ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 32

147 10 0
                                    

Chapter 32: Maricar and Jervy

Maricar's POV

"Maricar!" Inis akong napalingon sa babaeng tumawag sa akin. Wala talagang pinipiling lugar ang babaeng 'to. Kung saan niyo gustong sumigaw, doon talaga siya sisigaw.

Kunsabay, ama niya ang may-ari ng pinapasukan kong school ngayon.

"Ano ba 'yon?" Pakamot kamot sa ulo, kong tanong.

May ginagawa kasi ako, at nang aabala na naman siya. Sa palagay ko naman ay walang ka kuwenta kuwenta 'yang sasabihin niya.

Kakaibang Sabrina. Tsk. Tsk. Tsk. Ang babaw ng kaligayahan niya.

"Nakikita mo yung lalaking iyon?" Umupo siya sa harapan ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin, upang hindi marinig ng iba ang kanyang sinasabi.

Alam ko ang ganito niyang istilo. May natitipuhan na naman siyang lalaki rito sa school namin.

"Ang daming lalaking narito, Sab. Sino ba sa kanila?" Balik tanong ko sa kanya at pasimpleng nilibot ang mata sa mga lalaking may kanya kanyang ginagawa.

Ngunit nahinto ang mata ko sa isang lalaki na prente lamang naka upo at may subo subong lollipop sa bibig. Agad akong umiwas sa kadahilanang may kakaiba akong naramdaman.

"The guy with the lollipop in his mouth. The guy with the cherry lips. The guy wearing sunglasses here inside the library. Hihihihihi. He's a little bit weird, but his handsome" Impit pa itong tumili na animoy kilig na kilig sa nakikita. Nakurot niya pa ako dahil lang sa pagpipigil na mapatili.

Sanay na ako sa kanya.

Nangunot naman ang aking noo at muling tinignan ang lalaki. Siya pala ang tinutukoy ni Sab.

Handa na akong hindi pansinin ito, ngunit ganon nalang ang panlalaki ng mga ko ng tanggalin nito ang kanyang suot na sunglasses at kumindat sa akin-sa akin!?

Oo! Sa akin! Sa akin siya nakatingin!

"Oh my!!!!! Nakita mo yun!? Nagpapa cute siya sa akin!!" Di na napigilan at tumili na si Sab. Para namang gumuho ang mundo ko. Bakit ko ba kasi naisip na sa akin siya kumindat?

Nababaliw na ata ako?

Umiling nalang ako at binalik sa pagsusulat ang atens'yon.

Ngunit di paman ako nagtatagal sa pagsusulat. Nadulas ang kamay ko, dahilan kaya naguhitan ang notebook ko, dahil sa pagyugyog sa akin, ni Sabrina! Napapikit ako sa sobrang inis. Kinuha ko ang notebook ko at lumabas ng library.

Nakakairita! Paano na ako magpapasa ng gawain ngayon!?

Sabrina!! Kung hindi ka lang anak ng may-ari nitong school! Baka nasaksak na kita!!!

Inis akong naglalakad sa arawan ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko.

Sa sobrang taranta ay nawalan ako ng balanse dahilan upang matapilok ako.

"Ahhhh!!" Malakas kong tili. Naipikit ko na ang mga mata ko at hinahanda na ang likuran ko sa lupa na babagsakan ko, ngunit bisig ang sumalo sa akin.

Wala pa sa alas kuwatro ng idilat ko ang mata mo at napatayo ng maayos.

"Mag-ingat ka" Malambot na boses ang pagkaka sabi nito. Inirapan ko lang ito at inayos ang palda ko, na medyo tumaas.

"Bakit ka kasi nanghihila?" Masungit kong tanong. Nakataas pa ang isang kilay ko sa kanya.

Matigas ang puso ko. Kaya kong pumatay ng tao sa loob lamang ng limang segundo. Kaya kitang saksakin ng di mo napapansin. Ngunit ng ngumiti siya, parang natunaw ang pagkatigas ng puso ko.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon