Chapter 21: meeting
Third person's POV
Litong lito ang iba sa magkaka ibigan kung bakit nasa loob ng kanilang dormitoryo ang Angel SBH at ang babaeng nag ngangalang Maricar Atadero.
Totoo ngang buhay siya? Ang akala nila ay niloloko lamang sila ng lider ng ASBH.
"Ano na ang gagawin? Tutunganga nalang ba tayo?! Let's start the plan!" Masaganang wika ng magandang babae na si Sabrina. Pumalakpak pa siya at lumapit sa sofa. Kinindatan niya ang magkakaibigan. "Good job girls!"
"Good job your face! Wala nagawa ang plano mo, idiot!" Sagot ng nakababata niyang kapatid na si Jupiter. Sumiring naman sa kanya si Sabrina.
"What do you mean?"
"Alam nila ang plano naten" Nakangiting sagot ni Rose. Kumunot naman ang noo ni Sabrina. Sa huling pagkaka alam niya ay ayaw lumapit ng babae kay Jupiter. Bakit ngayon ay magkatabi pa sila, at ngumingiti pa siya? Anong nangyari noong panandalian siyang lumabas ng Angel Academy.
"Really? So did you do our Plan F?" Nakangiti nitong tanong. Ngumiti lang si Rose sa kanya at nagkibit balikat. "Yeah, I knew it! You did so great!"
"Plan F? I thought it's Plan A to E? Why there's a F? Oh fuck! Guys did you miss the other one?!" Halos lumukob sa buong silid ang malakas na tinig ni Jupiter. Isa isa niyang tinignan ang mga kaibigan niya. Isa isa din itong nagkibit balikat sa kanya, maliban kay Sam. "Did you know about the plan F?"
Ngumisi lamang si Sam at itinuro ang babaeng kaharap niya. "B-bakit ako?" Naguguluhan nitong tanong at itinuro pa ang sarili.
"Yeah, f**k love" nagkibit balikat si Jupiter, at sinandal ang ulo sa balikat ni Rose.
"Yeah, f**k. F**k you" Sabrina raised her middle finger on his brother. They just laugh and everything went back to normal.
Ilang segundo na walang nagsalita sa kanila, tanging tunog lamang ng kuliglig ang naririnig.
(A/N: Ano ba yung kuliglig? HAHAHA di ko din alam eh)
"Hindi natin basta basta matatalo ang ama niyo" Muling nagsalita si Maricar. "At sa mga oras na ito, Jupiter, alam mong alam na ng ama mo na mag aaklas kayo laban sa kanya" Seryosong sabi ni Maricar.
Napatayo ang iilan sa kanila at sabay sabay na napatanong maliban sa iba. "Paano?!"
"Hannah" Tinignan ni Maricar ang anghel na babae.
"Ako, ako ang may kasalanan. May gusto lang ako linawin sa pagka tao ko" Nakatungo nitong pagpapaliwanag.
"At ipinagkanuno mo kami?" Bahid sa tinig ni Thraia, ang galit. "Ano ba ang gusto mo linawin?" Akma ng lalapit si Thraia kay Hannah, ngunit pinigilan ito ni Titus.
"Kung totoo ba na ako si Hannah Dy" Umangat na ang tingin niya sa lahat, natatakpan na ng luha ang mukha niya. "At nakumpirma ko. Ako nga siya, at pinsan ko si Rose at Layana, pati narin si Thraia at Anica" Humagulgol siya. Yinakap naman siya ni Rym, at inalo. Napa upo si Thraia, at walang salita ang lumabas sa bibig niya. Ganoon narin kay Anica, Rose, Layana, at Thraia.
"We're family Dy?" Wala sa sariling natanong ni Anica, sa sarili.
Tumango tango naman si Hannah.
"Ngayon na alam niyo na. Ipapakilala ko sa inyo ang kapatid ko na tutulong din sa aten" Tumingin siya sa pintuan na dahan dahang bumukas.
Pumasok doon ang lalaki na may matangkad, maputi, matangos ang ilong, light blue at violet ang kulay ng buhok, at ang pinaka nakaka akit sa kanya. Ang kulay asul niyang mga mata.
"No" Bulong ni Thraia sa sarili.
Napatayo naman si Anica. Pinatayo niya si Thraia at inalog sa magka bilang balikat. "You! I told you! Argh! Thraia I told you! Huwag mo akong idadamay!" Dinuro niya pa ang kaibigan. Tulala lang si Thraia, hindi na na alis pa ang tingin niya sa lalaki.
"Guys? Anong nangyayari?" Tumayo si Rose at lumapit sa mga kaibigan. Inilayo niya si Anica kay Thraia.
"He is Tanner Davidson!" Anunsyo niya. Tumingin si Rose sa lalaki na nakangisi sa kanila. Ngumiwi lang siya at muling ibinalik ang tingin sa mga kaibigan.
"Anong meron sa kanya?" Takang tanong ni Layana. Nakitayo narin si Hannah, at tumitig sa lalaki.
"He is Thraia's, boyfriend" Mahina man ang pagkakasabi ni Anica, sapat na iyon upang mapa tayo si Titus at takang tumingin sa kanila.
Lahat ng atensyon ay nasa lalaki na. "Hi! Tanner Davidson Atadero, here! Hi babe Venus!" Lumapit siya kay Thraia at hinawakan sa palapulsuhan. Akma na niya itong hahatakin nang biglang may humatak pabalik kay Thraia.
"Sorry, but once I laid my finger on girls, they're mine. So. She. Is. Mine." Nagtitigan sila ng masama.
"Teka nga!!"
☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎ ☾︎❣︎☽︎
Rose's POV
"Teka nga sabi!" Hinatak ni Thraia ang kamay niya sa dalawang lalaki.
"Saka na kayo magtalo, uunahin niyo pa yan? Mag plano muna tayo" Inawat ko na sila dahil baka humaba pa ang pagtatalo. Umupo si Titus, at hinatak pa upo sa kandungan niya si Thraia.
Ngumiwi naman si Tanner, at lumapit sa ate niya. May ibinulong siya dito at tumango tango ang kapatid niya.
"Handa na ba? Huwag niyo na muna isipin ang mga problema niyo sa pag-ibig. Saka niyo na iyan pagtalunan" Mapanganib na binigyan ng tingin ni Maricar ang tatlo. Tumungo lang si Thraia, at umupo na ng maayos sa tabi ni Thraia.
Kinalabit ko si Titus, at inginuso ang tabi ni Jupiter. Nangunot naman ang noo niya. Umirap ako at hinatak ang kuwelyo niya patayo. Umupo ako sa puwesto niya at umupo sa tabi ni Thraia. Narinig ko pang nagmura si Titus, at sapilitang tumabi kay Jupiter.
"Kalahati ng estudyante ng Angel Academy, ang kailangan na nating ilabas" Pag uumpisa niya. Nangunot ang noo ko. Kalahati? Sobrang dami non. Kung kami nga ay hirap, paano pa kung kalahati ng estudyante ng Demon High. "At alam kong magagawa mo na yun Jupiter" Tumingin siya sa gawi ni Jupiter, kaya nakitingin ako. Tumango sila sa isa't isa. "Hannah. Ano ang plano nila?" Tumingin naman ako kay Hannah. Ibig sabihin alam niya na ang plano ng kalaban?
Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala na magkaka mag anak pala kami.
"Iyon lang ang sinabi nila sa akin. Iisa isahin daw ang mga estudyante" Sagot nito. Nangunot ang noo ko. Iisa isahin? Makakaya kaya nila yun?
"Nope, I know that kind of strategy. We better should make if, lahat ang ilalabas naten. Kami na ni Jupiter ang bahala" Tumingin ako kay Sabrina. Lahat?!
"Sigurado ba kayo. Paano kung gawin nating makabuluhan?" Ngumisi ako at lahat ng atensyon ay nasa akin na.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Acciónᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...