ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 31

114 11 0
                                    

Chapter 31: Hannah and Rym

Hanna's POV

Naka upo lamang ako sa isang sulok ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko.

"Eh, ako po? Nasaan po ang mga magulang ko?" Sumingit na ako sa usapan ng mga tita at pinsan ko. Nakaharap na ni Anica, ang nanay niya na si tita Mylene.

Sabay sabay silang napatigil sa pag-uusap at takang tumitig sa akin.

"Siya ho si Hannah, isa din po siyang, Dy" Si Layana na ang nagpaliwanag ng pagka-tao ko.

Nanlaki naman ang mga mata ng ginang at nagkatinginan sa isa't isa. Unang lumapit sa akin si tita Andrea, na siyang ina ni Thraia.

"Ikaw pala ang anak ni Mary. Pero hija-"

"Andrea! Huwag mo siyang biglain!" Natigil sa pagsasalita ang isang ginang nang magsalita ang ina ni Anica, si tita Anna.

"Tama si Anna, Andrea. 'wag natin siyang biglain" Sumingit din ang isang ginang na si tita Maria, at sumang-ayon pa sa pinaguusapan ng dalawang ginang.

Nakakunot lamang ang aking noo, at pilit na inuunawa ang kanilang pinag uusapan.

Ano ba ang ibig nilang sabihin, sa huwag akong biglain? Ano ba ang nangyari? O may nangyari nga ba?

"Pero, gusto ko na rin hong makita ang magulang ko" Nagsusumamo kong saad.

Gusto ko ng mayakap ang magulang ko. Gusto ko na ring maramdaman kung paano mayakap ng isang ina. Gusto ko na siya makilala at gusto ko ring I kuwento sa kanya ang lahat ng pinag daanan ko sa loob ng paaralan na iyon!

Nagkatinginan ang tatlong ginang at sabay sabay na napabuntong hininga.

Humakbang papunta sa harap ang isa pang ginang. Kung hindi ako nagkakamali, siya si tita Mylene. Ang ina nila Rose at kuya Jervy.

"She needs to know the truth" Bigla nitong saad.

Mas lalo akong naligo. Ano bang totoo?

"Ate?"

"Gusto ko pong malaman kung ano ang sinasabi niyo" Pagsasalita ko. Hindi ko na matiias. Gusto ko ng malaman kung ano ba ang dapat kong malaman.

"Mary Joy, our sister, your mother....is dead"

"Ano po? Di ko po, maintindihan, puwede pong....paki tagalog?"

Napakurap kurap siya sa sinabi ko at napabuga ng hangin. "Pasensiya" Mahina nitong saad. "Ang ina mo. Wala na siya Hannah. Pumanaw na siya, pumanaw siya dahil sa isang aksidente. Ang ina mo ay isang agent, sa aming konklusiyon, may nakuha siyang lead kung nasaan kayo, kaya gumawa siya ng hakbang para mapuntahan ka, ngunit naaksidente siya at kasama niya din ang ama mo-"

"Ahhhhhhhh!!!!!" Tinakpan ko na ang dalawa kong tainga. Hindi ko na kaya pang marinig ang mga sinasabi niya.

Patuloy parin ako sa pag-iyak habang naalala ang lahat ng nalaman ko no'ng araw na iyon.

Hindi matanggap ng isip ko, ng puso ko, ng buong pagka-tao ko na, wala na akong magulang.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon