko, lumapit ako kay Hannah, at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Akala ko ba kaibigan ka?! Hahayaan mo lang na mawala siya?! Nakita niyo na ba ang katawan niya! Wala diba?! Wal-"

"At bakit dito niyo naisipang mag-ingay? Gabi na, may mga natutulog na, nag-iingay parin kayo?" Napatigil kaming lahat at sabay sabay na tumingin sa nagsalitang lalaki.

Bahagya pa akong napaatras nang mamukhaan ko ito.

Siya yung lalaking nasa cr?! Yung lalaking gumagawa ng kababalaghan sa cr ng mga babae!

"At the count of five, I don't want to see you in here" Wala na kaming nagawa nong nag-umpisa na siyang magbilang. Tumakbo na papasok silang tatlo, pero bakit parang di ako makatakbo? "But except with you" Hinawakan niya ako sa braso at basta nalang hinatak kung saan.

"T-teka! Wala naman akong kasalanan sayo ah!?" Siyempre meron Thraia! Ang laki ng kasalanan mo! Pinanood mo kaya silang gumawa ng milagro! Kasalanan iyon! Di ka naman camera girl sa Po** H**

Huminto kami sa may pinakamadilim na lugar. "Shhh. I have something to tell" Rinig kong sabi nito. Wala akong makita kundi dilim. Bakit dito niya ako dinala?! S-siguro! "Don't overthink"

"B-babalik na a-ako sa dorm namin" Akma na akong maglalakad, ngunit bigla itong nagsalita.

"About Rose" Anong alam niya kay Rose. Napatigil ako at nakipagtitigan sa kanya.

"Nasan siya?" Ramdam ko na may alam siya. Alam niya kung nasaan ang kaibigan namin.

"She's safe with my friend"

"Bakit niyo siya kinuha?" Pinanatili kong kalmado ang boses ko, ang totoo ay kanina ko pa gustong sumigaw. Gusto ko siyang sapakin ng napaka hard. Ano ba ang kailangan nila sa kaibigan ko?

"Gusto siyang patayin ni Mr. Martinez" natutop ako. Martinez? Siya ang may-ari nitong school na toh. May anak din siya na nag ngangalang, Jupiter. At si Jupiter ang kinalaban ni Rose, hindi kaya? "Nagalit ang ama ni Jupiter sa ginawang pag saksak ng kaibigan mo" Nai kuwento niyang kinalaban niya si Jupiter, pero sinaksak?! Wala siyang sinabi sa amin! Nahihibang na talaga ang babaeng iyon!

"Nasaan si Rose?" Gusto ko malaman, para masabi ko sa mga kaibigan ko na hindi talaga patay si Rose, buhay siya. Buhay siya!

"I can't tell you"

"And why?"

"Tsh, ang mahalaga ligtas siya. Umalis ka na dito, gusto ko kayong patayin lahat, mas lalo niyong pinapahirapan ang buhay namin"

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon