Chapter 16: Demon Sis'Bro Hood
Thraia's POV
Kanina pa dilat na dilat ang mga mata ko. Di ko malimutan ang sinabi sa akin ni Anica.
"Maghinay hinay ka, Thraia. Tandaan mo, may Tanner ka pang naiiwan sa labas ng Angel Academy, mag ingat ka sa mga galaw mo, baka iyang kaharutan mo ang magdala sa atin sa kapahamakan"
Wala naman si Tanner, dito ah. Bakit ako kinakabahan? Di bale na, gagalingan ko sa pang aakit kay, Titus. Makaka labas din kami ng Angel Academy.
Magkikita ulit kami ni Tanner.
------
Magka sabay kaming pumunta ni Anica sa classroom. Nasa hall way palang kami ngayon, at maraming mata ang naka tingin sa amin.
Ano bang bago?! Ganon talaga pag maganda pinag lalawayan ng mga panget!
"Kaibigan nila yung bagong miyembro ng Angel Sis'bro hood, diba?" Isa iyan sa mga tanong na kanina ko pa naririnig. May bagong member? Bakit sa amin sila nakatingin?
"Oo, matalino daw ang bagong member" Umirap nalang ako sa mga nadadaanan naming nag bubulungan.
Wala akong paki-alam sa mga sinasabi nila, dahil di ko naman alam sinasabi nila.
Huh?
"Mga grupo ni Nari!! Alis na tayo dito!" Sigaw ng kung sino. Sa isang iglap ay nawala na ang lahat ng mga estudyante na nagbubulungan.
Sino naman itong Nari, na ito? Ano siya? Reyna sa impeyernong ito? Asawa ni satanas? Binanggit lang pangalan niya takbo na agad sila.
Tumingin ako sa babaeng may makapal na lipstick at makapal na blush on. She look like a clown. Not the funny one, but like in the movie who's killing a child. Si killer clown? Masama siyang nakatingin samin ni Anica.
Huminto kaming pareho at nagtitigan. Tumingin ako sa dalawang babae na nasa likuran niya. Mga samahang clown ata ang mga ito. Their cheeks is like a fire burning in red. Did you get my point? Sobrang pula ng pisnge nila.
Basher na kung basher, ang panget talaga nila.
Nagsalubong ang kilay ng leader nila. "Biatch! Get out on our way!" May pag pitik pa ng kamay na sigaw niya. Kung umasta ito ay akala mo kung sinong lasing na naghahamon sa kanto.
Siniko ko si Anica. "Ano sabi?" Mahina kong bulong. Tumingin sa akin si Anica, at umirap. Humarap siya sa babaeng clown.
"Sorry if we harang harang in your daan, we didn't know kasi na you owe this way!" Nagsalubong ang kilay ko sa naging sagot ni Anica. If we harang harang? Kailan pa siya naging conyo? If I'm not mistaken, ako lang ang conyo samin. Then now nakiki conyo siya?
"You didn't know me?" Nakataas ang isang kilay niya habang naka cross arm siya.
Ngumiwi ako.
"Why? Do we need to know you?" Saka ako umirap sa kanya. Tama ba sinabi ko?
"Yes, 'cause I'am Nari, Titus Hernandez's girlfriend. So you really need to know, respect, and obey me. Now! Get out of our way" Malakas niyang sigaw. At ang kaninang mga estudyante na nagtakbuhan ay nagbalikan at nakikitingin sa nangyayari. Sinenyas niya pa ang kamay niya na para bang pinapatabi talaga kami.
Naghagigikan ang dalawa niyang kasama. Nanlumo naman ako. Ganon na ba talaga sa lugar na ito? Porket may posisyon ang boyfriend mo, mag re reyna reynahan ka na agad?!
![](https://img.wattpad.com/cover/243543219-288-k278920.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Acciónᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...